chapter4

250 8 0
                                    

Wednesday na, at eto papunta na akong Mount Royal, malapit lang yun sa school namin, mga 15 minutes pagsumakay ka sa jeep. Ako lang mag-isa ang pupunta kasi si Pot at Angel eh may date. Yes, you heard it right, magboyfriend yung mga yun, monthsary kasi nila ngayon eh sinasama nga ko eh kaso hello, epal lang ako pagsumama ko no!

At ayan nandito na ako sa Mount Royal 4:35 na. nasaan na kaya yung si kuya? Ano kaya itsura noon? Nagtext na lang ako ang sabi ko nandito na ako at tinanong ko kung nasaan sya at ano yung suot nya. Nagreply naman agad at sabi nya eh naka-uniform daw sya na kulay gray na ewan nasa may waiting shed daw sya sa tabi ng gate. Pagtingin ko, nye! Ang dami kayang naka-gray dun medyo malaki kasi yung shed eh. Tinext ko sya, sabi ko punta sya sa may tapat nung malaking gate. And bingo! ayun sya. Ang pogi naman nya hihihi. Lumapit na ako tapos napangiti sya nung napatingin sya akin, ewan ko ba dun sa ngiti nya, bakit parang kinilig yata ako.

“ Cayin, right? ” –kuyang pogi

“ ah oo. I-ikaw? A-anong name mo? ”

“ aw how rude of me, I’m Sydney Gutierrez. Ah kaya nga pala ako nakipagkita kasi magpapatulong ako, si Yanna kasi, yung girlfriend ko, ayaw maniwala na hindi kita babae kaya naisip ko na isama ka para mag-explain. So, let’s go. ” -kuya

waah ang pogi naman nya, pati din ang ganda nung boses nya, nakalimutan ko nga palang ikwento sa inyo na ang cool nung boses nya sa phone akala ko nga pangit eh kasi halos lahat na yata ng maganda ang boses sa phone eh pangit hahaha. So Sydney pala ang name nya, bagay sa kanya hihihi

Nandito na kami ngayon sa harap ng isang room, drama club yata to kasi yun yung nakasulat sa pinto. Grabe ang laki nung school nila, private nga talaga itong Mount Royal.  Nilapitan nya yung babae sa pinto. Ang ganda nya grabe. Medyo mas matangkad sya sa akin ng konti tapos flawless pa yung skin nya para nga syang artista eh. Kaya siguro di sya maiwan-iwan ni Sydney kaya nga nagpatulong pa sa akin eh.

“ Yanna, sya yung Cayin, yung tumawag sa akin. ” -Sydney

“ ah ako nga pala si Cayin. Sorry ah nagkamali kasi ako nang natawagan, dapat yung classmate ko dati yung tatawagan ko eh kaso nagkamali pala ng bigay yung barkada ko ng number kaya itong si Sydney yung natawagan ko. ” tapos tumango lang sya saka umirap. Nagbago na ang isip ko ang pangit pala nya. Nakakairita akala mo kung sinong maganda kung makairap, buwisit! well, maganda nga talaga sya, pero kahit na, ang pangit pa din nung ugali nya.

“ so ikaw pala si Cayin, pasensya ka na din ah naistorbo ka pa nitong si Sydney. ” –Yanna

Nasabi ko bang joke lang yung kanina, mukang mabait naman pala talaga sya.

“ ah patawarin mo na yang boyfriend mo Yanna, nangungulit lagi eh nagpapasama at nagpapatulong mag-explain Magbalikan na kayo para naman di na ako makunsumi sakanya. Hahaha. ” napangiti naman itong Sydney na ito.

“ ha ? ah hindi mo naman kasi sakin maaalis na magduda eh kahit na nag-explain ka pa sakin ngayon, ah sige pala ah, may practice pa kami. ” –Yanna

Tapos iyon, pumasok na syasa loob nung room. Bigla namang nagsalita si Sydney, medyo frustrated pa nga yung boses nya eh.

“ ha’ay kasi naman may tampuhan kami nung time na yun tapos iyon dapat papatawarin nya na ako kaso nga tumawag ka. Ha’ay ang hirap naman nyang paamuhin, dati ang saya naman namin, di kami masyadong nag-aaway, magkatampuhan man magkakabati din agad. ” –Sydney

Ewan ko ba bakit sa sinasabi nyang yun nasasaktan ako na hindi ko maintindihan. Inihatid nya ako sa sakayan ng bus, nalaman ko din na magkamuka pala yung way namin kaya nagkasabay na kami sa bus pero nauna lang sya na bumaba kasi mas malapit yung bahay nila kesa amin.

Nandito na ako ngayon sa kwarto ko. 10pm na, hindi ako makatulog. Naaalala ko kasi yung kinuwento nya sa bus na kesyo mahal na mahal daw nya si Yanna na umiyak daw sya nung day na yun kasi nga nakipag-break si Yanna na kesyo ang saya saya nila dati na super legal yung relationship nila sa mga family and friends nila. Ha’ay nakakairita! Bakit kelangan pa nyang sabihin yun sakin nakakairita lang talaga ! yun lang yug nasa isip ko hanggang sa makatulog na ako.

WRONG NUMBER + THAT GUY NEXT DOORWhere stories live. Discover now