Kaya sila magkasundo ni Jisoo dahil parehas silang me pagmamahal sa panggagamot.

"Ngunit hindi nagsalita si Lady Jisoo kanina. Hindi siya tumanggi."

"Hindi ko rin alam kung bakit, bukas na tayo ulit mag usap. Magpapahinga muna ko." Pumasok na siya sa kanyang kwarto. Napalingon nalang ako sa ganda ng buwan sa kalangitan. Gaganapin ang kasal sa ikalawang pag litaw ng buwan. Ayun ay sa susunod na linggo. Sana maging maayos ang lahat bago ang kasal.

********

Lady Jisoo's POV.

"Ina hindi ko kaya ang pinapagawa ninyo! Hindi ko kaya!" Sinampal ulit ako ng aking ina. Napahiga ako sa lapag ng aking kwarto. Ako ay walang nagawa kundi ang lumuha. Lumuhod ang ina para hatakin ang aking buhok.

"Hindi ka pwedeng tumanggi sa kahit na anong iutos ko sayo. Magpapakasal ka sa Prinsipe Yeongchin. At papatayin mo siya sa pangatlong araw ng pagiging magasawa niyo!"

"Ina, kaibigan ko si Yeongchin. Hindi ko siya kayang patayin." Hinila lalo ng ina ang aking buhok.

"Tandaan mong hindi parin sigurado ang estado ng ating pamilya sa kataas taasang palasyo. Hanggat hindi nagiging hari ang iyong ama mananatili tayong taga kain ng tira tira ng pamilya nila Yeongchin!"

Panay ako sa pagluha, bata pa lang ako ay nilalason na ng aking ina ang aking utak. Siya ang nagpapaikot ng aking buhay sa palasyo,  gusto kong maging doctora ng aming mga pinamumunuan pero akoy di niya pinayagan. Iniwan ako ng ina na nakahiga at umiiyak sa aking kwarto. Pero bago siya umalis akoy pinapili niya.

"Papatayin mo siya, o ikaw ang mamatay."

Mga ilang oras din akong nanatiling nakahiga. Nagiisip ako ng gagawin. Bumangon ako para puntahan ang kapatid kong si Seungmyun. Naabutan ko siyang nagbabasa. Napalingon siya sa akin.

"Jisoo. Bakit namumula ang iyong pisngi?" Umupo ako sa tabi niya at niyakap ko siya.

"Patawarin mo ko Seungmyun, sapagkat akoy walang magawa. Alam kong pagkatapos ng aking kasal ikaw naman ang nakatakdang ikasal sa Prinsipe Sunjong." Hinagod niya ang likod.

"Alam ko iyon pero wala naman na ata tayong magagawa. Kelangan nating sundin ang ipinaguutos ng ating ina at ama. Kelangan nating ipaglaban ang posisyon ng ating pamilya."

Hinarap ko si Seungmyun.

"Paano na kayo ni Jungya?" Si Jungya ang lihim na iniibig ng aking kapatid. Isang karaniwang tagapagsilbi sa aming bahay at kababata niya.

"Hindi pa niya alam, kaya sana wag mong sabihin sa kanya."

"Hindi ko pipigilan ang kung ano mang nagpapasaya sa aking kapatid. "

"Bakit kung makapagsalita ka ay parang nagpapaaalam kana? " tanong niya. Umiling ako. Hindi ko pwedeng ipaalam sa kanya.

"Sige na, tapusin mo na ang iyong binabasa at matulog kana." Tumango siya. Tumayo na ko para bumalik sa kwarto, pero tiningnan ko muna ang ganda ng buwan. Hindi ako tumuloy sa aking kwarto, palihim akong tumakas sa bahay at hinanap ko ang bahay ng aking kaibigan na si Se Hwa. Kinatok ko ang kanyang bintana.

"Kamahalan! Gabi na, anong ginagawa niyo sa labas ng palasyo? "

"Pahiramin mo ko ng iyong kabayo." Kumunot ang noo niya.

"San po kayo pupunta?!"

"Hindi ko na kaya ang paghihigpit ng aking ina Se Hwa. Tulungan mo ko."

"Iyang, sugat sa iyong pisngi kagagawan ba yan ng mahal na unang prinsesa? " Tumango ako. Hinila ako ni Se Hwa sa likuran ng kanilang bahay at pinsakay niya ko sa kanyang kabayo.

"Magiingat ka Lady Jisoo."

"Maraming salamat Se Hwa. Isa kang mabuting kaibigan." Sinipa ko ng bahagya ang kabayo at agad itong tumakbo ng mabilis.

Tinawid namin ang kabundukan at ang isang ilog, hanggang sa nakarating kami sa sinasabin bundok ng Bintana ng Buwan. Sa bangin na ito makikita mo ang buong hugis ng buwan na para bang onting angat mo lang ng iyong kamy eh maabot mo na ang buwan.

Bumaba ako at naglakad papunta sa bangin. Pumikit ako para muling makita sa aking imahinasyon ang ngiti ng kapatid kong si Seungmyun at ang ngiti ni Yeongchin. Ayokong magpaalam sa aking naging mabubuting kaibigan. Ngunit sa itinagal tagal ng buhay ko ni minsan hindi ko nagawang huminga ng dahil sa aking ina. Sa ginawa niya kanina napilitan akong gawin ito. Mas gugustuhin ko pang ako ang mamatay kesa patayin ko ang aking matalik na kaibigan. Unti unti akong lumalapit sa bangin. Seungmyun, hindi kita pababayaan kahit na akoy nasa langit na. Paalam aking kapatid.

Paalam Yeongchin.

(To Be Continued)

Type a message...
Type a message...

The Lost PrincessWhere stories live. Discover now