Chapter 18

1.4K 52 2
                                    

CHAPTER 18
Kasama nya sila KISSES at FENECH habang pinapanuod ang practice nila EDWARD. Nang lapitan sila ni HEAVEN kasama ang dalawang bestfrend nitong si VIVOREE at KRISTINE..
“Hi MARYDALE” anyang bati nito sa kanya. Hindi sya sumagot.
“Alam mo ang saya ng experience ko sa TAGAYTAY, ang ganda ng view. Balak ko nga bumalik dun eh, memorable kase yung place.” Pag ku-kwento nito. Kahit hindi naman sya interesado marinig.
“Alam mo HEAVEN wala kami pakialam.” Mataray na sagot ni FENECH nanatili lang syang tahimik. Nakita naman sa mukha ni HEAVEN ang pag kainis. Umalis na ito ng mapansin hindi sya interesado sa mga pinagsasabi nito.
“Ang kapal ng mukha, akala mo kung sino, sino ba sya para maging interesado tayo sa nararamdaman nya” wika ni KISSES.
Hindi nya alam pero iba ang pakiramdam nya. Tila may hindi magandang mangyayare, o dahil baka masyado lang sya napagod kaya medyo masama ang pakiramdam nya.
“OK ka lang ba”?? tanong sa kanya ni FENECH ng mapansin ang pananahimik nya.
“OO medyo masama lang ang pakiramdam ko, baka masyado lang ako napagod”
“Ok ka lang ba talaga, namumutla ka MARYDALE”..wika sa kanya ni KISSES.
Lumapit sa kanila si EDWARD ng mapansin seryoso sila.
“Are you OK BABE” tanong nito ng mapansin namumutla sya.
“YEAH I’ m OK napagod lang siguro ako.”sagot nya dito.
“No you’re not OK,”nasa boses nito ang pag aalala.
Pinilit sya nito pumunta sa clinic. Para makapag pahinga.
“BABE ok na ko, bumalik ka na sa practice nyo” wika nya dito.
“NO BABE dito lang ako. Babantayan kita”.
“Pabalik naman na si FENECH at KISSES, kaya may kasama na ko, tsaka diba mahalaga ang practice nyo, kaya sige na iwan mo na ko dito” mahabang anya nya.
“BABE mas MAHALAGA ka” wika ni EDWARD habang hawak ang kamay nya. Napangiti na lang sya. Bakas parin sa mukha nito ang pag aalala..
“Siya nga pala, kamusta ang TAGAYTAY”tanong nya dito. Tila nagulat ito sa tanong nya.
“OK naman”. Maikling sagot nito. Nag iwas ito ng tingin. Tila may itinatago ito na ayaw nyang malaman.

