"What are we looking at?" she said with a jolly tone.

"Ikaw..." panimula ko. "Anong ginagawa mo rito? Paano mo nalaman na kung anong oras ang uwian ko, ha? Hindi ka ba nadala sa ginawa mo nung nakaraan?"

"What did I do?"

Tumaas ang dalawang kilay ko habang nanlalaki ang mata. "Hindi mo maalala? Pinahiya mo ako sa harapan ng buong school ko!"

"Oh! That one... what's wrong with it? I was just expressing my love."

Tumagal ang titig ko sa kanya pagkatapos ay inilagay ang kamay sa aking baywang. I clicked my tongue two times before I looked at her again. She's just standing at her spot like a good little dog waiting for her master to call her.

"Yeah? Well, you've ruined my reputation! What's wrong with you?" galit kong tanong.

She raised up her hands in a defensive stance. "Op! Don't be mad at me, please? Liligawan pa kita eh." Ligaw?

Napakunot ako ng noo sa pinagsasabi niya. "Ligaw? Anong ligaw ka dyan?"

"Bakit, payag ka bang ligawan mo ako?" Tiningnan niya pa ako na parang inosente.

"Of course not!"

"Edi ako na ang manliligaw." Then she smiled like a little kid. What? I ruffled my hair out of frustration. What nonsense is she speaking?

Anong sinasabi niya manliligaw siya? Do I look like a freakin' maiden to her? Can't she see or is she just stupid?

"You're unbelievable! Please, just get out of my way. Dahil sayo hindi na tahimik ang buhay ko sa school." I have to endure months of teasing and staring at my schoolmates and not too mention that a girl is willing to throw herself just for a guy! For a guy!

Aalis na sana ako para umiwas sa kung ano na namang issue nang hablutin niya ang braso ko. "Hindi ko kayang gawin yun. Liligawan nga kita diba?" 

Ano bang pinagsasabi ng babaeng to?

Tinanggal ko ang pagkahawak niya sa braso ko. And it took me a few seconds to process what she's talking about. "Are you out of your mind, lady?"

"Yes." Sinabayan niya pa ng isang tango.

I facepalmed. She's worse than I thought. I cannot take this kind of person. Ayoko na ng panibagong kahihiyan. Gusto ko lang ng matiwasay ang buhay estudyante. Is that too much to ask? 

"Meron na akong girlfriend," saad ko na lang para tigilan niya na ako. 

"No, you don't. May nililigawan ka lang and her name is Honey, right?" Nanlalaki ang matang tinitigan ko siya. Bakit alam niya yon? Hindi lang pala siya weird, crazy, and scandalous. She's also a stalker.

"I know that look. I am not a stalker. Admirer lang." Sabay nagpacute sakin. That weird batting of her eyelashes and pouty lips. Napangiwi ako kahit pa na bagay naman sa kanya.

"Alam mo naman pa lang may nililigawan ako tapos andito ka at sinasabi mong liligawan mo ako? Disente ka pa ba? Hindi ka ba marunong rumespeto? Do you even hear yourself right now? Liligawan mo ako? It sounds crazy!"

Medyo nahingal ako dahil sunod-sunod ang pagbigkas ko pero hindi man lang siya natinag at nakangiti pa rin.

"Ang gwapo mo pala sa malapitan." Sa haba ng sinabi ko yun lang ang sasabihin niya? What am I gonna do with her? She's hopeless.

Nagsimula na akong maglakad at hindi na lang siya pinansin. Tumaas ata ang blood pressure ko sa narinig. She's gonna court a guy? I scoffed. That's even more ridiculous when I heard it come out of her mouth.

OPERATION: Make Ligaw to himWhere stories live. Discover now