Bago ang lahat...

8.6K 193 47
                                    


Guys, si Errol ito. Alam ko marami sa inyo nabitin sa mga intimate scenes namin ni Ivan. Sorry. Kasalanan ko. Kinakabahan kasi talaga ako kapag ganun na. Nakakatawa. Kapag naman sa adventures at fight scenes hindi ako umaatras, pero nanlalamig talaga ako kapag inaakit ako ni Ivan. Hindi niyo kasi alam kung paano siya mang-akit. Pero hayaan niyo, sa kwentong ito, mawawala din ang anxiety at inhibitions ko sa sex. Siyempre, excited din ako dun, pero we will take it slow.

Oo, we're taking it slow. Kakabalik ko lang mula sa Hong Kong. Gaya ng pagkakakwento ni Peter sa last part ng Book 3, hindi ako tumuloy sa U.S. Hindi ko kaya kasi. Sobrang nangulila ako kay Ivan habang andun kami sa HK facility at naghihintay ng utos mula kay Director Rod. Pero laking tuwa ko nang payagan niya ako na bumalik dito kahit panandalian lang.

Sa mga hindi alam ang makulay na kwento namin ni Ivan, basahin niyo po ang umpisa ng Enchanted Series, lalo na kung trip niyo ang bromance, superpowers, four elements (air, water, earth, and fire) at epic battle scenes. Bale, ito na kasi ang ikaapat na libro. Pero kung ayaw niyo naman, pwede ring ito na lang ang basahin ninyo, tapos balikan niyo na lang yung tatlong naunang kwento sa series kung trip ninyo. Pero mas maganda talaga na alam niyo ang mga pinagdaanan namin.

Sa mga sinubaybayan naman ang kwento ko at ang adventures sa buhay ko na may kasamang mga kababalaghan at superpowers, alam niyo na siguro kung gaano kasalimuot ang buhay ko noon at kung ano ang mga pinagdaanan ko. Wala akong regrets. Lahat ng mga naranasan ko ay nagpatatag sa akin.

Siguro nga sa kabila ng mga malungkot at masakit na pangyayari sa buhay ko ay may saya din, at ito na yata yun. "Ito na ba yun?" Nakatitig ako sa mga mata niya. Pero nakatitig siya sa mga labi ko.

"Oo, baby, ito na yun. Uhmm..." 

Enchanted Series 4: This Is It!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon