AYA QUTOTAI
Nakakaiyak. T^T
Inihatid nanamin kanina sa airport si Amber.
Isang taon daw siya doon sa.. Basta doon T__T
isa lang ang ibig sabihin nito.
WALA NA AKONG TRABAHO :(
Sinimulan ko ng mag-impake habang nakikinig ng radyo.
(PLAY THE MUSIC ON THE SIDE)
Naiiyak ako. T^T
Naiiyak talaga ako. T^T
Madami na akong damit na dadalhin paalis sapagkat binigay na saakin ni Amber yung mga damit niyang hindi niya ginagamit.
Nilagay ko na ang Perla Papaya sa bag ko.
Nilagay ko na ang Sunsilk Yellow na shampoo ko.
Nilagay ko na ang Toothpaste at Toothbrush ko.
Nilagay ko na ang Those days sa bag ko.
Nilagay ko na ang pang hilod ko.
Lahat na ng gamit ko, nasa bag ko na. T__T
Isinara ko na ang Bag ko at nagsimulang maglakad papalabas ng kwarto.
"Where are you going Aya?"
"Susmaryosep! Nakakagulat ka naman Ser PJ."
Bigla-bigla na lang kasing sumusulpot sa likod ko.
"Saan ka pupunta?"
"Ba~Bye na... Aalis na ako." pakanta-kanta kong sabi.
"At bakit?"
"Kasi po wala na si Amber diba? Siya naman kasi yung amo ko po diba?"
"Oh. Anong pinupunto mo doon?"
"Ibig sabihin, wala na akong trabaho sapagkat umalis na si Amber."
"Sige na po Ser. Paalam" dagdag ko pa.
"AYA! Bumalik ka nga dito."
Hindi na ako humarap sakanya. "Ser. Ako na mismo ang aalis."
"AYA!!"
Hindi pa din ako humaharap at nagpapatuloy sa pag lakad. "Ser. Wala na akong trabaho."
"AYA! Sinabi ng bumalik ka dito!"
Hindi pa din ako humaharap at nagpapatuloy sa pag lakad. "Ser. Malaki talaga ang utang na loob ko kay Amber pero kasi, umalis na siya."
"AYA! ISA!!"
Hindi pa din ako humaharap at nagpapatuloy sa pag lakad. "Ser kasi pinahihirapan niyo ako. Alam ko naman na paaalisin mo na rin ako dito. Kaya eto ako, ginagawa na ng kusa ang gusto mo."
"AYA!!!!!!!!!!! KAPAG LUMINGON KA AKIN KA NA!!!"
O////////////////////O
O edi lumingon. Sus!
"ANO ULIT YUN SER? ^_____^"
Napaiwas siya ng tingin sakin. Uy! kinilig ang balunbalunan niya. HAHAHA.
"ANG IBIG KONG SABIHIN,... SAKIN KA NA.. MAGTATARABAHO. GETS MO?"
"TALAGA PO?"
"OO NGA! LUMAPIT KA NGA DITO! SIGAWAN TAYO NG SIGAWAN E. -______-"
Lumapit naman ako kay Ser.
MALAPIT NA MALAPIT. ^^
"Ganito ba kalapit ser?"
Napa-atras naman siya. "H-HOY! ANO!!.. Ibalik mo na yang mga gamit mo at ipagluto mo na ako ng Almusal ko. BILIS!"
"OKAAAAY PO!!!! ^_____^"
Siguro crush din ako ni Ser. Ih ♥
Kasi naman ih. ♥
"Hoy! Aya! Ano na? Sabi ko ipaghanda mo na ako ng almusal."
"Ser, may tanong ako bago kita ipaghanda ng almusal."
"Ano?"
"Crush mo din ba ako?"
Oh. Huli ka Ser! Namula yung tenga niya.
"Hala! HULI KA! Crush mo din ako no? O kita mo yan? Namumula ka. Yieeee. Ser ha? May lihim ka pa lang crush sakin."
"Alam mo yung ASA, Aya?"
"Oo naman Ser. May pag-asa ka sakin."
"Tigilan mo nga ako. Hindi kita crush okay? Ngayon pumunta ka na ng kusina at ihanda mo na ang almusal ko."
"Okay po. Sabi mo e. ^___^"
Sus. Kunwari pa si Ser. ramdam ko, crush din ako ni Ser HAHAHAHA
_______________________________________
YOU ARE READING
Aya Qutotai
RandomON-HOLD | FILIPINO | UNEDITED | ROMANCE-COMEDY Ang babaeng walang ibang ginawa kundi itago ang utak niya sa kaduluduluhan ng mundo. Makaya mo kayang makasama ang isang tatanga-tangang AYA? Susmaryosep! Magandang tanga?
