Marco: Deh, ano nga, Deej? Nabasa ni Kath? 

Daniel: Oo, tapos di naman niya sinasabi sakin. Di man lang ako tinanong. Nafound out ko lang nung tulog na siya tapos chineck ko cellphone niya. 

Micko: Tsk, very wrong. 

Diego: Ingat ka diyan kay Kai, DJ. Ex yan ni Jon. 

Daniel: Ano naman, di ko naman gusto yon. 

Diego: Oo nga, pero may nakwento kasi yang si Jon. 

Marco: Chismoso ka talaga Cesar! 

Diego: Gago, siya nagopen. 

Daniel: Ano ba yun?

Diego: Hirap daw hiwalayan niyang si Kai. Masyadong madikit, masyadong ewan. Di ma explain. Sobrang inlove ganon. 

Daniel: Oh tapos?

Diego: Tapos inaaway pa raw niligawan ni Jon dati. Basta ganon, iba siya. Kaya nga nung nalaman niyang may gusto sayo napailing nalang siya. 

Daniel: Hindi pa naman kami nagkakausap ng matagal nun. 

Diego: Kahit na. Diba dapat, siya yung ka loveteam mo sa movie niyo nla Vice? 

Marco: Ay siya tol?

Patrick: Tangina? Di naman sikat yun, ah. Bat magiging ka LT mo?

Micko: May kapit siguro. 

Daniel: Oo siya yata yun. Di ko matandaan. Di ko naman kasi talaga trip yung movie kasama si Vice, tapos nung nalaman ko na ipi-pair ako sa iba para simula na na ihihiwalay kami. Ayaw ko na agad. 

Marco: Ohhh. 

Diego: Wag mo nalang pansinin yan si Kai. Tapos kausapin mo si Kathryn. 

Daniel: Alam ko. Kakausapin ko siya after breakfast. 

Micko: Ano ba gagawin niyo bukas? Tsaka, kelan ba ulit chemo ni Kathryn? 

Daniel: Bukas yung result. Malalaman namin kung effective ba at kung ano na nangyayare. 

Patrick: Sana maging okay na si Kath, tol. 

Daniel: Sana nga. Pag pray niyo ha? 

Marco: Oo naman, si Micko lang naman di nagdadasal dito. 

Micko: Ulol, Gumabao. 

Patrick: Pero sana talaga maging okay na si Kath. Para di na mag-emo tong si Daniel. 

Diego: Sana nga. Tulog na ko

Micko: Ako, dota muna. 

Marco: Uwi na ko hahaha. Na kela Pat ako eh. 

Daniel: Geh. Marco ah. bukas, pa deliver mo agad. 

Marco: Ako bahala, Orb. 

Patrick: Bye 


Nilock ko ang phone at nilagay sa side table. Napatingin na naman ako kay Kathryn. Sana nga maging okay ka na. Maging okay na 'to. Sana matanggal na 'tong sakit mo. Sino ba kasi nagpauso no? 

Hinalikan ko ang kamay niya ng matagal. Matagal lang nakalapat ang labi ko sa palad niya. Lord, 'wag naman po si Kath. Wag muna. Ibigay mo na 'to sakin, oh. Sagarin mo na po. Parang-awa mo na. 


--


6AM, nagising ako dahil sa pagtapik sakin. Napatingala ako at nakita si Ate Shannen na nakangiti. "Andiyan si Marco." 

TURNING PAGESWhere stories live. Discover now