Beauty 101 (2) Dark Circles or Eye Bags

1.7K 18 2
                                    

Kapag break naman talaga, ang hilig natin magpuyat! Isa na din ako sa mga taong mahilig magpuyat. Tapos gigising ka ng mga tanghali na... aba, may eyebags ka na! 

Medyo nakakainis din ung mga dark circles or eye bags eh, kahit naman hindi break nagkakaroon tayo. Kapag nagcracramming para sa test bukas, kapag pinagpuyatan mo yung project mo at etc. Wala akong masyadong alam tungkol sa mga ganyan pero ang alam ko ay dahil siya sa lack of sleep. Kaya kahit gusto mo pa rin magising para lang magfb at kausapin mo ang crush mo sa cellphone mo ay bawas bawasan mo na yan at matulog tayo ng maaga, at gumising din ng maaga! :))

TIPS:

*Nakikita niyo naman siguro na sa mga movies or dramas na yung mga bida kapag nagpapaganda or nasa isang spa ay nilalagyan ung mata nila ng cucumber diba? Totoo na nakakatulong yun, pero syempre hindi yun instant.

*Meron din mga whitening creams na pwede kayong itry para mawala yan. Sa mga drugstores din makikita yan tulad ng Watsons, Mercury Drugstore and etc..

*Kung meron ka na ngang onting pigmentation or medyo nagiging dark circles na yan, magsimula ka ng mag-ayos at huwag mo na hintayin na magkaroon ka pa ng dark circles.

*Kung in a hurry ka naman at late ka na sa work, pwede mo naman takpan ng onting make-up yan kung insecure ka lang sa itsura mo.

PREVENTION:

*Kung wala ka pa naman, AS IN wala ka pa. Huwag mo na pangarapin na magkaroon ka. Siguro sasabihin mo na since wala ka naman at di ka naman magkakaroon ay pababayaan mo na lang, lahat ng tao nagkakaroon niyan kaya mag-ingat ka na din.

*Matulog ng maaga! As short as that.

Okay, medyo short lang yung Beauty 101 natin ngayon kasi yan lang talaga ang alam ko tungkol sa Dark Circles at one more thing... Siguro may nakikita kayong mga stars na may parang eye bags or something like that. Madalas niyo siguro to nakikita kay Yoona ng Snsd, Goo Hye Sun at iba pa.

Hindi po iyon eye bags, Yun po ay parang fat sa ilalim ng eyes niyo at hindi po sila katulad ng Dark circles na medyo maitim. Iyon po ay tumutulong sayo para maging more youthful and more young looking ka.

This is it for Beauty 101 no.2. Hope you find this tips useful! ^^

How to be ConfidentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon