Chapter 21

1.6K 53 5
                                    

CHAPTER  21
Naka upo ngayon si MARYDALE sa swing sa PARK kung saan lagi sila ni EDWARD magkasama, ilang araw narin ang nakakaraan simula ng makipag hiwalay sya dito. Sinubukan sya nitong kausapin, pero hindi nya ito hinarap. Kanina sa SCHOOL nag kasalubong sila, alam nyang nakatingin ito sa kanya pero hindi man lang nya ito nakuhang tingnan nilampasan nya lang ito, bakas sa mukha nito ang lungkot. Gusto nya itong yakapin pero nangingibabaw parin ang sakit at takot. MAHAL na MAHAL nya si EDWARD pero bakit nag papatalo sya sa takot na nararamdaman nya, napatakip na lang sya ng mukha at heto umiiyak na naman sya.. Nahihirapan na sya pati mga kaibigan nya nag aalala na sa kanya.
Naramdaman na lang nya na may tumabi sa kanya. Umupo si MARCO sa tabi nya, niyakap sya nito. Duon na sya napahagulgol.
“Ang tanga-tanga ko, MARCO.. nagpapatalo ako sa nararamdaman ko”umiiyak parin sya.
“Sssshhh, its ok its ok maaayos rin ang lahat” pag aalo nito habang hinihimas ang likod nya.
“Siguro, kailangan nyo lang ng TIME, SPACE para makapag isip ng TAMA. I know everything happens for a reason, you need to be strong.”dagdag pa nito. Kahit papaano nababawasan ang lungkot nya, dahil alam nyang nandyan si MARCO para sa kanya..
Malapit na sana si EDWARD sa PARK ng mapansin nyang may tao naroroon. Si MARYDALE at MARCO magkatabi nakaupo sa SWING.. Araw-araw syang nagpupunta sa PARK, dito kase sila palagi magkasama ni MARYDALE, minsan para syang tanga na napapangiti na lang pag naaalala nya nag masasayang alaala na pinag samahan nila. Yung mga araw na masaya pa sila, na ngayon ay isa na lang alaala.. NASASAKTAN sya, pero alam nyang mas NASASAKTAN si MARYDALE. Mas tanggap pa nya na sya na lang ang masaktan, pero ang makita itong umiiyak hindi nya kaya.. Gustuhin man nyang puntahan ang mga ito ay hindi nya magawa, tila galit parin sa kanya si MARYDALE. Kanina nag kasalubong sila sa school pero hindi man lang sya nito tiningnan kung alam lang ni MARYDALE kung gaano nya kagustung yakapin  ito..

“MAHAL na MAHAL ko parin sya, hindi nabawasan ang PAGMAMAHAL ko sa kanya, Ang sakit sakit lang, kase ang tanga tanga ko, nag padala ko sa takot na nararamdaman ko, MARCO ang tanga tanga ko”..wika ni MARYDALE…
Patuloy syang pinapakalma ni MARCO.. Tila hindi na yata mauubos ang luha nya. Gabi na ng ihatid sya ni MARCO sa bahay nila. Hinalikan sya nito sa noo. Ramdam nya ang pagmamalasakit nito.
“Magpahinga ka na”anya nito sa kanya. Tumango lang sya dito. Hindi nya alam kung paano magpahinga, yung pakiramdam na kahit wala kang ginagawa ay napapagod ka parin.
Kinabukasan maaga syang pumasok. Hinintay nya sila KISSES at FENECH malapit sa pathway. Binati sya ng mga ito ng makalapit sa kanya.
“OK ka na”tanong ni KISSES sa kanya. Tumango lang sya dito. Niyakap sya ni FENECH.
“Kaya mo yan GIRL”..anya nito sa kanya.
Pagdating nila sa Classroom, Tumabi sya kay KISSES nandun na ang mga classmate nila. Lumingon sya sa likod, tila hinahanap ng kanyang mata si EDWARD. Pero wala ito. Hindi ito pumasok. Marami paring bagay ang gumugulo sa isip nya, marami syang narealize. Marahil sinusubukan sya ng tadhana kung hanggang saan ang kaya nya. Nag simula na ang klase nila ng dumating si MS. CORA. Nag lelecture ito sa bago nilang topic, ang dami na nitong naipaliwanag pero wala syang maintindihan, tila ayaw makisama ng utak nya, kahit anong focus ang gawin nya wala parin nangyayare, tanging si EDWARD lang ang laman ng isip nya ngayon, sa dami ng nangyari sa dami ng narealize nya, isa lang ang masasabi nya, MAHAL PARIN NYA SI EDWARD.
Sa LOVE dapat handa kang MASAKTAN, dapat handa kang IPAGLABAN ang taong pinili mong MAHALIN, dapat HINDI mo sya IIWAN kahit SOBRANG SAKIT na, kahit alam mong wala ng PAG-ASA, aasa at aasa ka parin. Panghahawakan mo parin ang PAGMAMAHAL nyo sa ISAT ISA. Yun ung mga bagay na narealize nya.
Bigla na lang sya tumayo at mabilis na lumabas ng classroom. Tinatawag sya ni MS. CORA pero hindi nya ito pinansin, wala na sya pakialam kahit magalit ito. Ang tanging mahalaga sa kanya ay ang makita si EDWARD, ang makausap si EDWARD. Hinanap nya ito kung saan saan, sa open field. Tinatawagan nya ito pero naka patay ang phone nito.
“please answer the phone EDWARD” anya nya na naiiyak na.
Tinawagan nya si MARCO pero hindi nito alam kung nasan si EDWARD. Nagpunta sya sa lagi nilang kinakainan na restaurant, pero wala ito. Pinuntahan nya ito sa bahay pero wala din ito, hindi na nya alam kung saan sya pupunta. Kung saan nya ito hahanapin. Isang lugar na lang ang hindi nya napupuntahan, ang PARK. Nagmadali sya sapag punta dun.
Nakaupo si EDWARD sa swing, hindi sya pumasok ngayong araw, ang tanging gusto lang nya ay maupo sa swing at alalahanin ang masasayang bagay na pinag samahan nila ni MARYDALE. Nakapikit sya habang inaalala ang mga pinagsamahan nila, di na nya namalayan ang pag tulo ng kanyang luha.
Malayo palang si MARYDALE alam na nya na si EDWARD ang nakaupo sa SWING. Umiiyak ito. Gusto nyang tumakbo, gusto nyang lumipad papunta dito. Gusto nya itong yakapin. Pero tila may nakadagan sa paa nya, dahan dahan syang lumapit dito at naupo sa SWING.  Naramdaman naman ni EDWARD na tila may tumabi sa kanya, pagdilat nya nakita nya si MARYDALE. Tutuo ba to, katabi nya si MARYDALE. Napangiti sya.
“MARYDALE ENTRATA, nababaliw na yata ako, bat nakikita kita ngayon kahit alam kong imposible” anya nito, na akala na mamalikmata lang sya.
Ngumiti ito sa kanya, Hinawakan nya ang mukha ni EDWARD at pinunasan ang luha nito. Nawala ang pagkakangiti nito ng mapag tanto hindi sya namamalikmata, na tutuo katabi nya si MARYDALE..

-MAYWARD:)

MayWard: When Love Begins (Completed)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt