"Non of your business kung sino ang kausap ko. Do what you want and I'm doing what I want." Anito sabay dampot niya ng kanyang bag at inayos niya sa harap ng salamin ang kanyang sarili.

"Kahlan, naman. Hindi lang kita pinayagang sumama sa opisina ay ganito na agad ang gagawin mo. This is bullshet." Galit nitong turan kay Kahlan. Ngunit tila baliwala lang kay Kahlan ang sinabi niya. Ano ba ang ginawa o sinabi niya. Ayaw lang naman niya itong isama dahil gusto niya itong magpahinga dahil alam niyang mahapdi ang pagkababae nito matapus ng nangyari sa kanila. Pero anong napala niya? Nagalit ito at lalayasan pa siya. At hindi lang yun dahil makikipagkita pa siya sa kausap nito kanina na tinawag niyang Cy. Kaya dahil doon ay naihilamus ni Mark ang kamay niya sa kanyang mukha.

"So, aalis ka talaga?" Tila matamlay nitong aniya kay Kahlan ng matapus itong mag-ayus ng sarili niya.

"Oo, no worries i'll be fine. Hindi pa naman ako mamatay. Sige, alis na ako at babalikan ko na lang ang mga gamit ko dito." Anito sabay labas niya ng silid ni Mark. Naiinis talaga si Kahlan dahil umagang-umaga ay hindi na pagkakaunawaan ang pangbreakfast nila. At mas lalong naghihimutok ang loob niya ng hindi man lang siya pinigilan ni Mark. "Mga lalaki nga naman." Naisatinig nito sa isip.

"Your leaving, ni hindi ka pa nga kumakain." Boses ni Mark na nagpahinto kay Kahlan sa paglabas ng malaking bahay ng binata.

"No need, doon na lang ako kakain sa tagpuan namin ni Cyrus." Saad nito kay Mark sabay talikod nito sa binata. Para namang piniga ang puso ni Mark dahil sa tinuran at malamig na pakikitungo sa kanya ng nobya. At dahil sa inis niya sa sarili ay bigla niyang sinuntok ang nasa tabi niyang lamp shade.

Palabas na si Kahlan ng makarinig siya ng tila nabasag na gamit. Kaya bigla siyang kinabahan. At sa pag-aalala na baka kung napano na si Mark ay muli itong bumalik sa loob ng bahay at doon nakita niyang dumudugo ang isang kamay ni Mark.

"Mark. What happen?" May pag-aalala nitong aniya kay Mark.

"Nothing. I'm fine. Bakit ka pa bumalik, baka malate ka pa sa kadate mo at ako pa ang maging dahilan." Anitong agad nagtungo sa mini bar ng bahay niya at kumuha ng alak doon at agad niya yun tinungga.

Agad naman inagaw ni Kahlan ang hawak ni Mark na alak at ibinato yun. Dahil naiinis talaga siya sa binata. Kaya gusto sana nitong sumama sa opisina nito ay dahil gusto niyang marinig ni Mark ang lahat ng sasabihin ni Cyrus tungkol sa pinagawa niya ditong trabaho. Pero tumanggi itong sumama siya dahil siguro gusto nitong makausap si Trexy at ng hindi siya makaabala sa usapan nila.

"Your crazy." Sigaw dito ni Kahlan. Hindi naman talaga niya ito iiwan. Sinusubukan lang niya kaso nga praning ang nobyo niya. Agad nitong hinila si Mark patungong kusina at hinugasan niya ang kamay nitong dumudugo.

Tahimik lang si Mark habang hinuhugasan ni Kahlan ang kamay niya. Matapus hugasan ito ni Kahlan ay agad niyang ibinalot dito ang nakita niyang malinis na towel sa kusina. Bago niya hinanap ang first aid kit.

Maingat na ginamot ni Kahlan ang kamay ni Mark. Matapus niyang gamutin ang kamay ni Mark at lagyan ng band aid ay muli nitong ibinalik sa pinagkuhaan niya ang first aid kit na kinuha niya.

Ng muli niyang nilapitan ang tahimik na si Mark ay siya namang pagtunog ng tawagan niya. Agad naman niya iyon sinagot ng makitang si Cyrus ang tumatawag.

"Hey! Brat, nasaan na kayo?" Tanong sa kanya ni Cyrus.

"Nandito pa sa bahay Cy, pero paalis na kami." Anitong kinalukot ng gwapong mukha ng binata.

"Okey! I'm on my way to the MAV restaurant. See you then." Ani Cyrus sa kanya bago ito nawala sa linya.

"We need to go, may sasabihin si Cyrus sa ating dalawa. Baliw ka kasi ang daming arte e hindi pa ako mamatay sa hapding nararamdaman ko." Malambing niyang aniya kay Mark sabay pulupot nito ng dalawang kamay sa batok ng nobyo.

"I'm just worried with you." Anitong lumambot na ang aura ng mukha. "I know, pero kailangan nating makita at marinig ang lahat ng sasabihin ni Cy. Si Cyrus ay isang agent and his my half brother. Nakiusap ako sa kanya na tulungan niya akong alamin ang family backround ng family Suarez." Paliwanag nito sa binata.

"Y-you have a half brother?" Hindi ito makapaniwala sa narinig mula sa nobya.

