PROLOGUE

12 1 0
                                    















"Chloe! Pwede ba umayos ka naman!"
Sigaw sakin ng best friend/manager ko.
"Umayos ka naman Chloe, alam mo naman na maraming tao dito! Dito mo pa talaga naisipang pumunta. Baka mamaya mamukaan ka nila!"
"Kaya nga naka disguise ako diba!?" Sabi ko sa kanya ng nakanguso.

"Tigil tigilan mo nga ko ng pagpapacute mo! Di yan tatalab sakin!" parang pinapahiwatig nya sakin na lagot talaga ko sa kanya.

"Teka, bakit ka nga ba nandito sa mall ha?" Tanong nya sa akin habang tinitingnan parin ako ng masama.

Patay! Di ko alam kung sasabihin ko ba sa kanya kung bakit ako nandito o magsisinungaling ako.

Habang nag-iisip pa ko ng idadahilan ko sa kanya kung bakit ako nandito, nang bigla nya kong kinaladkad papunta sa parking lot. Halos madapa na ako sa bilis nyang maglakad.

"Wait lang Ella!" Sabi ko habang hinihigit ko yung braso kong hawak-hawak nya.

"S-sandali lang!" Ulit ko ng di nya ko pinansin.

"Chloe, dun na tayo mag-usap sa parking lot"

"Eh di sayang lang yung punta ko dito kung iuuwi mo agad ako..." halos pabulong kong sabi.

Tumigil sya at hinarap ako
"Anong sayang?" nagtataka nyang tanong sakin.

Eh kasi namab Ella kaya ako nadito, kasi nandito yung crush ko.

Gusto kong sabihin yan sa kanya pero habang iniisip ko na nandito ang ultimate crush ko hindi ko maiwasang mangisay sa kilig.

At alam kong napansin na ni Ella na kinikilig ako at namumula na ang pisngi....

"T-teka, dahil ba to kay Andrew!" halos manlisik ang mata nya sa pagtatanong sakin.

Dahan-dahan naman akong tumango, para makumpirma na tama sya....

"Yes" sabi ko at medyo nahiya sa kanya...

"Ano ka ba naman Chloe! Nang dahil lang sa kanya!"
pasigaw nyang sabi sakin...

Habang sinisigawan nya ako marami rami na rin ang tumitingin sa amin na tao sa mall. At hindi lang yon mukang namumukan na nila ako.

Habang talak parin ng talak si Ella, di ko na napigilang dagsalita....

"Ella, andami ng tao! Mukang nakikilala na nila ako!" nagpapanic kong sabi sa kanya at tumutig lang sya sakin...

"Pano na?"

"Sabi mo nakadisguise ka diba kya bakit takot ka"

"Ella naman!" halata na ang gigil sa sinabi ko.

Habang naktingin parin sa akin si Ella at naghihintay na mag please ako sa kanya ay may dumaan na babae sa tabi namin at lumapit pa talaga ha.

"T-teka lang, diba ikaw si Chloe Martinez yung sikat na teen star!" Halos patili na sigaw nung babae..

"Ah-eh..." tanging nasabi ko nalang. Hanggang sa nagsitinginan narin sa amin yung iba pang mga tao, at unti unti dinumog ako ng mga tao.

"Pa picture naman Miss Chole!!" sabi nung babae kanina.
"Miss Chole pa autograph!!"

"Ako din po!!" 

At kung anu-ano pa, kailangan ko nga talagang mag please. No choice ako eh!

"Ella, sorry na pls di na mauulit!"

Pagkasabi ko non agad naman akong prinotektahan ni Ella at dinial na yung number siguro ng body guard.

"Hello, Allen pumasok kayo dito! Dinudumog ng tao si Ella.  ok  bilisan nyo" at binaba nya na ang cellphone nya.

"Ella!!" halos naiinis na ko, sobrang nag sikip na kisi at yung feeling na nagtutulakan na...

Hayyyy LORD!!! Help me po ansikip!!
Halos sigaw ko sa isip ko...

"Excuse me po!"

Salamat dumating narin ang mga gaurd. Antagal nila ah...

"Ma'am tara na po!" sabi nung gaurd kay Ella.

"Let's go Chloe" ani ni Ella sakin...

Nang nakalabas na kami at ng nasa kotse na ko puro sermon lang ang natanggap ko sa kanya.

"Sa tingin mo Chloe, pano nayan? Sure ako andami mo na namang pictures sa social media!"

"Bakit ka pa kasi pumunta dito sa mall, kung hindi pa kita pinasundan kay Allen, hindi ko pa talaga malalaman!" ani ni Ella sa galit na tono.

"Sorry na nga diba?" inis kong sabi sa kanya.

"Chloe! My God! Ng dahil lang kay Andrew ganan ka na?"

"Eh ano naman ngayon!"

"Ikaw pa tong galit ngayon, alam mo manager mo ko kaya dapat lang na pangalagaan kita at best friend mo din ako diba? Sana maunawaan mo na ayaw pang kitang masaktan."

"Alam ko naman yun Ella! Sorry." paghingi ko ng tawad sa kanya.

"Ok, let's just go para makapagpahinga ka na rin."
"Allen let's go!" utos nya kay Allen na body gaurd na syang driver ngayon..

Habang paandar na ang kotse, nakita ko sa malayo na papunta na si Andrew sa kotse nya....

"T-teka si Andrew yun ah!" gulat kong sigaw kay Ella.

"Ella look!!" sabay turo ko kung nasaan si Andrew.

"Eh ano naman?" ani ni Ella.

"At least worth it yung pagpunta ko sa mall nakita ko kasi sya!!" tili ko na halos malaglag na panty ko kahit nakaupo ako...

Inirapan lang ako ni Ella"whatever!".

Love Me BackWhere stories live. Discover now