Pagkatapos nyang makapag pahinga, ay hinatid sya nito sa bahay..
“Wag ka ng pumasok bukas, para makapag pahinga ka pa” wika sa kanya ni EDWARD.
“OK na ko BABE huh, I LOVE YOU” paglalambing nya dito.
“I LOVE YOU TOO BABE, thank god at ibinigay ka nya sakin”… sagot nito sa kanya.
Sana lagi na lang silang ganun, sana lagi na lang silang masaya.. anya nya sa kanyang isip. Nag paalam na ito para makapag pahinga sya.
Kinabukasan kahit hindi parin ganun kaganda ang pakiramdam nya ay pumasok parin sya.
Naghihintay na sila FENECH at KISSES sa may bench malapit sa pathway. Nang dumaan si RITA. Ang sinasabi ni FENECH na kaibigan nya sa ART DEPARTMENT na kaklase ni HEAVEN.
“Oh hi FENECH” bati ni RITA kay FENECH na nag beso beso pa. Halata naman natuwa si FENECH ng makita ang kaibigan. Ipinakilala nito si KISSES sa bago dating.
“Nice to meet you” anya nito kay KISSES.
Masayang nag kwentuhan ang dalawa, na tila isang taon di nagkita.
“Sya nga pala, nakakalungkot naman na break na pala si EDWARD at si MARYDALE, sayang naman kala ko sila na ang magkakatuluyan, bagay pa naman sila.” Wika ni RITA sa mga ito.
Sabay silang nag katinginan ni KISSES. Tila di makapaniwala sa narinig.
“Ha?? Sinong nagsabi, HINDI PA SILA BREAK, Imposible yang sinasabi mo FREND” sagot ni FENECH sa kaibigan..
Tila nagulat ito. “Pero kalat na sa DEPARTMENT namin” muling wika ni RITA.
“Kaya nga hindi sumama si MARYDALE sa TAGAYTAY diba?? Dagdag pa nito.
“Hindi sya sumama kase tinatapos namin ang ginagawa namin sa campaign” paliwanag ni KISSES.
Nagtataka naming napatingin sa kanila si RITA.
“Pero bakit si HEAVEN ang kasama ni EDWARD.” Nagtatakang wika nya sa mga ito.
“anung ibig mong sabihin” tanong ni KISSES.
“Kasama ako sa TAGAYTAY at sigurado ako silang dalawa ang magkasama, nung huli araw naming dun, buong araw na silang dalawa lang ang magkasama.” Pag kwento ni RITA. Nasa mukha parin nila ang pagtataka. Kaya nga alam naming  break na sila ni MARYDALE..
“Bat ang seryoso nyo”??? tanong ni MARYDALE. Hindi nila namalayan ang pag lapit nito sa kanya.
“Kanina ka pa”?? tanong ni KISSES na halata nagulat.
“Kakarating ko lang”nagtatakang anya nya
“BAKIT, parang nakakita kayo ng multo? Muli nyang tanong ng mapansin nya ang pagkabalisa ng mga ito lalo na si KISSES.
“Wala ano.. ahmm kala namin di ka papasok.” Si FENECH ang sumagot.
“ahmm guys mauna na ko may klase pa kase ako”pag papaalam ni RITA.
“Ha, magkausap tayo kanina diba, sabi mo pa nga hihintayin nyo ko dito” wika nya kay FENECH.
“Ay oo, sorry nakalimutan ko, Dumaan kase si COACH TANNER kaya nawala ako sa ulirat” anya ni FENECH. Parang may itinatago ang mga ito sa kanya.
“Kamusta naman kayo ni EDWARD, MARYDALE?? Si KISSES ang nag tanong.
“OK naman” masayang sagot nya sa mga ito.
“BAKIT”?? muli nyang tanong nagtataka talaga sya sa mga kinikilos at tinatanong ng mga ito sa knya.
“MARYDALE” nagulat sya ng tawagin sya ni HEAVEN. Nakangiti ito sa kanya, ngiting puro ka plastikan.
“Ang sweet pala ni EDWARD nuh” biglang anya nito.
“HEAVEN pwede ba, tigilan mo na si MARYDALE, Hindi kami interesado sayo, lalong lalo na wala kaming pakialam” Pigil na pigil na talaga si FENECH gusto na nya itong sabunutan.
“Siguro nga HEAVEN, nakuha mo ang auditorium, pero hinding hindi mo makukuha sakin si EDWARD” hindi nya alam kung saan nanggaling ang lakas ng loob nya para sabihin yun.
“Well let see, my dear MARYDALE” anya nito na halatang nang-iinis.
“Hindi pala nya na- kwento sayo ung tungkol sa TAGAYTAY”dagdag pa nito.
Nagtataka syang napatingin dito..
“HEAVEN tama na”..narinig nyang anya ni KISSES.
Nakita nyang binuksan nito ang phone at nakita nya ang wall paper nito. Hindi sya sigurado sa nakita, kaya kinuha nya ito. Nanglaki ang mata nya ng makita ang nasa wallpaper. Si EDWARD at si HEAVEN MAGKAYAKAP.
“Oooppsss ang ganda nuh, balak ko nga ipa-frame eh.” Anya pa nito sa kanya.
Bigla nalang tumulo ang luha nya, parang lalo sumama ang pakiramdaman nya, parang ang bigat ng pakiramdam nya, tila may naka dagan sa dibdib nya… hindi na nya maintindihan ang mga sinasabi nito, umiikot na ang paningin nya, napahawak sya kay KISSES.
“MARYDALE OK ka lang”?? tanong nito sa kanya, nang mapansin nanglalamig na sya.
Biglang nagdilim ang paningin nya. Duon na sya tuluyang nag black out. Naramdaman na lang nya may bumuhat sa kanya.. Pinipilit nyang idilat ang mga mata pero hindi nya kaya…

-MAYWARD:)

MayWard: When Love Begins (Completed)Onde histórias criam vida. Descubra agora