Beauty 101 (3) Weight mo.

1.4K 19 2
                                    

Madaming tao naaasar dito at kadalasan ang naaasar dito ay babae. Inis na inis nga ako dito eh, araw araw chinecheck ko yung sarili ko kung mataba ba ako o pumayat ba ako. Masyado kasi ako conscious at siguro kayo din nacoconscious na.

Masakit kasi sa damdamin kapag sinasabihan kang mataba, baboy, winner ng eating contest, tagaubos ng pagkain, patay gutom at iba pa. Hindi mo naman kasalanan na pinanganak kang chubby diba? Ung iba kasi kaya chubby ay nasa genes nila un. Yung iba naman ay unhealthy lifestyle kaya nagiging chubby. It all depends on you kung gugustuhin mong maging chubby o maging average weight lang. Pero una sa lahat, huwag mo na pansinin ang mga nang-aasar sa iyo. Have confidence, ikaw yan at katawan mo yan.

Pero ingat, huwag silang aawayin o bubuhusan ng galit mo, control yourself.Kung gusto mo talagang maging healthy, pakita mo sa kanila sa pamamagitan ng healthy lifestyle. Huwag na nating sabihing diet, healthy lifestyle na lang. Actually, pareho lang naman yun pero ang ibigsabihin kasi ng diet sa iba ay yung hindi ka kakain tapos no rice, ganun. Hindi maganda yun. So tips na!

TIPS:

*As long as possible, kumain ka ng 3-5 times a day. Ung hindi naman sobra sobra per meal. Yung tama lang, huwag kang magskip ng eating time. like "Ay hindi ako magbrereakfast/lunch/dinner. Diet ako eh." Importante nga yung kumain ka ng breakfast,lunch at dinner. Kakailanganin mo kasi ung food for energy.

*Never crash diet. Pinakapanggit na way yan, babalik ka lang din sa unhealthy lifestyle mo kapag ginawa mo yan.

*Exercise, sino ba namang hindi mag-eexercise diyan? Syempre andyan ung tamad mong sarili pero kailangan mo talaga ng exercise, maglakad-lakad ka lang diyan, o magstretching ng onti. Kahit warm-up exercise pwede na. Kung gusto mo naman ng intense, may program para sa mga ganyan, sa mga gym meron niyan.

*Have a list of the food you eat. Check mo kung sobrang dami mo ng kinain o sobrang onti naman. Dapat sakto lang lagi. At kung sobrang dami naman ay medyo bawas-bawasan ng onti, kung sobrang onti naman ay kumain naman kayo.

*Reward yourself with your favorite food. Pwede niyo naman kainin yung paborito niyong pagkain eh, kunwari, cake, ice cream, chocolate, pizza, etc. Kaso syempre, hindi mo aaraw-arawin o every 2 days. Mga once every 2 weeks ganun.

*Don't take it too seriously. Huwag niyo naman masyadong pilitin yung sarili niyo na kumain ng ganito, ganyan kung ayaw niyo naman pala. Have fun in having a healthy lifestyle.

Yan lang po ang maisip ko eh, kasi wala po akong masyadong alam sa healthy lifestyle kasi ako din minsan ay bumabalik sa unhealthy lifestyle ko. So un lang po para sa Beauty 101 no.3! ^^

How to be ConfidentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon