Feel Me,Fill Me

339 7 0
                                    

KUMAKABOG ang dibdib na nakiramdam si Dana. Naglumikot ang kanyang mga mata at pigil ang hininga sa gagawin sa kanya ng pangahas.

Napansin marahil ng nasa likuran niya ang tensiyon na biglang bumalot sa kanya. Kaya ang kamay na humawak sa balikat niya ay sa masahe nauwi.

"Relax, honey. Ako lang ito." At dumapo ang labi nito sa kanyang leeg.

Doon nagluwag ang paghinga ni Dana. "O-oh..." Nahawakan ang magkabilang pisngi na itinukod ang siko sa mesang kinapapatungan ng laptop. Parang lalagnatin na sinapu-sapo ang buong mukha. "Tinakot mo ako. Akala ko kung ano na kanina. Lalo at may nakatutok sa likod ko." Bumaling siya sa lalake. Doon niya nakita ang bagay na nakatutok kanina sa kanya. Napakurap siya. Handa na naman sa laban si Juan. Asa pa siyang di kaagad iyon ang maisip nito sa tuwing nakatanghod siya sa harap ng laptop niya.

Dumukwang si Marvin.

Nagbasa.

Habang pinapanuod niya ito, andap ang damdamin nang makita ang pagkinang ng mata nito bago siya binalingan. Namimilyo ang ngiting namutawi sa mga labi.

"Pwede?"

May excitement sa boses nito kasabay ng pagnguso sa sinulat niya.

Pero bago pa siya nakatugon, kinuha nito kaagad ang isa niyang kamay at ipinadapo sa umbok ng harapan nito.

Napalunok si Dana. Napasulyap sa mini-kabaong na isinuksok niya sa ilalim ng mesa. Hinaklit na niya ang ulo nu'n para huwag siyang kinikilabutan. Pero sa pagkakasulyap dun,parang nakita niya ang sarili--pugot.

Bigla siyang nanginig.

Nabalisa.

Kung di pa inihawak ni Marvin nang buo ang dalawang kamay niya sa harapan nito at inihahagod, alam niyang nabitiwan na niya iyon.

Pero iba ang ipinakahulugan ng lalake sa naging reaksyon niya.

Iglap, nahagip siya ng dalawang kamay nito patayo. Bago pa siya nakakurap, sabik na sabik nitong hinagilap ang kanyang mga labi at hinalikan nang mariin. Tila tuloy siya natulala.

Wala namang napansin ang lalake na tuloy sa paghalik sa kanya. Idinidiin ang kaumbukan. Kaalinsabay nu'n ang paggapang ng dalawang kamay nitong sumapo na sa kanyang pang-upo at nilamas nang may kaunting diin.

Gaya ng dati, brusko'ng magpadama ng pisikal na pagkasabik si Marvin. Walang alinlangan ang bawat pagdampi ng halik nitong nasa leeg na niya. At nakikiliti siya sa tuwing gagamitin nito ang dila sa paghagod sa likod.

Kagaya ngayon.

At di niya maiwasang mapasinghap nang yumakap na dito. Unti-unti na din siyang nag-iinit sa kabila ng takot na nagpipilit sumiksik sa kanyang kamalayan.

Nang isang dibdib na niya ang nailabas nito sa loob ng kanyang bra, ipinikit na lang niya nang mariin ang mga mata at hinayaang waglitin ng pisikal na ligaya ang takot sa dibdib niya. Nagsimula siyang hingalin sa papaahong daluyong na kaakibat ng napipintong kaganapan ng pagtatalik nilang iyon. Pilit inignora ang pinoproblema.

Mayamaya pa, nahubad na ni Marvin nang tuluyan ang kanyang blouse at bra. Habang tila gigil na sinisipsip nito ang isa niyang korona, gumagalugad na rin ang palad nito nang papaloob sa kanyang sexy shorts. Di niya ulit maiwasan ang mapasinghap nang masakop ang palad nito ang umbok ng kanyang pagkababae at ipasok nang bahagya ang isang daliri sa hiwa nu'n. May tila lindol na nagnanais sumakop sa kanyang kaibuturan. Dumaklot ang dalawang kamay niya sa buhok nito nang unti-unti nang bumaba ang mga halik nito sa kanyang tiyan. Hindi na niya naiwasan ang mapaungol nang dumungkal ang dulo ng dila nito sa kanyang pusod. Sa gitna nu'n, binubuksan na rin nito ang kanyang sexy shorts.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 13, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

BEHIND CLOSE DOORTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon