chapter 8

1.6K 62 2
                                    

PART 8
Ilang linggo narin ang lumipas simula ng mag ka ayos sila ni EDWARD. Hindi na sya naiinis dito. At habang tumatagal lalo nya ito nakikilala. Hindi naman ito mayabang, may pag ka kwela at sweet din naman pala itong tinatago.
“MARYDALE sabay na tayo mag lunch” yaya sa kanya ni KISSES tapos na ang klase nila nun.
“Ahmm sige pero wait natin si EDWARD nagpunta lang sya sa Office ni Ms. ALI”sagot nya dito.
“AHHHHH may paghihintay na nagaganap”wika ni KISSES na halatang may ibig sabihin.
“BUANG” un lang ang nasabi nya dahil alam na nya ibig sabihin nito.
Masaya silang nag lunch hindi nila kasama si MARCO dahil my klase pa ito. Nauna ng nagpaalam si KISSES dahil may aausin pa ito. Nakaupo na sila ngayon ni EDWARD sa may BENCH
“Nasan na ba si MARCO?? Tapos na ang klase nya bat di sya nag rereply sa mga text ko hindi rin nya sinasagot tawag ko” nakasimangot na sabi nya. Nakatingin lang si EDWARD ng mga oras na un sa kanya. Nag bawi sya ng tingin ng mapansin nakatitig ito sa kanya.
“Baka naman busy pa” sagot nito.
“Sa IBA”.. bigla nyang sagot. Napatingin sa kanya si EDWARD. Tila nabigla sa sinabi nya,
Si HEAVEN at MARCO ay magkasama ngayon papunta sa canteen halatang masaya ang dalawa. Bigla nalang tumulo ang luha nya hindi nya alam kung bakit, ang alam nya lang may nararamdaman syang sakit.
“Are you OK MAY”?? tanong ni EDWARD dito. Huli na para punasan ang kanyang luha alam nyang nakita nito ang pagtulo nun. Agad nya itong pinunasan.
“Oo naman napuwing lang ako” anya nya sabay kusot sa kanyang mata saka sya ngumiti.
“Do you like HIM”? seryosong tanong ni EDWARD. Hindi nya alam kung bakit nya yun naitanong
Kahit parang alam na nya ang sagot, kahit alam na nyang masasaktan sya kung sasagutin pa ni MARYDALE ang tanong nya. Hindi ito sumagot pero ngumiti ito. Kung nasasaktan ito na Makita si MARCO at HEAVEN na magkasama. Mas doble ang sakit nanararamdaman nya, ang Makita itong umiiyak at nasasaktan.
“Masakit Makita ang taong gusto mo, na may gustong iba”..seryoso anya ni MARYDALE
“Yeah I know” tugon ni EDWARD.”Kung alam mo lang MARYDALE ayoko nakikita kang nagkakaganyan, mas ako ang nasasaktan, kung pwede ko lang sabihin sayo na ako na lang ang gustuhin mo. Matagal ko ng sinabi. “ yun yung mga bagay na gustong sabihin ni EDWARD nung mga oras na yun.
Nang mapatingin si MARYDALE kay EDWARD nagtama ang kanilang paningin, May iba talaga sa mga mata nito na tila nakikipag usap, hindi nya alam pero lungkot ang nakita nya sa mukha nito. Naisip nya na baka dahil kay HEAVEN baka may gusto ito kay HEAVEN kaya nasasaktan rin ito..
Maghapon silang mag kasama ni EDWARD at dahil parehas silang may pinagdadaanan niyaya nya ito sa park. Kumain sila ng ice cream, sumakay sa bike at nag laro na parang bata. Kahit papaano nabawasan ang sakit na nararamdaman nya, THANKS TO EDWARD dahil nandyan ito para damayan sya. Hindi naman sya galit kay MARCO, siguro ganun lang talaga sa buhay may mga bagay na hindi nakalaan sayo. Ganun pa man masaya sya at naging BHESTFREND nya ito.

-MAYWARD:)

MayWard: When Love Begins (Completed)Where stories live. Discover now