"Yeah! My Mom is my Dad second wife. My mother and Cyrus mom are sibling. Kasal si Dad sa mom ni Cyrus noon pero hindi nga lang sa simbahan. And then three year old noon si Cyrus ng mamatay sa car accedint ang mommy niya. Kaya si Mom ang nag-alaga kay Cy hanggang sa mahulog ang loob ni Dad kay Mom. Kaya nabuo ako at may isang Kahlan ngayon." Kwento ni Kay Mark.

Dahil hindi alam ni Mark kung ano ang sasabihin ay siniil na lang nito agad ng halik sa labi ang nobya. Agad din naman tinugon ni Kahlan ang masuyong halik ng nobyo.

"Hindi mo na ba ako iiwan?" Maya ay tanong nito kay Kahlan na napangiti.

"Hindi naman talaga kita iiwan. Sinusubukan lang kita kaso praning ka." Sagot nitong natatawa. "Kunin mo na nga ang mga dadalhin mong gamit. We need to go, sa restaurant mo na lang tayo magbreakfast. Hindi ka pweding malipasan ng gutom." Utos nito kay Mark sabay pitik niya ng mahina sa tungki nang ilong ng nobyo.

Kay lapad naman ng ngiti ni Mark na kinuha niya ang mga dadalhin niyang gamit sa opisina. Ng makuha niya ang mga dadalhin niyang gamit sa pagpasok sa opisina ay muli niyang binalikan ang naghihintay na nobya.

"Shall we?" Boses ni Mark na nagpaangat sa mukha ni Kahlan habang nakaupo ito sa kanilang sala. Agad naman itong tumayo at nakangiting umangkala sa kamay ni Mark.

Agad ngang nagtungo ang dalawa sa restaurant ni Mark. Tumawag narin ang binata doon na maghanda sila ng breakfast dahil darating sila doon para kumain ng almusal.

Pagdating nila sa MAV restaurant ay agad inipark ni Mark ang kotse niya. Hindi na hinintay pa ni Kahlan na ipagbukas siya ng pinto ng nobyo dahil kusa na niyang binuksan ang pinto ng sasakyan at bumaba. Magkasabay silang pumasok sa loob ng MAV restaurant habang nakahawak sa baywang ni Kahlan ang binata. Bawat madaanan nilang crew ng restaurant ay binabati ng mga ito ang dalawa.

"Hey! Brat." Boses ni Cy na nagpalingon sa dalawa. "Kuya, kanina ka pa ba dito?" Nakangiting tanong dito ni Kahlan. Agad naman silang nilapitan ni Cyrus. Kaya agad na yumakap dito si Kahlan.

"Kararating ko lang." Sagot nito sa kapatid bago niya binalingan ang tahimik na si Mark. "Hey! Bro, how are you? I'm Cyrus Mendoza." Pakilala nito.

"Doing good, bro. Nice to meet you." Anito sabay kamay nito kay Cyrus. "Oh! Anong nangyari sa kamay mo?" Takang tanong sa kanya ni Cyrus.

"Dahil sa kapraningan niya kuya, gaya mo rin yang praning minsan." Sabat ni Kahlan sa usapan ng dalawang binata. Kaya kapwa napakamot ng ulo ang dalawa dahil sa tinuran ni Kahlan sa kanila.

Maya't maya ay itinanong ni Mark sa mga tao niya kung saan nila inihanda ang mesa para sa kanila. Agad naman itinuro ng mga ito kung saan nakahanda ang mesa nila.

"What the hell are you doing here?" Takang tanong ni Mark sa mga kaibigan niyanng naroon na nauna pa sa kanila kung saan ang mesa nila.

"Natural, kakain." Sagot ng mga ito sa kanya. Magkasama ang magpipinsang si JB, Austin at ang twins na si Blake and Flake. Maging si Elijah ay kasama nila.

"Hey! Cy, how are you my man?" Tanong ni Elijah kay Cyrus. "I'm good, dude." Sagot sa kanya ni Cyrus. Nagkatingan naman ang mga ito sa inasta ng dalawa. At ang mga mata nila ay nagtatanong.

"You know each other?" Tanong ni Kahlan sa dalawa sabay turo niya sa dalawang binata. "Nhaaaa.....wala akong kilalang intsek." Sagot ni Cyrus.

"Wala din akong kilalang mahilig umakyat ng bahay ng may bahay." Sagot naman ni Elijah.

"Kingina mo, bro. May utang ka pa sa akin, muntik na akong mahuli dahil sayo. Kung hindi ko lang kapatid itong si Kahlan ay hindi ko gagawin yun, nakakita tuloy ako ng live show." Anitong nakasimangot kay Elijah. Bigla naman natawa si Elijah sa kanya.

"Pinatulog ko naman sila ah! Kaya hindi ka nila nakita." Sagot naman sa kanya ni Elijah.

"What are you talking about?" Kunot nuong tanobg ni Mark sa dalawa.

"Nhaaaaa......pwedi bang pakainin mo muna kami bago namin sabihin sa inyo. I know nagugutom narin pati ang mga chismuso na ito." Ani Elijah sabay turo niya sa mga kaibigan nilang naroon.

TBC.

I Knew You Love Me(Completed)Where stories live. Discover now