King Brothers - 36

Start from the beginning
                                    

Bigla niya kong hinawakan sa mag kabilang pisnge at pinunasan ang luha ko gamit ang thumbs niya. "My love don't cry please, im sorry dahil iniisip ko yun. I'm sorry hinding hindi ko na ulit iisipin yun." He hugs me. "I'm really sorry my love."

Bumitaw ako sa yakap niya. "Para hindi nalang ako makadagdag sa problema sige, wag nalang muna tayong mag kita!"

Hinawi ko siya para makapag lakad ako na ko papasok ng bahay, padabog kong sinara yung pinto para lang malaman niya na galit ako. Kahit naman ata di ako mag dabog alam na niya yun.

Sumadal ako ng pinto sa pag sara ni'to at muli kong naramdaman ang mga luha ko sa pag tulo.

Nakakainis siya, sobrang nakakainis siya!

Naiintindihan kong ayaw niyang makigulo sa tampuhan nila IC at Sam pero di ako makapaniwalang inisip niya talagang mag hiwalay nalang. Kailan ba naging sulosyon ang hiwalayan sa problema?

Sana naisip manlang niya yun!

Nag lakad nalang ako paakyat ng kwarto ko. Sa pag pasok ko, ibinagsak ko agad yung katawan ko sa kama at nagtakip ng unan sa mukha kasi itong taksil kong luha ayaw pa ding huminto at di ko alam kung kailan 'to hihinto.

Naalimpungatan ako mula sa pagkakatulog at nakaramdam agad ako ng sakit ng ulo. Hindi ko namalayang nakatulugan ko na pala ang pagiyak.

Umupo ako mula sa pagkakahiga and i noticed na hindi pa pala ako nakakapag bihis.

Bumangon na 'ko ng kama at sinimulan na munang mag bihis ng pang bahay tsaka humiga ulit ng kama dahil tinatamad pa 'ko kumilos.

Medyo lutang pa din kasi ako sa pag uusap namin ni Damon eh, kahit na nakatulugan ko na. Paano na kasi ngayon? Hindi naman kami nag hiwalay base sa pagkakaintindi ko sa usapan namin pero hindi muna kami mag kikita na napaka imposibleng mangyari dahil nasa iisang school lang kami. Ang ibig sabihin lang siguro nun, magkita man kami wala nalang pansinan. Haay!

Nakarinig akong may nag doorbell mula sa labas ng bahay. Bumangon ako ng kama at lumabas para pag buksan kung sino man yung nangiistorbo sa pagmumukmok ko.

Sa pag bukas ko ng pinto, parang gusto ko na ulit isara yung pinto dahil sa nakita kong si IC yung bisita ko, ang nag simulang sumira ng araw ko hanggang sa tinuluyang sirain ng Kuya niya. "What?" Walang gana kong tanong.

"Pwede ba kitang makausap?"

"Wag na muna ngayon." Plano ko na sanang isara yung pinto pero pinigilan niya.

"Galit ka ba dahil sa ginawa ko sa Marcus na yun? Amber magalit ka man o hindi, yun at yun pa din ang gagwin ko. Anong nakita mo dun sa walang kwentang model na yun? Ni hindi nga sikat yun-"

"Tama na nga pwede!" I angrily said. "Hindi ko kailangan ngayon ng negatibo mong komento kay Marcus. Kailangan ko ng kaibigan IC, pwede ba mag paka'kaibigan ka muna ngayon? Kasi ngayon ko kailangan nun eh, kahit ngayon lang!" That's it, naramdaman ko na namang tumulo yung luha ko. Bakit ba kasi ang komplikado ng lahat?

"Heey.." Malumanay niyang sabi habang unti unti akong niyakap. "I'm sorry." He said tapping my back, softly.

"Anong nangyari?" He asked.

"Wag ka nalang munang mag tanong."

"Paano kita matutulungan kung di mo sasabihin?"

Kahit sobrang tempted na 'kong sabihin sakanya ang totoo hindi ko naman kayang sirain ang diskarte ni Damon sa pag sabi sakanila ng tungkol samin, kung may plano nga ba siyang sabihin. Sana ganun lang kadaling sabihin yung tungkol samin ni Damon

"Nagalit ba si Marcus sayo dahil sa ginawa ko? Nag away ba kayo?" Tanong niya ulit. Napa buntong hininga nalang ako dahil nadadawit na si Marcus sa gulo ng relasyon namin ni Damon. Haay! Palpak din kasi yung ginawa niya eh.

Bumitaw ako sa yakap ni IC at pinunasan yung mga luha ko.

Nag lakad nalang ako papunta ng sala at hinayaan kong bukas yung pinto para pumasok siya. Umupo nalang muna ako sa couch.

"Hindi mo talaga sasabihin kung bakit ka umiyak?" Tanong niya pagkaupo niya sa tabi ko. Wala talaga akong plano!

Tumingin nalang ako sa mga mata niya at nakipag titigan naman siya. Nabaling ang tingin ko sa pasa niya sa mukha. "Ano bang nangyari dyan?" Tanong ko kahit na alam ko naman na yung sagot dahil sinabi na ni Damon kanina.

Totoo nga kayang gusto na 'ko ni IC? Kung Oo, sana noon pa niya yan naramdaman, noon nung may ganyan din akong nararamdaman sakanya edi sana hindi ganito kakomplikado ngayon.

Ngayon kasi baliw na 'ko kay Damon.

"Nag suntukan kami kagabi ni Kuya Sam."

"Bakit?"

"Dahil gusto ka niyang ligawan at hindi ako pumayag."

"Bakit di ka pumayag?"

"Dahil gusto kita Amber!" So it's true, lumabas na mismo sa bibig niyang gusto niya ko. Noong kay Sam palang ang alam kong feelings napaka sakit na sa ulo dinagdagan pa niya.

Hinawakan niya yung kamay ko at hinalikan to. "Amber, sana yung nararamdaman mo sa'kin noong High School tayo, sana ganun padin ngayon. Umaasa akong-"

"Sorry IC, pero mahal ko yung boyfriend ko kahit may hindi kami pagkakaunawaan ngayon. Wala ka ng aasahang feelings sakin maliban sa pagiging best friend." Pagpuputol ko sa sinasabi niya. Naging prangka siya noon sa feelings niya sa'kin at ganun din ang gagawin ko, alam kong masakit dahil naramdaman ko na yan pero kailangan.

"Pagkakaibigan nalang ang kaya kong ibigay, sana matangap mo yun katulad kung paano ko natangap yun noon." Dagdag ko.

Unti unti niyang binitawan ang kamay ko at inilagay yung mga kamay niya sa mukha niya bilang pang cover. Bigla siyang tumayo nang hindi tumitingin sa'kin tsaka nag simulang mag lakad palabas ng bahay ng wala manlang sinasabi na kahit na ano.

--

Keep voting babies. 😁

King BrothersWhere stories live. Discover now