AKIN KA NOON, NGAYON, AT MAGPAKAILANMAN

3.8K 83 5
                                    

" AKIN KA NOON, NGAYON , AT MAGPAKAILANMAN "
WRITTEN BY : SHERYL FEE

CHAPTER 2

Hindi na siya  umimik  dahil alam niyang magsasayang  lamang siya  ng laway  at  panahon kung  papatulan  niya ang kinaiinisang  babae. Hiyaan na lamang  niya itong nakikipagkuwentuhan  sa lola  at lolo  niya kaysa  mainis siya ng tuluyan.

" Sige  na insan mauna na ako babalik na lang  ako bukas." paalam ni BC kay Adrian  matapos  nilang isalansan  ang mga pinamili  ng dalaga.

" Eh insan  alam mo namang may dala din ako pati mga pinamili nina CJ at JP dagdag pa ang ipinadala nina papa Shane at mama Marga baka naman puweding---" alanganin  at nakangiwing aniya ni Adrian  dahil alam niyang magagalit na naman ito.

" Umayos ka sa pananalita  mo insan I have to  go so speak up now or else  lalayasan  kita  na  hindi  pa nagsasalita  diyan." yamot na sagot  ni BC.

" Kung maari sana insan sa car mo makikisakay  si  Joy  wala ng space  sa car ko eh." tugon ni Adrian at hindi nga siya nagkamali ng sapantaha.

" Ano!? Sa  akin  makikisakay ang malapalakang  babaing  iyan? Your crazy  indeed!" pinaghalong  yamot at inis na sambit ni BC in loud voice.

" Hey young man why your shouting  out loud? Your  just besides  your cousin's  yet your still shouting? " kunot noong sabad ni grandpa B.

" Paano  grandpa sa akin daw makikisakay  ang babaing iyan you all know how I hate-----"

" It's  not a valid  reason apo  ko para sumigaw ka  diyan . Kung ayaw mo siyang isabay  eh you can say it in a nice way." pangungunsensiya pa ni grandma D.

" Hmmm  okey  lang po grandma D kung ayaw niya akong  isabay maybe  next time na lang akong  sasama. Kayo na lang  ang bahala sa mga pinapimili ko. Siya sige  na po grandpa, grandma, pinsan  mauna  na ako sa inyo." sabad  ni Joy at  akmang tatayo na para  umuwi.

" Okey fine! Sasabay ka  sa akin bukas pero zipper your mouth alam mo namang  ayoko  ng  maingay at ikaw na yata ang pinakamaingay  sa lahat  ng mga nakilala  ko!" bawi  ni BC na parang  biglang  nakukunsensiya  ng makita ang lungkot sa mukha ng dalaga. Iyun nga lang mabigat  ang pagkasabi niya.

Sabi  nga nila, ang taong mababaw ang kaligayahan  ay  madaling matunaw ang tampo  o  inis dahil pagkarinig pa lang  ni Joy  sa binitawang  salita ng binata ay lumuwag na ang kanyang ngiti na nagpalitaw sa mga biloy  niya sa magkabilang pisngi.

" Yes insan sasama din ako. Pakisabi  sa pinsan  mo salamat at  peksman mamatay man ang mga epal magbebehave ako." tuwang tuwa na aniya ng dalaga  na may kasamang paglalambitin  kay  Adrian pero para kay  BC ay  nang aasar ang dalaga.

Hindi  na lamang siya  nagsalita at siya na ang naunang umalis pero nasa main door pa lamang siya ay  muli siyang  lumingon saka nagwika.

" Kung gusto mong sumama as I've said zipper your mouth you frog! Dadaanan na lang kita sa bahay ninyo  at five flat! Bawal  ang late di  bale ng bago mag five  basta hindi late. It's  up to you if you'll  take it  or leave it." aniya nito bago tuluyang lumabas.

Hinintay muna nilang  nakaalis  ito bago nila pinakawalan  ang kanilang mga tawa dahil akala mo'y parang commander ito sa isang platon kulang na lang ang " is that clear " nito.

" Ikaw Joy ha alam mo namang allergic  si  BC sa maingay inasar  mo pa." nakatawang aniya ni Adrian  dito ng makaalis ito ng tuluyan.

" Ang  sarap  niyang asarin insan and I found him cute kapag naiinis. " sagot nito with giggling effect  na hindi niya napansin ang pagtinginan ng dalawang matanda.

AKIN KA NOON, NGAYON, AT MAGPAKAILANMAN Where stories live. Discover now