Kabanata34

2.2K 48 2
                                    

[Jake Pov]

Pasakay Nako sa Kotse ko ng Humabol sakin si Sky at niyakap ang Binti at hita ko

Napangiti ako sa Ginawa ng anak ko
"Young Man, Go na sa Mommy, Mag wowork Lang si Daddy okay?"
Tumanggo naman sya kaya hinalikan ko sya sa noo

Bago pa man sya Tuluyang Makapasok sa Loob ng Bahay

sumakay nako sa kotse ko at sinimulan ng paandarin ang makina nito

Nag maneho na ako papunta sa Mall at Pag kadating ko ay pinarada ko lang ang aking sasakyan at napag desisyunan na sa Front door na dumaan

Hindi pa man ako nakakapasok ay napansin ko na Ang kakaiba sa mall ni heaven

"Bakit sarado to?"

Bulong ko sa aking sarili at namalayan ko na lang pag linggon ko sa aking tabi ay andun si ellena

"At nakataklob ang Pangalan ng mall na halatang binabago"

Dagdag pa ni ellena

"Nakakapag Taka, Bakit sila mag sasarado sa Araw ng Lunes? may pakiramdam akong hindi ko nagugustuhan"

Sambit ko at Lumingon ako kay ellena

lumingon naman sya sakin ng seryoso
"Wag na natin munang ungkatin pa, Hindi gagawa si heaven ng ikakapahamak nya"

Sambit ni ellena


"ANO BA PAPASUKIN MOKO!!!!!"




nanlaki ang mga mata ko at tiningnan kung san nag mumula ang Ingay na yun


At napatingin ako sa lalakeng nag wawala sa front door entrance ng GCA isang lalake na galit na galit

"Hindi ba yan yung tristan?"


Sambit ni ellena at agad na nanlaki ang mga mata ko ng Makilala ko nga

"bakit ayaw syang papasukin?"

Sambit ni ellena

Nag taka din ako
pero pinigilan ko ang aking sarili na maging pakealamero

"Tara na ellena, problema na nila yan"







Hindi ko alam pero kahit Gusto ko Makialam Eh hindi ko maintindihan ang sarili ko

Pinipigilan kong Makialam dahil alam ko na ramdam ko na may galit sakin si heaven

At ayaw ko ng madagdagan pa yun







[Ellena's Pov]

Sumunod na lang ako kay jake papunta sa elevator

alam ko na Apektado sya s nakita nya pero ayaw ko na lang mag salita

Hindi ko gusto na makialam dahil Alam ko na Gusto lang nya na maayos na ang lahat

Pumasok nako sa opisina ko na Kumuha ng alak

Bago ko ito inumin ay naalala ko nanaman si heaven

Alam ko na mali ang Ginawa ko pero ang pakiramdam na hindi ko alam kung paano ako makakabawi sa kanya at paano hihingi ng tawad

natatakot ako na baka hindi nya ako patawarin

Gusto ko lang Bumalik kami sa dati pero mukang malabo na yun


Ininom ko na ang alak sa aking baso at napaisip
"pero kahit na malabo Susubukan ko"







[Tristan pov]

Umalis na din ako Dahil ang hirap ipilit ang sarili ko na pumasok sa GCA

Pag balik ko ng bahay ay ikinagulat ko na andun si monica sa sofa at nakaluhod at umiiyak


Kumunot ang noo ko
"ano nanamang drama yan? Hindi bat sinabi ko na hindi ko na gusto na Maaabutan pa kita"

Tinuloy nya ang pag iyak nya

"please tristan dont do this to me cause-"

hindi ko na pinatuloy ang ka dramahan nya
"ENOUGH! TAPOS NA TAYO MATAGAL NA! KAYA UMALIS KANA SA BAHAY KO!! IKAW ANG AALIS O AKO!!!? NAKAKAHIYA NAMAN KUNG AKO PA ANG AALIS!! NAKAKAHIYA SAYO! EH IKAW ANG SAMPID DITO!"


alam ko na somobra ako sa sibi ko pero ayaw ko na syang makita kaya tumalikod nako at nag simulang umakyat sa hagdan bago pako may masabi pang sobrang sam

Pumasok nako sa kwarto ko
"hindi ko akalain na masisira tayo ng ganun lang heaven, Napaka saklap mo mahal ko, ni hindi mo manlang naisip na hindi ko kayang gawin ang bagay na yun kay irza lalo na at anak ang turing ko sa kanya kaya kahit na gaano kalaki ang kasalanan mo, hindi ko gaganunin si irza lalo na at batid mo na wala ka namang kasalanan, napaka bata mo mag isip"













[Heaven's Pov]

"Maam umalis na sya"

Radyo sakin ng Guwardya sa Ground floor
"Sige Pag bumalik itaboy mo ulit"


Natulala ako sa Pag tataka
Anong Rason ng Pag punta nya dito gayong nitong nakaraan
ay sinambit nya sa text na halos ayaw na nya kaming makita ni irza

Bakit sya nandito? at ano nanaman ang kailangan nya

Matapos nyang gawin Yun Sa anak ko, ang kapal ng muka nya na makausap pa ako

nagulat ako ng biglang bumukas ang pinto

at niluwa nito si jela
"The hell!! Ginawa mo Yun kay Tristan!!? Gaano ka kasigurado na may kinalaman sya sa pag papalayas sainyo!?"

Sambit ni jela na natawa naman ako

"Nag text sya sakin"
sambit ko ng malakas ang emosyon na may halong galit

"at gaano kasigurado na sya ang nag text sayo"

sambit nya na halatang nag pipilit

"Number nya, at Sh*t jela! hindi nag papahiram ng cellphone si tristan kahit kanino! kaya ipaliwanag mo sakin kung paano ako maniniwala na hindi sya kasali sa pang bababoy sa anak ko!"

Natahimik si jela

Lumapit ako sa kanya at tinapik tapik ang balikat nya
"alam ko na hindi kapanipaniwala na ginawa yun ni tristan, baka hindi mo pa sya kilalang lubos kahit ako nagulat sa ginawa nya, umasa ako na Hindi sya gagawa nun at umasa ako na hindi nya alam ang ginawang yun kay irza pero may patunay jela, alam mong hindi kailan man ang pahiram ng cellphone si tristan at imposible na mag text sya ng ganun kung hindi sya yun"

iniwan ko na nakatayo si Jela sa opisina ko hindi ko na Gusto pa ang Makipag talo

ayaw ko ng Mapag usapan pa lalo na at buo na ang desisyon ko

nag lalakad nako pa elevator ng makasalubong ko si hailey


"oh? buti naman at nandito kana, Antagal kitang di nakausap ah"

sambit ko ng nakangiti
"nako miss heaven, may pinagawa po kasi sakin si miss magnolia kaya natagalan akong bumalik"

nag taka naman ako
"anong pinagawa nya sayo?"

ano naman ang ipapagawa ni magnolia kay hailey

"may pinapahanap po syang tao sakin"

Nakakapag taka pero ayaw ko ng ungkatin pa dahil hindi ko na gustong malaman pa

"Sige, Pumunta kana sa opisina nya andun na sya, ikaw ang hinihintay nun kanina pa"

sambit ko at ngumiti naman sya akin at tumuloy na

napalingon ako ng nakatalikod na sya
"sino kaya ang pinahahanap ni magnolia?"

ANG NABUNTIS KONG TOMBOY BOOK TWOOnde histórias criam vida. Descubra agora