AKIN KA NOON, NGAYON, AT MAGPAKAILANMAN

Start from the beginning
                                    

" Baka naman crush mo ang pinsan  ko Joy? Abah  mahirap  baka maging aso't pusa  kayo  niyan." tugon  ni Adrian.

" Eh ano  naman kung crush pinsan? Haller  pinsan ko na walang  love life ang crush  ay paghanga lang  noh." sagot nito at huli  na para marealise ang sinabi.

Ngumiti naman ang dalawang matanda  dahil dito lalo na ng makita ang dalaga na nakatakip ang dalawang palad sa bibig.

" I like you iha. It's  not because your  a grand daughter of my friends but I like you because your  so honest. Don't  worry iha sabi mo nga paghanga lang iyan and besides malay mo crush  ka  din niya  kaya nagsusungit sa iyo." panggagatong pa ni grandpa B.

" Kita mo insan may  blessings na si grandpa kaya wala ka ng dapat alalahanin diyan. All you can do now is to go home maraming naghihintay  sa iyo  doon na toblerone  ni kuya Garreth." panggagatong,  pangangantiyaw,  at pang aasar ni Adrian sa dalagang pinsan.

" Eh ikaw kasi  insan madaldal ka  pero akin muna ang paborito ko. Bilisan mo at ng  makauwi na ako." tugon  ng dalaga.

" Mayroon sa ref  sa  kusina apo palaging may stock  dito dahil alam kung  pumaparito ka. Your  so lovely iha  I like  you." masuyo ding sagot ni grandma D.

" Thank  you po grandma. I love you both ni grandma D and grandpa B. Insan  uuwi na ako." masayang paalam ng dalaga at hinagkan ang  dalawang  matanda  sa noo  at sa pisngi naman ang pinsan niya at dumaan sa kusina ng mga ito at kinuha ang toblerone saka tuluyang nilisan ang tahanan  ng mga Mckevin.

" Kung ako si  insan mamahalin ko  na lang si Joy  kaysa ang asarin ito kaso  ewan eh parang  diko  maarok ang  damdamin niya." kibit  balikat na aniya ni Adrian.

" Ang sabihin mo apo  mataas ang pride ng pinsan mong  iyun.  Ano  pa ba ang hanap niya kay  Joy  ang kaingayan lang naman nito ang lagi  niyang naipipintas bukod doon ay  wala na." sang ayun naman ni grandpa B.

" Ikaw na rin asawa ko ang nagsabing  mataas ang pride ni  BC kaya hindi na nakapagtataka  kung gano'n  ang asal  niya at saka malay ninyo kung way lang niya iyon para pinagtakpan ang nararamdaman  niya at siya ang aamin dito balang araw. " aniya naman ni grandma D.

Kibit balikat na lamang ang isinagot ng matandang  Mckevin samantalang ipinagpatuloy  ni Adrian ang ginagawa.

Sa kabilang banda, nakasimangot na dumating  sa kanilang  tahanan si BC  na hindi nalingid sa kanyang ina.

" Anak what's  on  that furious face?" salubong  na tanong Yana sa anak.

" Wala mommy." tugon  ng binata at tuloy tuloy  sa kanilang  sala  saka  pabagsak na umupo sa sofa.

" Wala daw eh parang pasan  mo ang mundo eh. Aba'y sayang ang lahi  nating mga  Harden  kung tatanda kang binata diyan anak." tukso naman  ng ama  na halos  kasabay lang  niyang dumating.

Ano  daw?

Tatandang binata siya?

No way!!!

" Daddy naman porke't nakasimangot  na ako eh tatandang binata na ako? Aba'y malay mo kung sa akin ka magkakaapo ng kambal as they say it runs  in the family." tugon ni BC na napaupo ng tuwid dahil sa tinuran ng ama.

" Magkakaapo  agad anak aba'y  wala  ka pa ngang naipapakilala  sa aming nobya mo ah." salungat naman ni Yana.

" Anyway anak common anak ano  ba  ang nangyari at parang pasan mo ang mundo? May problema  ba sa kumpanya? Tell us now malay  mo matulungan ka  namin ng mommy  mo?" pangungumbinsi  namang aniya ni Terrence.

AKIN KA NOON, NGAYON, AT MAGPAKAILANMAN Where stories live. Discover now