Chapter Fourteen :)

Magsimula sa umpisa
                                    

Pagkababa ko sa hagdan ay patuloy pa rin sa pagkukulitan sila Adam. Ice is on the grand piano. Hinahawakan nya ang mga keys pero di nya pinapatunog iyon.

"Hay salamat! Natapos din ang reyna." parinig ni Adam. Agad kong dinampot ang isang throw pillow at hinagis iyon sa kanya.

"Grabe, mahirap ka pala lasingin! Pagkagising mo, mas brutal ka." natatawang sabi ni Adam sabay gulo ng buhok nya.

Maingay kaming lumabas. May dala silang sasakyan at mukhang handang handa sa pag lomi namin.

Si Adam ang driver. Sa passenger seat si Ivan. Sila Catherine, yung best friend nya na si Audree at si Trisha ang nasa likod ng driver's seat. Sa pinakalikod kami ni Ice.

Hindi ko alam kung sinasadya ba nila ang ganitong set up o hindi. Pero naiirita na ako. Ganito talaga ako kapag kinabukasan galing sa inuman kaya nga bibihira lang akong uminom.

"Saan ba tayo kakain?" imik ko. Medyo naninibago din ako sa katahimikan ng katabi ko at sa lahat ng tao sa loob.

"Batangas." sabay sabay nilang sabi. Umimik din si Ice. Pagbaling ko sa kanya ay nakangiti sya sakin.

"What the hell! Dont tell me, maghihintay pa ko ng dalawang oras bago makakain? Naiyak na ang tyan ko!" reklamo ko sa kanya.

Tapos, pupunta pa kami sa Batangas ng ganito ang suot ko? Short, black v-neck shirt, dark blue na keds saka ball cap. Sana naman lang, nakapili ako ng maayos na damit. Kung alam ko lang!

"Relax Cream. Wala pang isang oras eh nasa Batangas na tayo." sagot naman sakin ni Adam.

"So ano? Paliliparin nyo ang sasakyan?" pabalang kong sagot.

"Who says we're travelling on land?" imik ng katabi ko. Binalingan ko sya at isang malaking ngisi ang naka plaster sa mukha nya. Kaines!

Dumeretso kami sa isang lugar na ngayon ko lang napuntahan. Damn! Sasakay kami ng helicopter? Pupunta lang sa Batangas, naka ganito pa? What the hell!

"Sakay na Cream!" sigaw sakin ni Ice. Medyo hindi kami magkarinigan dahil sa ingay ng engine. Tinulungan naman nya ako sa pagsakay. Mabuti at di ko sya katabi. Silang dalawa daw ni Adam ang magpapatakbo ng sasakyan naming ito.I was sitting right next to Trisha na mukhang relax na relax lang. Im not saying Im not relaxed but, damn! Masyado akong nabigla sa pagka extravagant ng pangyayari!

"Owkaaay. And we are ready to go!" announcent ni Adam na saglit pang sumilip sa amin. Inirapan ko lang sya sabay baling kay Trisha na busy sa phone nya.

"May dala ka bang pera?" tanong ko sa kanya. Natawa sya bigla sa tanong ko. Anong mali sa tanong ko? Wala kasi talaga akong kahit na anong dala maliban sa iphone ko at credit card. Malay ko ba naman na sa Batangas pala ang punta namin? Aasa na lang ako sa libre ng mga to.

"You dont need money in this trip Cream. Nandyan naman si Ice ah." kinindatan nya ako sabay balik sa phone nya. Naramdaman ko ang pag angat namin. Tumingin ako sa unahan at nakita ko ang magkapatid na seryosong seryoso sa ginagawa nila.

The Coolest Guy (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon