Chapter Seven: The Gift

Start from the beginning
                                    

"Sabi mo pag-aari ni Lolo ang abandonadong lupa na iyon. Bakit hindi ko man lang alam na may ganoon kaming property dito sa Pilipinas?" And at such state. Hindi ugali ng Lolo niya pabayaang nakatiwangwang ang isang lupa na pwede namang i-develop.

"Your grandpa told me to give you the title." Kyrios shrugged. "Nakita ko ang kopya ng titulo habang nililigpit ko ang mga gamit ni Aristo."

Tinago ni Travon ang kanyang pagkabigla. He failed.  Tumawa lang ang kanyang kaibigan.

"Don't give me that look, Travon. I know I have to let go. Someone told me, I shouldn't abandon the living for the dead." He gave him a sad smile.

"Finally." He bumped his knuckles at his friend's shoulder. "Just about time, bitter shit."

Si Aristo ang nakatatandang kapatid ni Kyrios. High caliber lawyer  at former counselor-at-law ng Jin Empire. Aristo died six years ago in a freak car accident. Kyrios never really moved on from his brother's death. Kung nililigpit nito ang mga gamit ni Aristo, siguro ang unti-unti na nitong natanggap ang maagang pagkawala ng kapatid.

"So I was saying..." Sumimsim ito ng alak at nilapag sa harapan ni Travon ang isang folder. "Nakita ko sa files ni Aristo ang photo copied title ng lupang iyon. Nabalitaan kong naghahanap ka ng land area para sa project ng kompanya mo kaya naisipan kong ipakita sayo iyan."

"You should've seen the place, Kyrios. Hindi ako makapaniwalang pababayaan lang iyon ng Lolo ko."

"Exactly. That was a fine piece of land. Twenty five hectares ang buong property. It used to be a flower farm in the early 40s."

Binuksan ni Travon ang folder. Nandoon ang ilang papeles at mga litrato ng Paradiso. The area would be perfect for what he had in mind. Pero...

"I need more..." Tinaasan siya ng kilay ng kaibigan. "The land area is not enough enough for what I have in mind, Kyrios."

"I know," pagsang-ayon nito. Tumayo ito at kinuha ang isa pang folder. "I decided to do some digging. Dating pag-aari ng Spanish national na si Don Simeon Dela Fuente ang lupang kinatatayuan ng Paradiso. Nabili ng great grandparents mo ang lupa around 1930s. And guess what?  Malaki ang tsansang mas mapapalaki mo pa ang land area mo." Inabot nito ang isa pang folder kay Travon.

Nagsalpukan ang kilay ni Travon habang binabasa ang mga nakasulat."Eden?"

"Iyan ang katabing lupa ng Paradiso. Pag-aari iyan ng kapatid ni Don Simeon na si Don Mariano Dela Fuente. Ang balita ko ay ang apo na nito ang namamahala ng hacienda ngayon. Here's the catch. Nakasangla iyan sa bangko at malapit ng maremata." Kyrios grinned. "You can buy the property and you will have another twenty five hectares for your dream project, adelphos."

Unti-unting nag-sink in ang lahat. This is his chance for redemption. Kapag nagawa niya ang project na pinaplano niya ay siguradong makakabalik agad siya ng Shanghai.

"I don't know what to say-- Damn, thank you,man.  The whole area is perfect. Fuck."

Tumawa si Kyrios. "May kapalit iyan. I expect you to give me villa overlooking the ocean."

"Anong give? Discount lang ang ibibigay ko sayo, bai chi. Huwag kang kuripot."

"Ibigay mo na sa akin ng libre. Hindi naman mababawasan ang net worth mo kapag nagbigay ka ng kapirasong lupa para sa  nangangailangan diba?" Kyrios flashed his pleading teal blue eyes on him.

Travon scoffed. "Anong tingin mo sa lupa? Candy na pinamimigay lang? Bilyonaryo ka. Sukli lang iyan sa kayamanan mo."

"Damot."

Travon : The Heartless Scion (Smitten Series Book2)Where stories live. Discover now