x60 Please Don't Go

Start from the beginning
                                        

Aalis dapat si Diane pero sa unang pag kakataon ay sinuway ito ni Diane. Natitiyak akong mapipigilan ko ang kung ano mang binbalak ni Ayana. Mukhang hindi pa siya tapos sa dalawa.

Buhay man ang itaya. Gagawin ko.

Kence P.O.V.

MAAGA akong nag ayos para pumuta sa school. Maaga dapat para mas makapag handa. Madami namang nga fans club ko ang nakipag tulungan sa gagawin kong surpresa para kay Diane. Sana matuwa siya sa surpresa ko. Ano kayang magiging reaksyon niya.

Nandito na kami ngayon sa gym para asikasuhin ang gagawin. Wala namang problema kung mag paalam pa ako dahil kila Dwayne naman itong PSU.

Nadantnan ako ni Dwayne na nag aayos nang decorate kaya naman kinausap niya ako sandali.

"Good luck loko" sabi nito.

"Mag wowork iyan. Minsan na natin siyang na surpesa eh" sabi ko.

"Iba ang prank sa surprise"

Sabi nito at nag tawanan nalang kami.

Ayana Sheen P.O.V.

Sa oras na ito, nag aayos na sila. At sa oras na ito, magiging masaya ako at magiging masalimuot ang mangyayari kay Diane. Hahahaha. Nakaka tuwa naman.

Diane P.O.V.

Gumising ako nang maaga at nag ayos. Ngayon  kasi ang monthsarry namin ni Kence. Pero bago iyon, pag aaral muna bago ang lahat. Education is a must.

Nag break fast na din ako at nag ayos na nang sarili. Pag kalauna'y nag tungo na ako sa PSU.

Dalawang subject lang naman ang ita take ko ngayon kaya nag sisipag ako. Para na din makahabol dahil napag iwanan na din ako nang kabihasnan sa pag aaral.

Pag kapasok ko, ang mga istupidyante kung maka tingin sa ganda ko ay wagas na wagas. Mula ulo hanggang paa kung makatingin akala mo kakainin nila ako nang buhay. Eh pag ako naman ang tumingin sa kanila mula ulo mukhang paa. Oh well that's life.

Hindi pa din naman ako nag babago eh. Suot suot ko pa din ang eye glass ko. This is my best friend, since wala si Clare at busy sa love life nila ni Dwayne panget. Well, busy din naman ako kay Kence babyloves eh. Pero iba talaga feeling ko ngayon. Tingin palang nang mga syupidyante, may kahinahinala nang mangyayari. Expected ko na iyon dahil isu surpresa daw ako ni Kence.

Nag vibrate ang phone ko pero di ko na pinansin dahil pumasok na ko sa first subject.

Ilang oras makalipas natapos na din ang last subject ko. May nag vibrate ulit sa phone ko kaya naman napag pasyahan ko nang buksan ito. Unang text ay si Babyloves Kence at ang mga sumunod ay Unknown number. Na curious ako kung sinong nilalang ang malakas ang loob na itext ako kaya inopen ko ka agad ito. At ang bumungad ay...

Parang tinutusok nang maliliit na karayom ang puso. Tipong maliliit na nga tapos milyong milyong karayom pa. Sabayan mo pa siguro nang pakong pinupukpok ang puso ko. Pwede mag mura? Putangina, tarantadong hayop kayo !

Pinag taksilan na naman ako ni Kence kasama pa ang isang taksil na si Ayana. Ang sakit sakit. Naramdaman ko nalang bumagsak na ang luha sa mga mata ko.

Sinong hindi masasaktan? Oo tanga tong si Kence dahil pina alam niya sa akinh may surpresa siya pero itong message na makikita ko?

Mga picture lang naman na magka yakap ang dalawa habang mahimbin na natutulog. Ang masakit pa doon, parang walang damit si Kence. Punyeta ang sakit sakit. Bakit ganito? May nangyari ba sa kanila? Putangina talaga ! Kung meron man, hinding hindi ko na sila mapapatawad pa kahit kailan. Minsan na akong nasaktan.

Ms. Nerd TransformationWhere stories live. Discover now