chapter3

291 9 0
                                    

Since weekends na nandito lang ako sa bahay maghapon. Lumabas lang ako nung nagsimba kami kanina. At Friday nangyari yung hindi ko pagsipot kay francis at naalala ko, hindi ko pa pala nasasabi kila Pot at Angel yung nangyaring pagtawag nya. Kaya ngayon naka-conference call kaming tatlo.

“ uy Pot at Angel si kuya na natawagan ko nung Thursday eh tumawag sya nung gabing yun tas ang sabi magkita daw kami sa Mount Royal. Dapat nung Friday yun kaso di ako pumunta. ”

( ayieh ! tadhana nga naman. Dapat pumunta ka, malay mo soulmate mo pala yun. ) –Angelica

( hoy Angel magtigil ka nga! Tama lang yun na hindi ka pumunta Cayin, malay ba natin baka kung anong gawin noon sayo baka mapahamak ka pa ) – Pot

( hoy Paulo Timothy Mariano umiral na naman yang pagiging tatay mo ) –Angel

Over-protective talaga yang si Pot sa amin kasi sya nga yung kaisaisahang lalaki sa amin since tatlo lang kaming magbabarkada.

“ eh may point naman talaga si Pot eh. Malay mo kidnapper pala yun o kaya holdapper, mabuti na lang din yung nag-iingat. ”

( eh ano naman ang sabi nya nung di ka pumunta? ) -Angel

“ ayun tumawag din sya nung Friday evening tapos ang sabi nya pagsinabi daw nyang pumunta ko eh dapat pumunta ko kasi may atraso nga ako sakanya kasi nag-break pala sila nung girlfriend nya nang dahil dun sa pagtawag ko. ”

( sabagay may point naman sya ) -Pot

( tignan mo ito, kanina nagagalit at ayaw kang papuntahin tapos ngayon pinagtatanggol naman si kuya. Pero grabe naman yung girlfriend noon walang tiwala parang natawagan lang yung boyfriend nya eh akala mo aagawin na ) –Angel

“ naisip ko nga din yan Angel eh pero parang tama si Pot may kasalanan din kasi ako pero ikaw naman talaga yung dapat sisihin eh hahaha ”

( at nagsisihan pa tayo ngayon?! )

“ hahaha sira joke lang yun eh. Pero sabi nya din magkita daw kami sa Monday 4:30 sa Mount Royal. Sabi nya pa kagabi sa text na kaya daw kami magkikita kasi tutulungan ko sya na makipagbalikan doon sa ex nya. ”

( ah ganoon ba? Akala ko pa naman soulmate mo na yun hahaha. ) –Angel

( okay. Ganito na lang, pumunta tayong tatlo doon bukas ) –Pot

Monday na naman. Ganun lang ulit yung ginawa namin. Medyo masakit sa utak ngayon, may Accounting kasi eh hahaha tapos nakakapagod pa dahil P.E namin at dahil nag-enjoy kami masyado sa paglalaro eh 3pm na kami nag-uwian. At eto ko ngayon sa bahay kakagising ko lang, pagdating ko kasi dito sa bahay natulog agad ako, hindi na nga ako nakapagpalit ng damit eh. Pagtingin ko sa orasan “ waaaah! ” 6pm na pala, patay ako nito kay ‘francis’ kasi nga diba magkikita dapat kami ngayon. Ang dami ng text sa cellphone ko. Halos lahat puro kay ‘francis’ mukang galit na galit nga eh. May text din galing kila Pot at Angel, nagtatanong bakit daw di kami tumuloy sa Mount Royal then biglang kumanta si Taylor Swift.

“ hello. Uy kuya sorry kakagising ko lang kasi. Nakalimutan ko na makikipagkita nga pala ko as iyo. ”

( EXCUSES ! EXCUSES ! EXCUSES ! ewan ko sayo. Subukan mong wag sumulpot sa Wednesday sa Mount Royal 4:30 pm makikita mo yung galit ko. )

“ wow! Natakot ako ah. Eh ano namang gagawin mo kung hindi ako pumunta ? at saka isa pa, taga Mindanao ako kaya hindi ako makakapunta dyan sa Mount Royal na yan kung saan mang lugar  yan ”

( sinong niloko mo ? well, kung di ka pupunta madali lang naman maghanap ng isang CAYIN MEDRANO, 3RD YEAR BSA STUDENT SA MOUNT SAINT VINCENT UNIVERSITY! )

“ ha ? p-paano m-mong nalaman ? ”

( well, sinabi mo lang naman lahat sa akin yan sa phone nung akala mo ako si Francis. )

“ s-sige pupunta ako sa Wednesday. ”

WRONG NUMBER + THAT GUY NEXT DOORWhere stories live. Discover now