Di na napigilan ni Blue ang pagpatak ng luha niya ng marinig ang mga salitang yung mula kay Tyler. Tyler was one of the closest friends she had in the University at lalo lang siyang nahihirapang magpaalam dahil sa presensya ng mga kaibigan niya.

Nakisali naman si Lyroi sa pagyakap at ganun din ang ibang mga kasama nila. They enveloped Blue in a group hug.

"I'll miss you guys." Blue whispered as she catched her breath

"Be sure to keep in touch with us." Sabi ni Lyroi when they pulled apart from the group hug.

Blue nodded at saka sila nginitian.

Lyroi patted her hair. "Stay well Blue. See you soon."

"I will." Blue said softly

-

Alex got up from his bed when he heard his phone rang. It's already seven am ngunit hindi padin niya magawang makatulog.

Hindi mawala wala sa isip niya si Blue. Kahit tatlong linggo niya na itong iniiwasan, wala namang lumipas na araw na hindi niya ito naisip at wala ding lumipas na araw na kung saan hindi niya ito sinundan upang masiguradong maayos ang kalagayan nito. No, he wasnt mad at her anymore. But something deeper was preventing him mula sa paglapit kay Blue. Kung kaya't kahit alam niyang aalis na si Blue sa Campus kahapon hindi niya ito hinarap.

He cursed himself everytime na sinusundan niya ng palihim si Blue upang makita kung maayos ba ito, he knows that even if he loved her, Thomas loved her first at ayaw niyang maramdaman ng matalik niyang kaibigan ang naramdaman niya noon. Alam niya kung gaano kasakit yun kaya mas gugustuhin niya pa na siya nalang ang magparaya at masaktan.

Alam niya na mabuti ang intensyon ni Thomas kay Ahliv at alam din niyang tratratuhin nito si Ahliv ng tama kaya walang rason upang hindi sila maging masaya.

"Hello?" He said, while rubbing his tired eyes. Dark circles were visible due to his lack of sleep

"Alex." His breathing stopped for a moment when he heard his bestfriend's voice.

Tatlong linggo din niya itong hindi narinig. Kahit na nagkakasama kasi sila tuwing practice hindi din sila naguusap, he respected Thomas enough to give him the space he needed. Afterall, he knew how it felt. Napagdaanan niya na ito noon kung kaya't naiintindihan niya ito.

"Let's talk." The voice from the other line said

Agad din namang sumang ayon si Alex dito. Nang matapos makapag gayak, agad din pumunta si Alex sa parking lot dahil doon nila napagkasunduang magkita ni Thomas.

His face lightened up when he saw his bestfriend standing next to his black mustang. The smile on his face quickly turned into a frown when he noticed the luggages besides Thomas.

Is he leaving? Just like what I did back then? Naguguluhang tanong niya sa isip niya.

Lihid sa kaalaman ni Alex, ngayon na ang alis ni Thomas papuntang Washington. Sinadyang huling ipaalam ni Thomas kay Alex ito dahil alam nito na maari siyang pigilan ni Alex sa pag alis at maari din nitong ipilit na magpaparaya siya upang pigilan siyang umalis. Kilalang kilala niya ang pagkatao ng kaibigan niya at alam niya na mas pipiliin nitong maging masaya ang mga taong mahal niya kaysa sa kanyang sariling kaligayahan.

"Aalis ka?" Tanong ni Alex na naguguluhan

Thomas sighed. "Ngayon ang flight ko pabalik ng Washington."

"What?! Alam mong walang patutunguhan yan. Alam mo kung anong nangyari noon samin nila Nate." Alex said, breathing heavily

Hindi mapigilang mainis ni Alex sa nangyayari. Ayaw niyang gawin din ng kaibigan ang mga maling ginawa niya noon.

Disguise Inlove With You Pare (COMPLETED)Where stories live. Discover now