AYA QUTOTAI
Maaga akong nagising ngayon. Wala lang, gusto ko lang. HAHAHA!
Pero kasi naman ih. Hindi ako nakatulog ng maayos kagabi dahil dun sa ngitian namin ni Ser PJ. Ramdam ko talaga, gusto niya na din ako. Pilingera masyado. HAHAHA
Crush ko lang naman dati si Ser e, tapos ng pinapansin pansin niya na ako, ayun nagustuhan ko na siya. Tapos ngayon naman na nginingitian niya na ako...ano na.... alam niyo na 'yun O///O
Pumunta ako ng kusina para ipaghanda na ng almusal si Ser PJ. Nakita ko dun si Manang Koring na parang may inililista.
"Oh, Aya, Maaga ka atang nagising ngayon."
"He-he-he! Ano po 'yan?"
"Mga bibilhin. Mag go-grocery ako maya-maya."
napansin kong napahawak sa noo si Manang. Hala! Masakit ulo ni Manang. Kaylangan kong tumulong!!!!! SUPER AYA~
"Ah! Ako na lang po ang bibili. Mukhang masama po ang pakiramdam niyo e."
"Sigurado ka ba? Baka maligaw ka dito sa lugar natin"
"Ano ka ba po, Manang! Bago pa ako magtrabaho dito, nalibot ko na halos ang paligid nitong lugar niyo bago ako mahulog dun sa kanal na 'yun at magtrabaho dito." natatawa kong sabi.
"O sige. Salamat Hija."
Teka, ano nga 'yung sinabi dun sa TV? AH OO!! "No problem"
Natawa na lang sakin si Manang. Oh, gumagaling na ako sa Inglis.
Matapos kong magluto ng almusal ni Ser PJ, Naligo't kumain na din ako. Mag go-grocery pa ako e. ^____^
Sumakay na lang ako ng Taxi. Oha! Alam ko kung pano pumara ng taxi. Wag niyo akong minamaliit.
Natatandaan ko 'tong Mall nato. ito 'yung Mall kung saan pinaayusan ako ni Amber. Grabe, Ang ganda ko talaga nun.. pati ngayon! HA-HA-HA!
Dumiretso na ako sa SUPERMARKET.
Kumuha na rin ako ng Cart. Alam ko tawag dito. Wag niyo nga sabi akong minamaliit. -____-
"Aya?"
Lumingon ako sa likod ko. "OH! Xian, Ikaw nanaman?"
Ginulo nanaman niya 'yung buhok ko. Lagi na lang. "Grabe ka naman. Parang ayaw mo naman na nakikita ako."
Tumawa na lang ako. Ano bang dapat kong sabihin?
Sinamahan niya na akong mag grocery. Tapos nagpasama siya sakin sa sa bilihan ng cellphone. Iniwan muna namin yung grocery dun sa Iniiwanan ng gamit. o sige, maliitin niyo na ako, hindi ko alam tawag dun
"Good Morning Sir Raniego." bati nung babaeng empleyado.
Kinalabit ko naman siya. "Kilala ka dito, Xian?"
Tumawa siya ng mahina. "Ako may-ari nito. Hindi mo ba natatandaan? yung party?"
Nasapo ko na lang ang noo ko. Oo nga pala -_____-
May sinabi siya doon sa babae, di ko alam kung ano. Hindi ko naintindihan e. Tumingin tingin muna ako sa paligid, parang......may nakamasid sakin. O__O
Napatingin ako sa gilid ng pintuan, may nakaitim na nakasombrero ding itim tapos naka pantalon ding itim. AHA! Siya si Mr. Itim. Lalapitan ko sana siya pero bigla naman tumakbo.
Inamoy ko 'yung kwelyo ng damit ko. "Mabaho ba ako? Pagkakaalam ko naligo naman ako bago umalis ah. Bat tumakbo 'yun?"
"Huy Aya! May kausap ka?"
YOU ARE READING
Aya Qutotai
RandomON-HOLD | FILIPINO | UNEDITED | ROMANCE-COMEDY Ang babaeng walang ibang ginawa kundi itago ang utak niya sa kaduluduluhan ng mundo. Makaya mo kayang makasama ang isang tatanga-tangang AYA? Susmaryosep! Magandang tanga?
