Chapter 35

1.5K 97 20
                                    

(Ivan)

"Tagal naman ng mga yun!" Asar na ako. Pasado alas kwatro na wala pa rin sila. Iniwan ko na si Clark sa convenience store kasama si Monique na ayaw sumama sa akin. Dun daw muna siya. Sabi ko sa kanila huwag mag-iwan ng bakas ng kahalayan nila. Nakaidlip ako sa kahihintay.

"Baby, andito na kami."

Nabigla ako nang may humalik sa pisngi ko. Nagkusot ako ng mga mata. "Patay na ba ako?"

"Bakit?" Natawa siya.

"Parang nakakakita ako ng angel, eh."

"Ang cheesy mo." Hinampas ako, o. Mapanakit na angel pala. Porke't mahal ko 'tong mokong na 'to hinahampas na lang ako nang gan'to. Pero napangiti na lang ako ng i-smack niya ako. Lambot. Sarap. Isa pa sana.

Pero, teka nga. "Tinawag mo ako'ng baby?"

"Di, ah."

"Sabi mo kanina, eh, 'Baby, andito na kami,' sabi mo."

"Sinabi ko yun?" Nginisihan lang ako. Sarap molestiyahin. Guys, masamang mangmolestiya, ha.

Napansin ko na kasama niya pala ang dalawang foreigner. Medyo nadismaya ako. Akala ko masosolo ko na nobyo ko. "Kumain na kayo?" tanong ko habang inaayos ang upo ko.

Umupo si Errol sa tabi ko. "Nagugutom na nga kami, eh. Ikaw na lang kaya kainin ko." Nagiging naughty na talaga ang loko.

"Gusto mo akong kainin?" Inamuy-amoy ko ang leeg niya.

"Ahem." Epal talaga nitong Dane.

"Why don't you do that to me?" Nakangisi si David sa nobyo niyang blue eyes.

Ayoko silang pansinin. Naaalibadbaran ako sa kanila.

"Ivan, favor naman. Ipagluto mo naman kami."

"Magluluto ako para sa'yo."

Nagkamot ng ulo si Errol.

"Asar pa ako diyan sa mga kanong yan."

* * *

Tinulungan ako ni Errol sa pagluluto. Hindi siya marunong magluto kaya pinaghiwa ko lang siya ng bawang at sibuyas. Hinayaan kami nina mama, kasi may iba din siyang pinagkakaabalahan. Sanay din kasi yun makakita ng tagaibang bansa. Masipag na negosyante, eh. Di gaya ko. Sina Nay Celia naman ay nasa garden kakwentuhan sina manang.

"Maging nice ka naman sa kanila." Inabot niya ang bowl ng minced garlic. "Kaibigan ko rin sila."

"Okay, sabi mo, eh."

"Yung nangyari nung kagabi, parang training lang kasi yun. Huwag mo naman masyadong dibdibin."

"Hindi lang naman yun ang iniisip ko." Nang matapos kong hiwain ang mga karne. Nilagay ko na ang kawali sa stove.

"Eh, ano?"

"Di mo ba napapansin yung mga titig sa'yo ni Dane?"

"Ano?" Humalakhak pa ang mokong. "H'wag mo sabihing nagseselos ka sa kanya."

Hindi ako nakaimik. Bakit nga ba ako nag-isip nang ganun?

"Huy!" Binangga niya ang braso niya sa braso ko at hinawakan ako sa balikat. "Seryoso ka? May nobyo kaya yung tao."

"Oo na. Sige, mali 'tong nararamdaman ko."

"Okay sila kasama. Promise. Masaya kasama yung mga yun. Huwag ka kasing nega kaagad."

"Sorry, baby." Hinalikan ko siya sa pisngi. Pagkatapos nagtitigan kami na parang may gusto pa kaming gawin bukod sa paghalik sa pisngi.

