Francis 01

1K 29 2
                                    

Masarap parin ang mabuhay kahit ano pang mangyari, law of attraction ika nga. Yung katawan natin ay parang magnet, if positive ka you also attract the positive. Beautiful things happen when you distance yourself from the negative.

Yan nga ang naging motto ko, nagresign ako sa trabaho at nag-apply sa iba. Ayun natanggap ako, kaya naman pag-uwi ko ay nagtake-out ako ng burger Mcdo na naging parte na ng buhay ko.

Pagkauwi ko ay agad akong naupo sa sofa sa sala saka binuksan ang TV. Binuksan ko narin yung burger ko at bago ko pa magawa ang unang kagat ay napukaw ako ng isang commercial.

"Muntik na,

Nasanay ako sa 'king pag-iisa

Kaya nang iwanan ang

Bakas ng kahapon ko"

Andun na yung pagsubo eh, ayun na oh nasa harapan na ng bibig ko. Tapos bigla nalang nag-close ulit yung labi ko, at ibinalik sa wrapper ulit ang Burger Mcdo.

"Tuloy parin ang awit ng buhay ko

Nagbago man ang hugis ng puso mo

Handa na kong hamunin ang aking mundo

"Pagkat tuloy pa rin"

"Wow, seriously?" tugon ko sa sarili ko. Napaka-ironic talaga ng buhay, pero nagpapasalamat ako sa McDo sa mga magagandang commercial nila. Tinitigan ko lang ang inilapag kong burger mcdo saka napa-ngiti. Kinuha ko ang fries saka ito pinapak.

"Hay naku Kiko, dapat fries before guys ka na ngayon" tugon ko sa sarili ko sabay papak sa fries na binili ko. Di ko talaga kinain yung burger, hinayaan ko lang dun kaya nang makita ito ng kapatid ko ay ibinigay ko nalang.

Wala talagang permanente sa mundong constant ang change. Walang permanente lalo na sa mga taong kagaya ko na hopeless romantic at kabilang sa rainbow territory. Yung kahit na inabot na kayo ng 7 years, nagplano na ng future, nag-ipon, sabay na nangarap pero ayun wala parin – nauwi sa hiwalayan at sa mga linyahang it's not you it's me na gasgas na gasgas na.

Akala ko si Franco na ang forever ko – kaso nakalimutan ko wala palang forever at may expiration date pala ang pagmamahal. Akala ko na siya na yung kasama ko pagtanda, akala ko siya na yung kasa-kasama kong kukuha ng pension sa SSS at sa mga insurance company. Akala ko siya yung kasama ko na pupunta sa St. Peter para magpareserve ng lote sa sementeryo. Akala ko lang pala lahat yun.

Everything has changed.

Naaalala ko pa yung araw na nakipag-break siya sa akin. It was July last year sa McDonalds sa may Katipunan. Kung pansin niyo, hawig ng store na yun yung nasa commercial ng McDonalds. Umuulan noon at galing ako ng trabaho, pagdating ko ay naka-order na siya ng burger, fries at monster float plus apple pie. Nagbeso pa ako, kumustahan, konting lambing tapos nagsalita na siya.

"Francis" tinitigan ko siya sa mata, akala ko magpopropose kaya naman abot Fairview yung ngiti ko. "Francis, let's end this"

Yung ngiti kong hanggang Fairview nabitin sa may Philcoa, "Ah, ano ulit yun?" tanong ko.

"Let's call it quits, gusto ko nang makipag-break sayo."

"Why? Franco naman, why? 7 years brad, ano? Anong reason mo, may mali ba sa akin? May iba na ba?" tanong ko habang unti-unti nang pumapatak yung luha ko. Ang drama ano, pero totoo.

"It's not you Francis, it's me"

"Tang inang yan ah, pwede bang mag-isip ka naman ng original na break-up statement para naman pag sinulat ko tong kwento natin ay ma-engganyo naman yung mga readers ko"

Not Today (boyxboy)Where stories live. Discover now