[C]hapter Three

6.4K 170 28
                                    

[C]hapter Three
*****

HINDI ko alam kung pupunta ba ako sa address na ito na ibinigay sa akin ni Deborah last night. Hindi ko nga alam kung saan itong building na ito.

The Ressurection Tower. 36 F/Rm 212

Hanggang ngayon araw nalang na ito ang stay ni Grevan Salvatore sa tower building. Kung hindi ako pupunta ngayong araw---hindi raw ako interesado.

Hindi ko pa alam kung anong uri ng tao ang Grevan na iyon. Hindi rin ako familiar sa pangalan niya---kahit ang apelyido na ginagamit niya, hindi rin bukangbibig ng lahat. Masyado atang privabado ang pamilya nila pero---mayaman talaga sila kung tutuusin.

Ang sabi naman sa akin ni Deborah. Madali kong makikilala si Grevan kapag nakaharap ko ito. Distinct ang personality at attitude nito. Paano ko makilala kung hindi ko pa naman nakikita ang tao na iyon.

Kailangan daw niya ng tao na magsusulat ng talambuhay niya? At para saan?
Wala ba silang ibang makuhang ibang manunulat?
Oo naghahanap ako ng trabaho, pero ang sa akin lang---sa dami niyang pera hindi lang siya basta-basta lang kukuha ng taong hindi naman kilala... Kagaya ko.

Actually, kanina pa ako nag-iisip tungkol sa Salvatore at hanggang dito sa loob ng classroom. Wala na ngang pumapasok sa utak ko mula mga tinuturo ni Sir. Mabuti at dito ako nakapwesto sa bandang likuran.

Habang nag-iisip ako at nagtuturo si Sir bumababa naman ang galamay ng orasan. May mga susunod pa kaming mga professors na papasok. Hanggang 9 PM pa ang klase ko ngayon.

Hindi ko sigurado sa sinabi ni Deborah na, before the night falls; bago mag-gabi o bago matapos ang gabi?

3:20 PM na.

Uhm. Akala ko ba kailangan ko ng trabaho?
Ito na, tutuklawin nalang ako--nilapitan na ako pero ano pang bumabagabag sa akin?
Hindi ko ba nagustuhan ang approached sa akin ni Deborah last night?
Kung oo, paiiralin ko pa ang pride ko?

Tinignan ko ulit ang card na ibinigay sa akin ni Deborah.

Pag-aari rin kaya ng Salvatore itong tower building na ito?

Parang may something na nag-uudyok sa akin na pumunta pero parang pinipigilan ko rin ang sarili na--huwag nalang. Pero kasi, kailangan ko talaga ng pera. Kailangan ko ng trabaho kaya nga ako nagpasa ng mga resumé ko.

Kung pupunta ako, hindi rin naman ako sigurado kung matatanggap ako. Kagaya nga ng sinabi ni Deborah---si Grevan ang magdidesisyon.

Siguro dapat subukan ko na rin. Bahala na. Susubukan ko pa rin kung matatanggap o hindi. Kung hindi para sa akin, maghahanap ako ng iba.


***

Pagkalabas ni Sir, tumayo na rin ako. Nagpaalam ako sa katabi ko na kung hahanapin ako sabihing may importanteng lakad akong pupuntahan.

Saglit lang naman siguro ako, makakabalik pa ako kaagad sa last 2 subjects ko.

Nakalabas na ako kaagad ng university. Nagtanong pa nga ako sa guard kung alam niya ang The Ressurection Tower. Sa Makati raw. Condominium building daw ito. Pagkatapos kong magpasalamat, sumakay na kaagad ako papunta sa Makati.


Pagkababa ko, nagtanong-tanong ako kaagad kung nasaan ang Tower. Mula sa kinatayuan ko, itinuro ng pinagtanungan ko ang isang mababang kulay abong building na sadyang malayo ang pagkakatirik mula sa iba pang nagtataasang building. Nagsosolo lang ito at mukhang mas matanda ang building kumpara sa iba pa.

At isa pa, nalaman ko mula sa pinagtanungan ko na Don Miguel Tower ito noon pero bumagsak ang itaas na parte, bahagyan ni-renovate at pinalitan ng Ressurection. Apelyedo ni Don Miguel. Iilan lang daw ang nakatira sa building. Natanong ko kung pag-aari ng Salvatore ang building. Nabigla ako nang mabatid kong, alam niya rin ang tungkol sa Salvatore--o baka naman, lahat ng nandito kilala ang pamilya Salvatore. Hindi pag-aari ng mga Salvatore ang Ressurrection pero lahat daw ng nakikita kong matataas na gusali, iyong mga pinakamataas---pag-aari ng mga Salvatore na nakapangalan lang sa iba't ibang pagkakakilanlan na hindi naman daw nag-eexist sa mundo. Mga pangalan na wala namang gumagamit. Multo raw ang tawag nila sa mga pangalan na iyon.

Burning CandleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon