12- Lips

217 8 2
                                    


Christian POV
-

Weekend. Sa lahat ng end, eto yung pinaka gusto ko. No worries sa school, your independent to sleep late and to wake up late.

Napagisipan ko munang mag lakad lakad sa labas. Since 5AM pa. Matagal ko na rin kasing di ginagawa to eh kaya gusto kong gawin ngayon.

Lumabas na ako ng bahay upang mag umpisa sa pag w-walking.

Sa pag lalakad ko, di ko mapigilang maisip si Abby. Pero bakit ganun? Di ko nga mapigilan diba? Yung mga oras na lagi silang magkasama ni Baron, naiirita ako. Yung tipong gusto ko silang paghiwalayin. Oo me and Abby are enemies. Sa tingin ko nga, di na kami magkakabati eh. Tsaka dapat di ko na sya iniisip.

Sa di kalayuan, napansin ko si Baron. "Baron!" tinawag ko sya. Lumingon naman sya kaagad patungo sakin. Tumakbo ako papunta sakanya "Oh? Anyare? Aga mo ah." tumawa sya "Ikaw nga jan yung maaga eh." binatukan ko sya. "Mag isa ka lang?" tanong nya. Aba baka may nakikitang imaginary person tong si baron? Kitang ako lang eh. "Ako lang. Ikaw? May kasama ka?" tanong ko sakanya then he smiled. "Yup." he nodded "Tara na?" biglang sumulpot si Abby. Ah so magkasama pala sila? I smirked. Tumingin sakin si Abby. Pero this time ang kalma ng tingin nya. Yung tingin ng normal na Abby. "It looks like you have a date with a freak?" sabi ko kay baron. "Haha loko talaga. Di kami mag d-date. Sasamahan ko lang sya." sabi nya. Hinila naman sya kaagad ni Abby palayo then baron waved at me. San ba yun pupunta? Hays! Di ko na dapat yan naiisip eh. Bahala nga sila.

Nagpatuloy ako sa paglalakad ko. Nanlaki yung mga mata ko sa nakikita ko.

Nakita ko sya.

Naiiyak ako sa tuwing nakikita ko sya. Ang laki ng pinag bago nya. Ang laki ng pinagbago nung taong walang alam kundi ang saktan ako. Oo, si carmille. Sya yung nakita ko. Yung babaeng nanakit sakin dati. Yung babaeng ipinagpalit ako sa iba. Sa gwapo ko ba namang to, ipagpapalit pa ako.

Naglalakad din sya. Naglalakad sya patungo aa direksyon ko. Napa hinto nalang ako. Di ako maka galaw. Oo apektado parin ako. Masakit eh. Oo nag mahal ako dati, nag mahal yung bad boy.

Nagulat ako ng bigla nya akong tiningnan. Tumalikod naman ako para di nyako makita. Naglakad ako palayo. "Hey!" wtf?! Tumakbo na ako. Ayoko syang makausap. Wag ako. Hinawakan nya ako. "Christian?" Di ako makapag salita. I calmed my self. I acted as if wala lang sakin yung presence nya. "Can you not?" umiwas ako sakanya. I dont deal with you. "I know youre glad to see me." tinaasan ko sya ng kilay "In fact, im glad to see you. To see you suffering." i smirked at her. Lumayo na ako sakanya. Uuwi nalang ako. She's shouting my name but i ignored her. Ayoko syang makita. Ayoko na.

Baron POV

-

Ang tagal naman makalabas. Baka mamaya bibilhin na nya yang whole shop eh. Nakalabas na sya. Finally. "Patingin?" she handed me the bag "Sobrang tagal ko ba?" tanong nya "Oo pero ayos lang. Hihintayin din naman kita kahit gano pa katagal." tumawa ako. Binatukan nya naman ako kaagad "Alam mo gutom lang yan. Tara?" alok nya tapos hinila nya naman kaagad ako. Nahawa ata to sa kapatid ni Ashton ah. Hinila nya ako papunta sa isang ice cream stall. Nag order sya ng isang French Vanilla at sakin naman Cookies & Dough. "Alam mo paborito ko yan dati." sabi ko sakanya. She looked at me with curiousity in her eyes. "Bakit dati lang?" tanong nya "Nag iba kasi taste ko eh." sabi ko sakanya. "Masarap kaya!" nag pout sya. Ang kulit talaga sarap batukan djk haha "Di ko naman sinabi na hindi masarap. Nag iba lang talaga taste ko. Baliw ka talaga." kinain ko nalang yung ice cream ko at inubos ko ito kaagad. "Aga-aga ice cream kaagad." she looked at me "Seriously? Ikaw nga nag dala sakin dito eh!" sinamaan ko sya ng tingin "Well di mo ako pinigilan." tinarayan nya ako. Nag face palm ako causing her to laugh. "Tara na nga! baka hinahanap na ako samin eh." hinila nya ako. Napaka hilig talagang mang hila ah. Simpleng gala lang namin 'to ni Abby pero it seems like ang saya naming dalawa. Madami na kaming napag-usapan. Di parin sya nagbabago. Siya parin yung abby na kilala ko. Sya parin yung Abby na kababata ko. 

