Ngumiti siya sakin ng pagkatamis-tamis at yumuko. Umayos ako ng tayo at pumunta sa likod niya para ako naman ang magtulak ng wheel chair. "Thank you." Pagpapasalamat ko sa Nurse.

Kinausap pa nila Mama si Doc, samantalang kami nila Ate Den nauna na. Usually mga kailangan namang gawin ang pinapaalala nito. Tsaka mabilis lang sila nagusap dahil maya-maya lang, nakasunod agad sila.

"Ano sabi Ma?" Tanong ko kay Mama since nagpaiwan din siya kasama si Tita Min.

"Yung mga kailangan daw kainin ni Kath. Tsaka yung bagong gamot na kailangan niya." Sabi nito at umupo sa kama. Sa paanan ni Kathryn. "Kathryn, anak."

"Hi, Tita. Thank you for being here. Wala po kayong taping now?" Malambing na tanong ng girlfriend ko.

"Wala. Day off. Si Jc nga pala and Magui pupunta dito bukas, ha? Si Lelay may pasok siya so maybe the next day nalang." Sabi nito habang nakalagay ang kamay sa may paa ni Kathryn.

"Really po? Sure, wala pong problem. Andito naman po lagi si Mama."

"Ako rin." Singit ko sakanila. "Kinalimutan mo na ako?"

Sumandal siya sakin. "Don't say that."

"Joke lang. Lagi naman akong andito rin, diba?" Paglalambing ko. Totally forgetting my Mother.

"Yes po." Bumalik siya sa pagupo ng maayos pero nag-alala kami ng bigla siyang humawak sa ulo niya. "Ah!"

"Hey, bakit? Masakit ba?"

"Uhm, oo eh. Ouch...ouch.." Lahat sila napalapit kay Kathryn.

"Bali, what's wrong?" Nakahawak siya sa ulo niya at hindi ko alam anong gagawin. Kailangan niya ba ng gamot? O ng ano?!


"Ang sakit, parang... nagpapound..." Inalalayan namin siya hanggang sa makahiga siya. "Tita, tawagin ko na si Doc."

"Sige, DJ!" Nagkandaugaga rin sila Tita na kumuha ng gamot sa drawer bago ako umalis.

Halos takbuhin ko ang office ng Doktor na di naman kalayuan dito. "Mr. Padilla! What happened?" Napatayo agad siya pagbukas ko ng pinto. Hindi na nga ako nakakatok.

"Si Kathryn po kasi..sumasakit po yung ulo niya."

Tumango siya and commanded me to go back. "Susundo kami." Nakalabas na kami ng office niya. "Kailangan ko lang siyang ie-inject. Nurse Kim!" Tawag niya sa Nurse habang ako, bumalik kaagad sa kwarto ni Kathryn.

"Ma! Ano na?" Tanong ko pagkapasok na pagkapasok pero ganon pa rin. Namimilipit si Kathryn sa sakit--at umiiyak.

Hinawakan ko ang kamay niya. "Love, wait lang ah? Papunta na sila Doc."

"L-love.."

Hindi ko kinaya at naluha na rin ako dahil sa iyak niya. Damang-dama ko yung sakit na nararamdaman ni Kathryn. I can see that she's in so much pain. At wala akong magawa kundi hawakan lang siya.


"Love, papunta na sila. Hintay lang, malapit na." Hinuhuli ko ang tingin niya pero hindi niya ko matignan dahil panay pikit at iyak siya. "Love, ang sakit..Ma...ma..."

Napapikit si Tita Min habang hinahaplos ang kanyang bunso. "Wait lang, anak. Eto na, eto na." Napabitaw ako ng biglang dumating ang Doctor ni Kathryn at dumiretso ito sa kanya.

"Pakihawak." Utos niya sa Nurse.

Patuloy pa rin si Kathryn sa pagiyak. At ngayon ko lang nalaman na hindi iyon musika. Dahil ayaw ko itong marinig. Dahil hindi 'to yung tipong matitiis mong pakinggan. Ito yung tunog na hindi ko kayang basta nalang pakinggan. Hindi ito yun. Ayaw ko ng iyak niya. Ayaw kong madinig 'yon.


"Hold still, hold still." Rinig kong sabi ni Doc.

Ininject niya si Kath--tatlong beses at umiiyak pa rin siya. "Ma....DJ...Ma..." Napatalikod si Ate Den at lumabas. Napalayo rin sila JV dahil hindi rin nila kayang makita ang ganitong pangyayare.


Tangina. Ang sakit, ang hirap.


"Andito lang ako, andito lang ako.." Bulong ko sakanya kahit na di ko hawak ang mga kamay niya.

Hindi siya mapirme. Galaw ng galaw ang likod niya. Umaangat, bumababa. "Ang sakit.." Nangingig pa ang labi niya sa pagiyak.

Ayaw ko nito. Ang sakit.

It hurts to see the one you love suffering.

She is beautiful but this isn't. How do someone as beautiful as her deserves this?

Unti-unti, huminto siya sa kakaiyak pero nanatili siyang nakapikit at humihingal. "DJ..." Umatras ang Doctor, giving way for me.

Hinawakan ko ang kamay niya.

Ang sakit lang isipin na ang kaya ko lang gawin ay hawakan siya ng mahigpit at sabihan ng, "It's okay now. It's okay now."


It's okay now. I kissed her head, still unsure of what's later.


**

TURNING PAGESWhere stories live. Discover now