47

288 5 0
                                    

         "Grabe ang gwapo talaga nung boss namin. Mabait. Gentleman. Matalino. Good looking."

      Kinikilig na kwento ni Andrea sa akin. Kanina pa siya kwento ng kwento tungkol sa boss nilang bumisita daw sa department nila.

    Kasalukuyan akong nagluluto ng pagkain namin. Samantalang siya ay nasa sala at nanunuod ng Decendent of the Sun.

   Medyo huli na nga siya sa uso. Legend of the Blue Sea na ngayon ang nauuso. Pero siya diyan palang.

    Andami niyang kwenekwento kaso 'di ako nakikinig.

     "Luto na!" I shouted.

   I served the food at kumain na kami. Pagkatapos ay nagligpit na kami ng pinagkainan. Siya ang naghugas.

    "Ano bang pangalan ng boss mo ha?" Tanong ko sa kanya habang pinapanuod siya sa kanyang gingawa.

    Nagkibit balikat siya.

     "Malay...hindi naman siya nagpakilala."

     "So you just like him huh?" Tumango siya.

      Pagkatapos niyang maghugas bumalik siya sa panunuod ako naman ay pumunta na sa aking kwarto at naghanda na para matulog.

     I did my evening rituals bago matulog.

                                  ●●●

            "Morning!" Sigaw ni Andrea pagkababa ko ng kwarto. Siya kasi ang nakatuka tuwing umaga. Kahit lagi siyang nagpupuyat maaga parin siyang nagigising. Sanay na rin siya.

       "Morning.." Inaantok kong bati.

      "Kain na."

    
       "Sige lang. Uuna na ko. Sa restaurant nalang ako kakain. Bye."

      "Ok sige. Ingat ka!" Pahabol niyang sigaw ng nasa labas na ako.

   

     Habang nagdadrive tinignan ko ang oras.
          8:34 AM. Traffic.
               

          "Ma'am,we have a special guest po." Hindi ko maipaliwanag ang tingin sa akin ng isa sa mga waiters ng resto. Siguro haggard ang itsura ko. Grabe I'm stuck in the traffic for 2 hours.

        "Bakit?? Angpangit ba ng itsura ko?" Tanong ko habang hawak ang mukha ko.

   The waiter smiled.

      "No Ma'am you look good."

    "Ok. Ihatid mo ako ngayon sa guests. At ako ang kukuha ng order natin." I sprayed some perfume before entering the private section of this Restaurant.

   
       "This way po.." Turo sa akin ng waiter. 

      I smiled before I entered the room.

     "He--" My smile brook off. 

        O My gosh?!..

         ...(ITUTULOY)...

       
       ...(END OF CHAPTER 47)...

BADBOY's GIFTWhere stories live. Discover now