Chapter 20

5.7K 150 10
                                    

I feel okay and conscious kaya litong lito ako na feeling ko babagsak ako kanina.

Babe, aray. Sabi ni Ly na nakaluhod sa tabi ko.

Babe anong nangyari sayo? Tanong ko. Si Ly pala yung bumagsak at natulak lang ako.

Nadapa ako ang tanga tanga mo kasi di mo ko hinawakan. Sabi niya habang umiiyak.

Sorry. Hindi ko napansin. Sabi ko at tinulungan siyang tumayo. Wala naman sugat may konting gasgas lang sa tuhod.

Ang sakit ng kamay ko. Sabi niya at pinakita sa akin dahil may sugat.

Bumalik na tayo ng hotel. Ang pilit mo kasing umisa pa. Naisahan ka tuloy. Sabi ko at hinampas niya ako.

Ang bad mo aksidente yun, hindi ko nakita yung lubak. Sabi niya saka tinuro kung saan siya nadapa.

Kaya mo bang maglakad or kailangan na kitang buhatin? Tanong ko.

Buhat please. Sabi niya at tinaas yung dalawang kamay niya kaya binuhat ko na.

Pagdating namin sa hotel buhat ko pa rin si Ly hanggang sa kwarto at inupo siya sa couch.

Nasaan first aid kit mo? Tanong ko dahil knowing her lagi yan may dala.

Sa bag ko babe. Sabi niya habang umiiyak pa rin kaya kinuha ko yung first aid kit.

Naku, dapat yata dalhin na kita sa hospital babe. May bato sa loob ng kamay mo. Sabi ko.

Wag kang oa. Sabi niya.

Ginaya ko yung ginawa niya sa akin dati. Nilagyan ko ng hydrogen peroxide at binigla ko din.

Babe naman. Dahan dahan. Gumaganti ka ba? Tanong niya.

Ano ko bata? Ganti ganti sinasabi mo dyan. Sabi ko.

Okay na yan lagyan mo ng betadine na. Sabi niya.

Wait malaki yung sugat mo. Sabi ko kaya tinusok ko ng karayom na nakuha ko sa closet kanina.

Aray. Gago ka bakit mo ko tinutusok ng karayom? Tanong niya pagkahampas sa akin.

Tatahiin ko. Sabi ko habang tumatawa.

Loko. Wag ka nga gaya gaya ng style. Sabi niya at kinuha na yung kamay niya.

Arte mo parang kagat lang yun ng langgam. Sabi ko.

Masakit kaya. Sabi niya.

Oh sorry na. Sabi ko at ginamot na rin yung tuhod niya gasgas lang naman kaya hindi masyado siya nasaktan. Yung kamay niya lang talaga ang may sugat.

What do you want to do? Parang gusto ko pa maglaboy. Sabi ko.

I wanna rest, I feel like I'm going to be sick. Sabi niya.

Hoy babe, wag ka ngang maarte ang liit liit niyang sugat mo. Sabi ko.

Diba pagod ka na. Stay na lang tayo here and order food. Sabi niya.

Okay. Nasaktan ka na't lahat pagkain pa rin yung nasa isip mo. Sabi ko.

Gutom na ako eh. Sabi niya.

Gusto mo bili ulit ako sa baba? Tanong ko.

Okay lang or room service na lang para di ka na lalabas. Sabi niya.

Parang gusto ko kasi ng satay. Sabi ko.

Okay lang ba na di na kita samahan? Tinatamad na ako bumaba babe. Sabi niya.

Fragile Heart Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon