Kabanata11

3.2K 77 6
                                    

{Angelo's Pov}

Hindi ako Mapanatag
Hindi ko alam Kung Pupunahin ko ba ang Nakita ko
O Namamalik mata lang ako

Kahit Nakasalamin ang Nilalang na Yun ay Kitang Kita ko ang Hugis at Memoryado kong Muka ni Heaven

"Hoy? Kuya? Tulala ka Ata dyan?"

Nagulat ako ng Sumulpot sa Aking Harapan si Kristelle

"Wala ito, Baka Namimiss ko Lang sya kaya Kung ano ano ang nakikita ko"

Nakita ko na Kumunot ang Noo ni kristelle at Batid ko na Hindi nya naiintindihan ang Gusto kong sabihin

"Huh!? Ay nako kuya! Kung ano ano ang sinasabi mo dyan, Hinahanap kana ni Lyna nasa Garden na sya"

Oo nga pala Pinangako ko sa Batang Makulit na Yun na Mag lalaro kami ngayon sa Garden

"Sige Una nako, Sa Garden"

Tumayo nako at Nag umpisa na Mag lakad
Kanina pako Hindi mapakali Kahit nung nasa Byahe Kami ni jake

Imposible Ang Nakita ko....






{Heaven's Pov}

Itinaas ko ang aking baso na May laman na Matapang na alak at Bahagya ko Itong ininom

"Binabalak nila na Makipag Partner sa GCA"

Napatingin ako sa Kawalan Habang Umiinom ng Alak

Binaba ko ito sa Lamesa
"Hindi parin nag babago ang lalakeng yun, Napaka Utak parin , Ang larong to ay alam kong Plinano ni ellena, Alam na alam ni ellena ang Larong plinaplano ko kaya Gumagawa sya ng sariling laro"

Kilalang kilala ko si ellena
Hinding Hindi sya makakapayag na Mautakan sya ng Kahit na sino man

"Kelangan Natin Maisagawa ang Mga susunod na Plano"

Napa Hinga ako ng Malalim
"Heaven? Matanong ko Lang, Sino ang Tatay ng Anak ni janna?"

Nagulat ako sa Tanong ni jela
Nasambit na sakin ni Magnolia Yun Nung nasa U.S pakami

Sinasabi na si Jake ang Tatay ng anak ni Janna

"Hindi ko Gusto ang Tanong mo, sige na Jela Mauna kana,Kakausapin nalang Kita Bukas Kung anong Sunod natin na gagawin"

Nag paalam na si Jela at Nag beso nako sa Kanya

Para akong nanghina
Sunod sunod ang Panghihina ko simula pa kanina
Simula kanina na Makita ko sya Sa Sementeryo
At Idagdag pa ang Ngayon na maalala ko na May nabuo sa kawalang hiyaan nila

Hindi ko Alam pero Dapat Hindi Nako nasasaktan pa
Dahil ang Gusto ko at Alam ko
Kaya ko na, Pero Hindi ko Maintindihan kung Bakit Nanghihina ako

Kung Bakit May nararamdaman ako na sakit sa Dib dib ko

"Hindi pwede Heaven! Matatag ka at Kaya mo ng tumayo sa Sarili mong mga paa ng walang umaalalay, Kelangan mong makaganti sa Kanila"
Bulong ko sa Aking sarili

Pampalakas Ng Loob na Natatanging alam ko

Umakyat nako ng Hagdan patunggo sa Aking Kwarto
Kinancel ko na ang Meeting ko sa Mga designer sa Araw na to

Dahil Hindi ko Maintindihan ang Pakiramdam ko








Kinabukasan.............






{Tristan Pov}

"Manang? Bumaba na ba si Heaven?"

Tanong ko sa Katulong naman Habang Buhat Buhat ko si Irza At inupo ko si Irza sa High chair

"Hindi pa sir, Hindi ko papo nakikita na bumaba si maam"

Napatingin ako sa Orasan at alas nuebe na ng Umaga
Nag Taka ako dahil may lakad sya ay Hindi pa sya Gising

Umakyat ako ng kanyang Kwarto at Hindi ko inaasahan ang bubunggad sa Akin

Mga bote ng alak na nag tumbahan sa Ibaba ng kanyang Kama

Agad akong Lumapit sa kanya at Tinapik tapik ang Kanyang balikat

Nag tagumpay naman ako dahil nagising ko sya
Agad syang napabangon at napaupo sa Kanyang kama
Hawak ang Kanyang Ulo

Na sa Tingin ko ay Ubod ng sakit "Ewan Heaven,Pero Nag aalala ako, Na Dumating ang Oras na hindi man kami Pumalpak, Eh ikaw ng Bumigay"

Tumalikod nako at Nag simula na Lumabas ng Kanyang Kwarto

Naaasar ako sa Nangyayare
Sya ang Gustong Mag higanti

Sinamahan ko sya kahit ayaw ko, dahil alam kong Ikakasaya nya kapag nasa Tabi nya ako At Kasama nya ako sa Laban nya

Pero natatakot ako na sya na mismo ang sumuko sa laban nya

"Nag uumpisa Palang Tayo, Wag mokong alalahanin, Mas matigas pa sa Muka mo ang puso ko ngayon"

Nagulat ako at medyo natawa ng Bigla syang dumating at sumunod lala sya sa akin

Tiningnan nya ako ng seryoso at ang kanyang dalawang palad
ay Dinampi nya sa aking mga pisngi

"Tristan, Salamat Hindi moko iniwan,Pero wag kang mag alala, Hindi ako Uurong, Tuloy ang Lahat wag mokong intindihin"

Ngumiti sya at Dahan dahan na Umalis sa Aking harapan at Bumaba ng hagdan habang ako ay naiwan na nakatulala

At Naiisip ang Mala anghel nyang Muka
Hanggang sa napah desisyunan ko na rin na Bumaba

Sana nga heaven, Sana








{Heaven's Pov}

Hindi ako Pwedeng Maging Mahina sa Harapan nilang Lahat, Kaya ng Makababa ako sa Kusina ay Dali dali akong Kumain at Hindi na Nag Hintay pa Kay Tristan

Mabilisan ang Pag kain na Ginawa ko at Ayaw kong Mapansin nya ang Maga kong Mata dahil sa Aking pag iyak

Umakyat agad ako sa king kwarto ng matapos akong Kumain, At Naligo na ako at Nag bihis

Ngayon ko na kakausapin ang Designer Para Tapos na at ng Makausad na Kami sa Susunod na Plano

Balak ko ng Kausapin sila Mamayang gabi Tungkol sa Sunod Naming hakbang

Ng makapag bihis na ako ay agad na din akong bumaba at hindi ko na doon naabutan si Tristan at irza

Lumabas nako ng Bahay at sumakay na sa aking Kotse
Mabilis kong Pinatakbo ito hanggang sa makarating na ko sa Hotel na pag kikitaan namin ng Organizer na Bago na kinuha ni yngrid

Para daw mas maganda ang design ng Party ay Kukuha ako ng maayos na Designer

At habang nag papaliwanag ang designer ay Seryoso akong Nakikinig sa Mga gusto nyang Mangyare

sang ayon naman ako sa Karamihan na Dahil daw maskara Party ang Gagawin Ay dapat may Touch ng Black ang tema ng Party

Ilang oras din Kaming Nag usap Hanggang sa Nag paalam na ng designer at Kami nalang ang Natira ni Yngrid

"So Heaven? Ano nagustuhan mo ba?"

Tanong sakin ni Yngrid at Tumanggo Tanggo naman ako

"Oo naman Sino bang Hindi magugustuhan eh Ang Ganda ng Plano nya sa Party ko"

Paliwanag ko at napansin ko na nag bago ang aura nya at Tumingin sakin ng seryoso

"Speaking Of Party, Nabanggit mo na may gagawin ka sa birthday nung janna? Sa isang Araw a Yun Hindi ba?"

Naalala ko nga pala na Birthsay na Nung janna sa Isang araw

"Haha! Oo at Hindi ako pwedeng mawala Sa Party na Hindi nya makakalimutan"

ANG NABUNTIS KONG TOMBOY BOOK TWOWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu