"Gawa tayo niyan." Bulong ni Vice.

"Ikaw talaga. Anyway, what do you want for dinner?" Pag-iiba niya ng topic, Vice noticed, nakaramdam nanaman siya ng lungkot. Every time he opens this topic ay palagi na lang nag-iiba ang mood ni Karylle.

"Ikaw." Then he wiggled his eyebrows after. He just masked his disappointment by making a joke. He doesn't want Karylle to feel bad or even feel pressured by it.

Kung kailangan niyang maghintay ng matagal ay gagawin niya. Because if there's one thing he realized, it is that Karylle is always worth the wait.

Pero may mga pagkakataon lang talaga na sadyang hindi na lang maitago ang nararamdaman. Kusa na lang itong lumalabas sa mga maliliit na kinikilos natin. She felt it. She felt how disappointed Vice was when she showed him that she was not interested with the idea of getting pregnant and having a baby with him.

Kung sana ngang ganun na lang. Kung sana ngang ayaw niya talaga.







"Sorry."

Napaangat ng tingin si Vice mula sa binabasang mga papeles sa kaniyang mga kamay. Nakita niya ang malungkot na mga mata ni Karylle na nakatitig sa kaniya. Pagkatapos kasi nilang kumain ay naisipan niyang bumalik na muna ng kwarto upang pagtuunan ng pansin ang trabaho para lang hindi niya maisip ang kaunting tampong namuo sa puso niya. Palilipasin na lang niya para hindi na sila mag-away na dalawa.

"For what?"

"F-for brushing you off. Kanina, while we were talking about Alfonso."

"Shhh. Halika nga dito... don't even think about it okay? Medyo nakakatampo pero hindi naman kita pinipilit. Okay ako. Kaya kong maghintay. Naiintindihan ko naman kung ayaw mo pa."

"Gusto ko. Gustong gusto ko na." Bulong ni Karylle.

"Let's not think about that yet okay? Mahaba pa ang panahon. Marami pang pwedeng mangyari. I'm sorry if I made you feel bad." Pinunasan ni Karylle ang luhang namuo sa mata niya atsaka tumango sa sinabi ni Vice.

"Psst. Tama na yan, Ney." Hinila ni Vice si Karylle malapit sa kaniya at tinulungan siyang punasan ang mga luhang iyon.

"Diba sinabi ko sayo na kapag kasama mo ako, ayokong nakikitang malungkot ka? Ayokong umiiyak ka. Gusto ko lagi kang masaya, lagi kang nakangiti, kasi lahat ng sakit diyan, lahat ng kulang diyan, gusto kong ako ang sasalo, ako ang pupuno." Marahan niyang sinabi sa nobya.

"Can you please stop being so sweet. Mas lalo akong nagui-guilty, Ney." Sinabi ni Karylle at natawa naman si Vice.

"Ang cute mo talaga, mahal ko. Wag kang ma-guilty. You deserve everything. You deserve more." Tinaas niya ang baba ni Karylle at marahang hinalikan ang noo ng nobya.

He never thought it was possible for him to love Karylle more than he already does. It just seems to grow bigger every waking day they spend with each other. And by seeing her smile because of him, it just makes him so sure of marrying her more.
















"Paano ko sasabihin sa kaniya Anne? Nahihiya ako. Natatakot ako." Pagmamaktol ni Karylle sa pinsan niya. They were already at the beach, dito sa Batangas kung saan kinasal ang pinsan niya. Kung saan una silang nagkita ni Vice.

Piece by PieceWhere stories live. Discover now