Chapter 53

5.2K 178 64
                                    

Hinintay ko lang makaalis si Paul bago ako umakyat ulit. Gising pa si Ly pag-akyat ko siya pa ang nagbukas sa akin.

Bakit hindi ka pa natutulog? Paul is right, you look tired. Sabi ko.

Hindi pa ako inaantok. Do you want cake? Tanong niya pagupo niya sa couch at pinakita sa akin yung kinakain niya.

Okay. Sabi ko at tumayo siya ulit para ikuha ako.

Paano ka makakatulog kung kumakain ka ng matamis? Tanong ko.

Nagugutom ako eh. Sorry nga pala if i sound too demanding when I asked you to come home kanina. Hindi ko lang talaga alam what to do with Avi. Sabi niya at umiiyak na naman.

Hey, wag ka na umiyak. Okay na si Avi, ako na bahala dun. Sabi ko sa kanya.

Hindi lang ako sanay na galit sa akin si Avi. Sabi niya habang umiiyak pa rin kaya lumapit ako sa kanya at niyakap siya. Yumakap din naman siya sa akin

Hindi yun galit sayo. Nalungkot lan but she'll be okay. Sabi ko.

Are you okay? Tanong niya sa akin.

With you and Paul? Tanong ko at naramdaman kong tumango siya.

Yes. All i want is for you to be happy Ly and I know Paul will make you happy. I'm happy that you're happy and after all you've been through you truly deserve it. Sabi ko at hinalikan siya sa ulo, hindi ko rin napigilan maiyak dahil I'm finally letting her go. Pinunasan ko yung luha ko bago ko siya binitawan.

Thank you. Sabi niya.

Naku tama na nga ang drama Ly. Sayo talaga nagmana yung anak mo pati pagdradrama. Wala talagang namana sa akin kung hindi ilong lang. Sabi ko at natawa siya.

Meron naman, your love for chocolates, ano pa ba? Nagisip siya.

Wala na. Yun lang. Sabi ko habang natatawa.

How was your trip pala? Tanong niya.

Okay naman. Refreshing, iba talaga pag malapit sa dagat, nakakarelax. You and Paul should go para naman madestress kayo kay Avi. Sabi ko.

Saka na siguro after the wedding. Sabi niya.

Yeah honeymoon. Sabi ko.

Kief, you can always visit Avi even if Paul and I are married. Sabi niya.

I know. Saka hindi rin ako papayag na hindi. Paul should be aware of that. He can't kick me out of my daughter's life. Sabi ko.

He won't. Okay lang ba kung matulog na ako. Bigla akong napagod. It's been a stressful night, you should rest too. Sabi niya.

Okay. Sabi ko at tumayo na.

Good night Kief. Sabi niya bago pumasok sa kwarto.

Good night. Sabi ko at pumasok na sa kwarto ni Avi.

Days passed by naging busy si Ly and Paul preparing for their wedding early next year kasi ang plano nila, april ata para bakasyon sa school ni Avi. Nasanay na rin ako sa kanila pag nasa condo ako minsan, may kirot pa rin pero gaya nga ng sinabi ko kay Ly, masaya ako kung saan siya masaya.

Nakapagadjust na rin si Avi na magaasawa ng iba ang mommy niya. Naexcite na rin siya sa wedding pero she's always considerate lalo na pag kasama ako.

Dad, are you okay? Tanong niya dahil sinamahan namin si Ly magsukat ng wedding gown.

Yes, why? Tanong ko.

Fragile Heart Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon