"I told you you'll be seeing my face a lot." he grinned at me.

"Magkakilala pala kayo?" Brandon asked.

"Yeah, Brandon. I'm courting her..for a very long time. Kaya lang taken kasi siya dati. And now that she's not, wala na siyang choice dahil sa kanya na nakalaan lahat ng oras ko."

"Kaya ka pala kumuha rin ng unit dito? Iba ka dude." Logan laughed.

"Kumuha siya ng unit dito?" singit ni Kid.

"Yes man! Topic natin kanina lang ah. Sabagay you seemed occupied a while ago. Probably because of Sunny." Brandon answered.

"Don't push it." inis na sabi ni Kid kila Logan.

"Mia..can I ask you out for lunch?" bumaling ulit sa akin si Bernard.

Tiningnan ko ang digital clock sa gilid ng elevator, mag-aalas dose na.

"Ahmm..sabay kasi kaming kakain ni Sunny ngayon." pag-iwas ko.

"Mauna na kayo Brandon. Mukhang naiilang si Mia sa inyo. Sa kanya ako sasabay maglunch." pagtataboy ni Bernard.

"Wag mong pilitin kung ayaw. Tss." singit ulit ni Kid.

"You have a problem, Kid?" tanong ni Rage. Nakakunot ang noo niya at tila may pinag-iisipan.

"Let's go bro. May meeting pa tayo ng one p.m." kinaladkad na nila Brandon si Kid.

"Pasensyahan mo na sila Mia. Ngayon na lang kasi ulit nila ako nakitang may nililigawan kaya todo sila mang-asar."

"Kaclose mo pala sila?" tanong ko.

"We're childhood friends."

"Pero ngayon ka lang nagawi dito di ba?"

"Matagal akong naglie-low sa bonding namin. Night outs and everything. Ngayon na lang ulit ako naligaw kasi nga..gusto kong makita kita lagi, lalo na ngayong wala naman na kayo ni Eric."

"Bernard..hindi ibig sabibin nyon na..--"

"I know, Mia. You need time to heal. It's fine with me. We can start as friends. Like we already are."

Tumango ako. Mukhang hindi naman siya mapipigilan.

"YES!" sigaw niya.

"Huyyy..ang oa mo."

"I'm just happy. Can we have lunch?"

Tumango ako para matigil na siya. Iiwasan ko na lang siya sa mga susunod na araw.

__________________________

Mia:

Nandito na naman kami sa mga high end bars.

Huling destinasyon namin ang Mango Tango.

Panatag ako dahil hindi naman ito tambayan nila Kid.

Nagtext rin si Sunny kanina na hindi siya makakapag part time ngayon dahil may major quiz sila bukas.

So pag walang Sunny..walang Rage. Wala rin ang super friends niya.

Kahit na lutang ako sa mga nangyayari sa buhay ko ay kailangan ko pa rin galingan sa trabaho.

Kaya naman nang matapos ang schedule namin ay ako ang may pinakamalaking benta.

"Magaling ka talaga, Mia."puri ng manager namin.

Nakabusangot naman ang iba.

Paki ko?

Pagkapalit ko ng damit ay lumabas na ako ng building at nag-abang ng masasakyan.

"Hop in, Mia." ang magulong buhok ni Kid at mapupungay niyang mata ang nakita ko sa humintong Audi.

Naramdaman ko na naman ang pagtakas ng dugo ko sa kaba.

Tang'na bakit nandito siya?

"Wala dito si Sunny. Nagrereview siya."
mataray kong sabi kaagad.

Bumaba siya ng Audi niya at nilapitan ako.

"It's funny but I'm not here for Sunny. Now, hop in. We'll talk."

"Utang na loob, Kid. Wala tayong dapat pag-usapan. Kalimutan--"

"Damn it. Ilang ulit ko bang kailangang sabihin sa'yo na hindi iyon madali, Mia.
I can't forget that night. I can't forget you. So fuck that suggestion to just forget it."

Natawa ako ng pagak. "Wag nga ako, Kid. Maraming babaeng handang makaulayaw ka. Imposibleng gusto mo pang maulit, sa cheap na katulad ko? Oh come on! That's trashtalk."

He grabbed my wrist. "Don't try me, Mia. I can prove it to you right here, right now that I want you. So while I'm still in control of kissing you, HOP IN."

"Hindi nga kasi pwed-"

Shit. Naramdaman ko ang mainit niyang labi sa labi ko.

Pucha. Nanginginig ako sa simpleng bagay na iyon.

Tinulak ko siya habang may katinuan pa ako.

Napilitan akong sumakay sa Audi niya.

"Ano ba kasing trip mo sa buhay?" pagigil na tanong ko nang makasakay na rin siya.

"I want to own you. Wag mong sagutin si Bernard." seryoso niyang sabi habang nagmamaneho.

"Ha?" laglag ang panga ko sa sinabi niya.

"Damn it. I repeat..I want you. I want to own you..as much as you own me."

"I'm not owning you, Kid. Sabi mo nga hindi ba, hindi porket may sensual na nangyari sa atin, hindi nangangahulugan iyon na may karapatan tayo sa isa't-isa. It's just a one night stand. It's a mistake. Akala ko ikaw si Eric dahil lasing ako."

Hinampas niya ang manibela. "It's not a mistake for me, Mia. It's not a one night stand. You get me? It's a mark that you are mine and I am yours. Mia, I'm not like them..Brandon..Logan and Rage, once I screw a girl it has to mean something."

"Pero nanliligaw ka kay Sunny di ba?" pairap kong tanong.

"Let's just forget about that. I'm sure that's what you also wanted for her. For her to be happy with Rage. Now, let's have our own story, Mi."

________________

Perfect DistractionWhere stories live. Discover now