I'm planning to surprise Ly, sinadya kong hindi niya ako matawagan dahil binlock ko yung no niya. Gusto ko lang magpamiss, although alam ko naman na miss na niya ako dahil hinahanap niya ako kay Thirdy.
Nagpunta ako sa nurse station at sinabi niyang nasa room 215 daw si Ly. Kumatok ako at pumasok pero babaeng natutulog lang ang nakita ko. Nung wala si Ly dun lumabas din ako agad at nakita ko si Ella.
Ella. Tawag ko sa kanya.
Oh Kiefer. Ginagawa mo dito? Tanong niya habang nakatingin sa flowers na dala ko.
Si Ly? Tanong ko.
Ayun nagdradrama. Nagwalkout si bakla. Sabi niya.
Bakit? Tanong ko.
Nakita ka pumasok sa room nung model na pasyente niya eh. Sabi niya.
Ang arte talaga ng kaibigan mo noh. Sabi ko sa kanya.
Ikaw rin naman kasi, after mo hindi magpakita ng matagal bigla ka magpapakita dito tapos iba pa yung dadalawin mo. Sakit nun besh. Sabi niya.
Siya kaya dinadalaw ko. Sabi nung nurse nandun daw si Ly sa room na yun eh, kaya pumasok ako. Buti nga tulog yung babae kung hindi baka nasigawan pa ako. Nasan si Alyssa? Tanong ko.
Nasa locker room, puntahan mo na lang. Tapos na rin duty nun. Sabi niya at tinuro sa akin kung saan.
Since nakabukas yung pinto sa locker room nila pumasok na ako at nakita ko siya na nakaupo sa gitna ng mga lockers at nagdradrama kaya umupo ako sa tabi niya. Nagulat pa siya ng makita niya ako.
Anong ginagawa mo dito? Tanong niya.
Manliligaw. Sabi ko at lalo siyang umiyak.
Ang kapal ng mukha mo. Kung saan pa ako nagtratrabaho dun ka pa manliligaw. Sabi niya.
Saan ba dapat? Sa condo mo? Tanong ko.
Huh? Tanong niya.
Saan kita dapat ligawan? Sa condo mo ba? Kung ayaw mo dito. Sabi ko.
Ako ba nililigawan mo? Tanong niya.
Oo sana pero kung ayaw mo na sa akin eh di wag na lang. Sabi ko.
Ano yan siguraduhan? Aba paghirapan mo naman behhh. Akin ba yang flowers? Tanong niya at tumango ako.
Yes. Hindi naman sa naninigurado ako, baka lan ayaw mo na magpaligaw. Sabi ko sa kanya.
Ano ka ba behh. Go lang noh. Tatanggi pa ba ako? Sbi niya.
Magpakipot ka naman behh. Sabi ko.
Oo naman behh. Ako pa ba? Tanong niya.
Off duty ka na daw sabi ni Ella. May lakad ka ba? We can go out on a date. Sabi ko.
Sige shower muna ako. Sabi niya.
Okay, I'll wait for you sa starbucks sa baba na lang. Sabi ko.
Okay, see you behh. Thanks sa flowers. Sabi niya at hinalikan ako.
Makahalik ka naman di pa tayo. Sabi ko.
Okay lang yun gusto mo rin naman. Sige na baba ka na. Sabi niya.
Okay, see you. Sabi ko at lumabas na ng locker.
Yung akala kong bigo na ako,biglang bonggang bonggang turn of events, jusq napapakanta na lang ako sa hallway sa saya. Feeling beauty queen din ako dahil kinawayan ko na lahat ng nasalubong ko.