Unti-unti siyang ngumiti. Binangga niya ang noo niya sa leeg ko, at niyakap niya ako. Sarap! "Wala kang dapat pagselosan na kahit na sino," mahinang saad niya, malumanay, masuyo, masarap sa tenga.

Tumango ako. "Alam ko. Akin ka lang, di ba?"

"Kelangan pa ba itanong yan?" Kiniskis niya ang dulo ng ilong niya sa gilid ng leeg ko. "Kelan ba ako naghanap ng iba?"

"Alam ko naman," bulong ko. "At dapat alam nila na akin lang ang baby ko." Nilapit ko ang nguso ko sa mga labi niya. Sumabay ang tunog ng pagtilamsik ng mantika sa tunog ng pagtama at pagdulas ng mga labi namin sa isa't isa. Nag-init na naman ang pakiramdam ko.

Umikot ang baby ko at niyakap ako mula sa likuran. Yung right arm niya nakapulupot sa baba ng leeg ko. Yung pisngi niya nakadikit sa leeg ko. Ang baba niya nakasandal sa balikat ko. "Mahal mo'ko?"

"Hindi na." Ngumisi ako. Ano kaya trip niya?

"Love you," bulong niya. Yung hininga niya sa tenga ko, tang ina... may gumalaw tuloy sa loob ng pantalon ko.

"Di na kita love." Chineck ko ang pochero sa kabilang burner.

"Sige," bulong niya, "dun na lang ako kina Dane sa sala."

Hinawakan ko ang kamay niya. "Di pwede. Dito ka lang."

"Di mo na ako love, eh."

"Oo, di na talaga." Hinalikan ko ang likod ng palad niya. Tas pinasok ko ang kamay niya sa loob ng shirt ko at dinala 'to sa left nipple ko. Naughty na naman ako.

"Ba't laging matigas ang nipples mo?" Natuturn on na talaga ako sa bulong niya.

"Hindi lang yan ang matigas ngayon."

Umalik-ik ang loko. "Malibog ka talaga. Pati ako nahahawa na sa'yo."

"Ang sabihin mo pinagnanasaan mo'ko."

"Ayaw mo na ba na pagnasaan kita?" Patuloy niyang pinaglaruan ang nipple ko.

"Ayoko na. Ayoko na sa'yo, eh."

"Sige, alis na lang ako."

"Dito ka lang."

"Di mo na ako love, eh." Ang cute niya naman magtampo. Hinila ko tuloy siya at niyakap nang mahigpit. "Bitiwan mo nga ako." Pilit niyang tinanggal ang bisig ko na nakadiin sa dibdib niya, pero mas hinigpitan ko lang pagyakap sa kanya habang nakangiti. "Dun na lang ako muna kina Dane makikipagkwentuhan."

Hinalik-halikan ko ang batok niya. "Ayoko. Dito ka lang. Sabay-sabay naman tayong magdi-dinner, eh."

Sa paglingon niya ay sinalubong ng labi ko ang labi niya. Hinahanap-hanap ko lagi ang mga labi niya. Nagiging serious talaga ako kapag romantic moment na. Nagtama ang mga tingin namin matapos ang simpleng halikan. "I love you." Kinurot ko ang pisngi niya at nginitian siya.

Hindi siya sumagot. Sinandal niya lang ang ulo niya sa balikat ko habang yakap-yakap ko pa rin siya. 

---------------

10 more chapters to go. Wala pa akong natatapos na bagong story. Kaya kapag natapos na ito -- at tatapusin ko ang posting nito this month -- I'll be gone for a few months to finish the story about a transgender witch. 

Anyway, we joined a short story writing contest. The entries are already posted. Visit LGBT PH One Shot Writing Event on Facebook.

Here's the link: https://www.facebook.com/oneshotwritingevent/

I'm not asking you to vote for my story. Go see the stories and like whichever you like. Thanks, lovelies! 

Enchanted Series 4: This Is It!Where stories live. Discover now