52: Ultimate Power

Start from the beginning
                                    

"They are using my mind reading power kaya alam nila ang susunod na atake nina T."

"So, anong gagawin natin?"

Umiling si Matteo. "Ang pamilya mo ang in-charge ng peacemaking samantalang sa security naman ang pamilya namin. This is our job, Savannah."

Tumango ako. Kailangan kong mag-isip ng epektibong paraan para manalo kami.

Pero ano?

Muli akong sumilip at nakita kong tumakbo si Saide upang habulin ang Turned na dumaan sa likuran n'ya upang tumakas.

Ang iba naman ay panay pa rin ang sugod at tulad kanina ay tumatalsik lang sila sa kung saan-saan.

Sina Noelle, ang kanyang mga sundalo at si Rocco naman ay patuloy na nakikipaglaban sa mga Turned at witches na nasa may di kalayuan.

Si Titus ay ginagamit ang kapangyarihan n'ya kina Lucinda at Florence pero dalawa sila kaya nababalewala ang effort n'ya.

Tama. May bigla akong naalala.

"Kanina, habang ginagawa ni Lucinda ang kanyang ritwal, nanood ako gamit ang remote viewing ko."

Tiningnan ako ni Matteo at nakita ko ang pag-asa sa mga mata n'ya. Tumango siya.

"Ahhh!"

Napasilip kami nang marinig ang sigaw ni Yadira at gan'on na lang ang panic ko nang makita na hawak ito ni Florence sa leeg.

Agad na sumugod sina Titus, Noura at Nadine pero si Lucinda ang humarap sa kanila. Gumagamit nanaman ng spell ang masamang witch upang hindi makalapit sina Titus. Napaluhod pa sila at napasigaw habang sapo ang kanilang ulo.

"Tulungan natin sila," akmang tatayo na ako pero pinigilan ako ni Matteo.

"How? Walang nagagawa ang puro atake. Malalakas ang mga kaibigan natin pero wala silang nagagawa."

Napilitan akong tumango.

"Pumunta tayo sa mausoleum," baling ko kay Matteo na kahit nasa mukha ang pagtataka ay tumango naman.

"Ano'ng gagawin natin?"

"Matt, sabi mo nga, napakalakas ng mga kalaban natin. One's a vampire, the other one's a witch. I am both. Kapag ginawa ko ang spell na ginawa ni Lucinda, mas malakas pa ako sa kanila combined."

Naunawaan naman niya ang punto ko.

"Just make sure na walang pipigil sa akin."

"I got your back," aniya saka pinisil ang balikat ko.

Payuko kaming humakbang upang pumasok sa mausoleum. Nadatnan namin doon ang pentagram na ginawa ni Lucinda. Hindi na nakasindi ang mga kandila d'on pero maliban d'on ay intact pa rin ang ginawa n'yang circle kanina.

Sa gitna ng pentagram ay naroon ang kulay itim na earthen pot na medyo may kalakihan at nang silipin ko iyun ay may natira pang dugo doon. Hula ko, ito 'yung pinaghalu-halo naming dugo.

"Gagawa ka pa ba ng spell o ito na ang gagamitin mo?" tanong ni Matteo na sumilip din sa loob ng pot.

"Kailangan kong makasiguro na tama ang spell na iinumin ko," sabi ko saka ako lumuhod sa tabi ng pot. Naging alerto naman si Matteo sa pagbabantay ng posibleng kalaban.

Tiningnan ko ang mga kandila at agad na nagsindi iyun. Inalala ko ang mga salitang binanggit ni Lucinda.

"Ab oriente ad occidentem,
Ab austro usque ad aquilonem,
Da mihi potestatem."

Walang nangyari.

"Ab oriente ad occidentem,
Ab austro usque ad aquilonem,
Da mihi potestatem."

"Ab oriente ad occidentem,
Ab austro usque ad aquilonem,
Da mihi potestatem."

"Ab oriente ad occidentem,
Ab austro usque ad aquilonem,
Da mihi potestatem."

Palakas nang palakas ang aking boses na halos ay sumisigaw na ako.

Napapikit ako nang mas lumakas ang apoy sa mga kandila pati na rin ang hangin na nakapalibot sa akin.

"Ab oriente ad occidentem,
Ab austro usque ad aquilonem,
Da mihi potestatem."

Napansin kong tila may usok na lumabas mula sa earthen pot kaya sinilip ko iyun. Laking gulat ko nang makitang kumukulo ang dugo na nasa loob kahit wala namang apoy sa ilalim ng pot.

"Savannah, bilisan mo. Nakuha mo na ang atensyon nina Lucinda," untag sa akin ni Matteo na ngayon ay nakatayo sa may pintuan ng mausoleum.

Dali-dali kong kinuha ang pot saka lumunok. Nakapagtatakang mabango ang dugo na nasa loob n'on. Mabilis kong hinigop iyun na para bang isa lang iyung sopas. The blood was enough for one person.

Lucky me.

Ang sarap. Kakaiba ito sa dugong natikman ko na dati. At tama lang ang init n'on kahit na umuusok pa 'yun.

"Ugh!" napaigik ako nang maramdaman ang kakaibang sensasyon sa loob ng katawan ko.

Umikot ang aking paningin. Iilang visions ang nakita ko.

Our combined blood, hindi ito ang unang pagkakataon na may nag-mix sa kanila. Nangyari na ito dati.

May nakita akong dalawang babae. Mas matanda ang isa.

Witches, both of them.

"Savannah," naramdaman ko ang paglapit ni Matteo pero hindi ko s'ya pinansin.

Patuloy lang ako sa pagngiwi. Hindi naman ako nasasaktan pero tila may kakaibang nangyayari sa katawan ko. Hindi ko 'yun maipaliwanag.

Napatingin ako sa mga kamay ko. Nanginginig ang mga ito but I felt good.

I stretched my arms bago ako tumayo nang tuwid. I felt like everything around me was clearer. The wind outside the mausoleum was audible. I could smell blood, of all kinds. Amazingly, I could distinguish which was which.

I could feel everything.

"Okay ka lang?" nag-aalala akong nilapitan ni Matteo.

Tumango ako sabay ngisi. "Never been better," sagot ko sa kanya.

Nag-aalangan siyang tumango kasabay ng pagbabago ng kulay ng mga mata n'ya. Naging pula na ang mga 'yun.

Ramdam ko ang init ng kapangyarihan na nanalaytay sa mga ugat ko ngayon. Kaya pala napakalakas nina Lucina at Florence. Nag-uumapaw ang mga kapangyarihan ng mga dugo ng founding families.

"Let's go," yaya ko sa kanya saka kami sabay na lumabas ng mausoleum at lumapit sa direksyon nina Lucinda at mga kasama namin.

***

She Was BittenWhere stories live. Discover now