"Antayin nalang natin sundo ko ah." sabi nya. "Sige lang." i smiled. Umupo lang ako sa isang bakanteng bench tumabi naman sya sakin. "Kuya.." i looked at the girl who is in front of me. I clearly dont know her at all. Tumayo ako. "Sino ka?" tinaasan ko sya ng kilay "No one.." Nervious nyang sabi. "Mag papa picture lang sana kami ng kasama ko. Kalat kasi yung Salvanian sa school namin." she smiled. Tumingin ako sa likod ko upang mapansin ko si Abby. It seems like she's texting someone on the phone. "Please po?" i smirked. "Beg for it." i crossed my arms. "I'll pay!" inabot nya sakin yung 500 Pesos. "I dont need your god damn money you desperate bitch." tinapon ko pera nya. "Ang sama mo!" she's in the verge of crying. I was going to slap her when someone held my hand. "Ano nangyayari dito?" tanong nya. Napansin nya namang umiiyak yung babae. Letse. "Miss okay ka lang ba?" hinawakan nya yung kamay nung babae habang kinokomfort sya nung kasama nya. "Baron!" sinamaan nya ako ng tingin "What?" she crossed her arms "Ano nagawa mo?!" Hinila ko naman sya palayo dun. Bumitaw sya sa pagkakahawak ko. "Teka nga!" i faced her  "Sorry." yun lang yung nasabi ko kay abby. "Eh bat sakin ka nag s-sorry? Sakanya ka dapat oh!" itinuro nya yung babae. Hinila naman ako ni abby papalapit dun sa babae. Fine. Im gonna do it. "Sorry ha." kinuha ko yung phone nya then i opened the camera app. I took a picture with her then i handed it to her. "Yan na." i smiled at them. "Oh? Tara na." hinila ko si abby palayo. "Sino yun?" tanong nya. "Ewan." nilagay ko yung mga kamay ko sa bulsa ko. "Alam mo ang rude mo." tinarayan nya ako. "Eh sa di ko kilala yung tao eh." sagot ko sakanya. Sakto naman andito na yung sundo nya. I opened the door for her then pumasok na din ako. 

30 Minutes have passed at nakarating na din kami sa bahay nila. But when we reached there wala dawng tao sa loob. "Sayang g-greet ko pa sana mom mo." i sighed. "Well okay lang yan baron. May next time pa naman eh!" she smiled widely then hinampas nya yung balikat ko. "Aray!" sinamaan ko sya ng tingin. "Thank you ah. Haha nag enjoy ako." she smiled. Nang hampas kapa talaga ah Bugbugin mo nalang kaya ako ano? Sus. I just smiled at her. "Wala yun." i looked into her eyes at ganun din sya. Binaba ko yung tingin ko papuntang lips nya. Yung lips ni Abby. Yung pinkish nyang lips. It looks like its soft. Teka, bakit?! binalik ko yung tingin ko sa mga mata nya. Hanggang ngayon naka tingin padin sya sakin. 

Nilapit ko yung mukha ko sa mukha nya. Dahan-dahan kong pinikit yung mga mata ko. So close. Napaka lapit na ng mga mukha namin. But then suddenly i felt her hand on my chest telling me to stop. Nilayo ko kaagad yung mukha ko sakanya. "S-sorry..." nervious kong sabi. Lupa kainin mo na ako now please. Yumuko lang sya. "A-ah.. s-sige.. see you next time." umalis na ako kaagad. Napaka awkward nun taena huhu. 

I can't resist my self from kissing her. Her lips are so kissable. Bakit ganito? Kaibigan ko lang si Abby. Bestfriends lang kami. Pero bakit may kung ano-anong nararamdaman ako? Nababaliw na ba ako? 

Gusto ko na ba sya?


To be continued....

-

A/N 

I'll try to update a longer chapter next time :) please bare with this chapter. And dont forget to vote and  follow ^_^

Meeting The Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon