CHAPTER 36

111K 2.3K 89
                                    

Chapter Thirty Six

No Choice

"Where is he?" Jasmine asked nang makarating kami sa royal botanic garden.

Mamaya pa sana ang alis namin pero dahil gusto kong iwasan si Sebastien ay maaga naming inumpisahan ang aming tour.

"Hindi ko alam baka nasa hotel pa." Kibit balikat kong sagot sa kanya.

Simula ng makausap ko si Creous gamit ang phone niya ay hindi na ito nakakontak sa'kin kaya hindi ko alam kung nasaang lupalop na ito ng mundo ngayon.

"Well, ano bang plano mo?"

"Hindi ko alam. Basta gusto ko lang sigurong mag-isip. I just need some space..." Kinuha ko ang root beer sa nakalatag naming blanket sa damuhan ng garden.

Si Hailey at Maddison naman ay busy sa mga magagandang bulaklak sa hindi kalayuan.

Matapos ang aming last day ay bumalik narin kami sa hotel. I was expecting him to wait on the lobby pero wala akong nakitang Sebastien.

Siguro nga ay gusto lang nitong pagbigyan ang gusto ko. Or maybe he's just guilty of what he did? Ipinilig ko ang ulo ko. All my thoughts are just like poison. Nasasaktan ako sa lahat, I can't even think straight! All I can feel was my damn heart aching.

Maaga kaming nagpahinga dahil bukas na ang simula ng aming training sa hotel. I was assigned in the front desk kaya naman pagkagising ko kinaumagahan ay mabilis akong naghanda.

Kahit nagmamadali ako ay lutang parin ang isip ko. Napatingin ako sa aking phone ng bahagya itong umilaw. Tinitigan ko lang 'yon pagkatapos ay bumalik na ang atensiyon sa pag-aayos.

Inayos ko ang buhok ko sa harapan ng salamin at naglagay narin ng kaunting make-up.

Being in this industry, you need to look presentable at all times. Kahit na hindi ako mahilig sa make-up ay natutunan kong maglagay no'n simula ng mag-aral ako sa Campbell.

Bigla akong napapitlag ng maramdaman naman ang tunog ng cellphone ko. Someone's calling me. Mabilis kong inilapag ang brush at foundation. Kinuha ko ang aking phone sa ibabaw ng kama.

It was an unregistered number. May pagaalinlangang dinampot ko 'yon.

I wonder if it's Seve...

"Hello?" Pigil ang paghingang bati ko.

"Ate! Kumusta ka na?" Malakas na hiyaw ng kapatid ko.

Kahit na hindi ito ang inaasahan kong tumawag ay may tuwa paring sumibol sa puso ko.

"I'm good Camila. Kaninong number 'to?"

"Kay kuya Pierre, bago niyang number."

"Nandiyan ba siya?"

"Oo ate. May dinala lang. Pinapasabi nga pala ni Mama na tumawag ka daw mamaya pag uwi niya galing school."

"Okay Cams, sige na ha? Mahuhuli na kasi ako sa duty eh! I'll talk to you later okay? I miss you all!" 'Yon lang at ibinaba ko na ang tawag.

Inayos ko na ang sarili ko at sinulyapan ang aking repleksiyon sa salamin bago tuluyang lumabas doon.

Ang kasama ko ngayon sa duty ay si Maddison. Si Hailey at Jasmine kasi ay napunta sa food and beverage.

"Ang tagal mo!" Pagalit nito ng makarating na ako sa front desk.

Halos hinihingal pa ako sa pagmamadali dahil ayaw kong ma late sa unang araw ng training.

The Runaway Virgin (Campbell University Series 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon