10- Rose

227 7 0
                                    

"IKAW NANAMAN?!!" sigaw ko sakanya. Napatingin naman kaagad yung mga tao sakin. Napapahiya mo na ako valdevieso humanda ka na talaga sakin. "Ako nanaman? Hahaha" tumawa lang sya. Abnormal talaga "Nakakasira ka din ng araw. Informed ka naman dun diba?" tinalikuran ko sya then i left. Nakakasira din ng mood tong abnormal na to. Bakit kasi andito yan eh.

Mag t-taxi daw ako eh kaya nag antay muna ako ng taxi. "Waiting for something?" tanong nya. Bigla biglang sumu-sulpot tong baliw na to oh mamaya dalhin ko sa mental to. I ignored him. Sisirain nanaman nya mood ko. "Ihahatid nalang kita." alok nya. "Wag na. I can manage myself." sagot ko sakanya. Hinila naman nya kaagad ako papunta kotse nya. Leshe ka talaga christian! Humanda ka lang talaga saking abno ka. "And what do you think your'e doing?" tanong ko sakanya. Natigilan naman sya sa paghila nya sakin "Driving you home." then he opened the car door tapos pinasok nya ako dun. Kidnap ba dis? Nakakairita na kasi sya eh huhu. Pumasok na din sya sa loob. "For sure di mo alam bahay namin. Haha" tumawa lang ako sakanya. Di nya naman talaga alam eh hahaha. "Lets see." pinaandar na nya yung kotse nya. Pag tayo naligaw patay ka talaga sakin.

For the whole 30 minutes, no one dared to speak. Di ko sya pinapansin, di nya ako pinapansin. Atleast napaka peaceful ng biyahe. Napansin kong malapit na kami sa bahay. Nanlaki yung mga mata ko nang maka rating na kami sa bahay. "How..did you.." nilingon ko sya "I have ways. Labas ka na. Ambaho mo." he reach the door to open it. Sobrang lapit nya sakin to the point na magbabangga na yung mga mukha namin. Namula naman kaagad ako. Leshe bakit ba ksi ako namumula huhu. Tinulak nya ako palabas "Napaka gentleman mo naman po noh?!" sigaw ko sakanya then he smirkes tapos umalis na sya. Napaka gentleman talaga eh sobra.

"Im home!" sigaw ko "Wala mommy mo." sabi ni Yaya Inelda.  I nodded. Sanay nanaman akong wala sya eh. Umakyat na ako papuntang kwarto ko. Tiningnan ko ulit yung mga dress na binili namin kanina. Ang ganda pala ng taste ni Princess pagdating sa mga damit. 

May nag text sa phone 

'From: Baron

Sana sakin ka nalang nagpahatid.'

Pano nya nalaman? Tsaka bakit ganito? Parang nagagalit ako sa sarili ko na parang ewan. Di ko nalang muna sya nireplyan. Pinkit ko nalang yung mga mata ko. Inaalala ko yung mga panahon na inlove ako. It makes me cringe. Ayoko talaga sa mga lalake. Ayoko sa kanila. They dont know anything but to hurt us, girls. Naiiyak ako na parang ewan. Yung tipong binigay mo lahat sakanya tapos biglang iiwan ka lang nya na hindi nag papa alam. 

Naiiyak nanaman ako. Abby, that was 2 years ago. Learn to move on. Wala na sya sa buhay mo. 

Wala na si Harold sa buhay mo.

I wiped my tears. Pinilit ko yung mga mata ko na matulog. Oo maaga pa. 4PM pa nga eh. Pipilitin kong matulog. Pipilitin ko yung mga mata ko. I hope sa pag dilat ng mga mata ko, wala na yung mga emosyon.

- - - -

"Anak, gising na." tinapik nya yung gilid ko. Minulat ko yung mga mata ko. OMG umaga na? Ang aga ko naman nakatulog kagabi. "Di ka kumain kahapon." oo nga pala. Aba tulog ako eh huhu but i dont feel hungry at all. "Maligo ka na tapos kumain ka na kaagad. May pasok ka pa." she smiled at me then umalis na sya. Kaagad naman akong naligo. Ayoko namang ma late. 

Pagkatapos kong maligo, bumaba na kaagad ako para kumain. "How's your grades?" tanong ni mama. "Im doing my best ma." then i smiled at her tapos sumubo na ako. Natigilan sya sa pag kain nya "I just hope youre doing your best." she stated. "Kasi dapat yung pag a-aral sineseryoso." kumain nanaman sya. I nodded then i smiled widely. "Yes naman ma." tapos tumayo na ako. 

After brushing my teeth nag ayos muna ako bago ako umalis patungong school. Maaga pa naman kaya mag oras pa akong mag ayos. 

After 10 minutes lumabas na ako ng bahay. "Ihahatid na po kita maam." alok ni manong driver. Tinanggihan ko sya. "Wag na po manong malapit lang naman dito yun eh." then tumakbo na ako. Haha trip kong maglakad ngayon wag ka manong. 

Sa paglalakad ko nakita ko yung lima. Yung mga salvanian. Bugbog silang lima. Bakit ganun?Anyare? Napansin ako ni Baron "Abby.." lumapit ako sakanya. "Anyare sayo?" alala kong sabi "Napa away ka ba?" tanong ko ulit sakanya. "Hindi lang naman sya yung may sugat." Sabi ni jhondrick. "Syempre bro alalang alala yang si Abby kay Baron. Haha!" sabi naman ni Ashton tumawa lang si Simon. "Okay lang ako. Di nga ako nasaktan eh." ngumiti si Baron. "Ah okay ka lang kaya pala bugbog ka noh?" sinamaan ko sya ng tingin. Napansin ko si Christian. Nakatingin lang sya sa malayo. "Hoy ikaw!" sabi ko sakanya. Napansin naman sya kaagad ako "Ano nanaman bang nagawa mo at napa away kayo ha?" sinamaan nya ako ng tingin "Di mo lang ba ako tatanungin kung okay lang ako?" he smirked. Di ko nalang sya pinansin "Papasok ka ba?" tanong ko kay Baron. "Oo naman. Ihahatid pa nga kita eh." sabi nya then he smiled. Hinila naman nya ako palayo sa kanila. "Ano bang ginagawa mo baron?!" tanong ko sakanya "Sasabay tayo papasok. Hinahatid kita." tiningnan nya ako. "Bugbog ka eh! Bakit ka pa papasok?" tumawa lang sya. "Okay na ako! Kaya ko na 'to." bahala nga sya. Di ka talaga nagpapatalo Baron Cruz. 


Inihatid nya ako sa class ko. Lahat ng mga studyante naka tingin saming dalawa. Yung iba ang sama ng tingin sakin yung iba din nag bubulungan. Ano nanaman ba yung nagawa ko? "See you later abing!" he smiled widely tapos umalis na sya. Pumasok naman ako sa loob tapos umupo na ako sa pwesto ko. "Boyfriend mo?" nagulat ako. Napaubo nalang ako sa tanong nya. "Aikee naman. Kaibigan ko lang yun." i stated. Nag peace sign lang naman yung baliw tapos nag box smile. Haha ang cute nyang tingnan. "Haha sorry." 

Sakto andito na yung first subject namin. "Good morning, class." Bumati sya at ganun din kami. Napansin ko si Christian. Ang cold nyang tingnan ngayon. Ang tahimik nya pa. Milagro ngang hindi ako inaasar nito eh. Nakakapanibago na nakakasaya. 

"Class dismissed." umingay nanaman. Since history yung last subject namin sa Morning session, ang daming tulog kanina. Syempre history na yan eh.


"Abby canteen tayo!" nagulat ako ng biglang sumulpot sa harap ko si Jean at si Princess. "Samahan nyo muna ako sa locker." angsama ko talaga djk haha. Sumunod naman silang dalawa. "Anyare sa salvanian ateng bugbog daw eh." di ko nga din alam bat ako tinatanong nila "Di ko din alam eh." binuksan ko yung locker ko.

As i open my locker, may nakita akong rose. May paper din sa tabi nito. At pano naman ito naga pasok dito aber? Nakakahinala na din to ah. Binasa ko yung naka sulat sa paper. 

'Sorry.'

- - - 

To be continued...


A/N

-

Sorry sa late update! Busy kasi ako sa mga araw na 'to eh. Pero pag tiisan nyo muna yung update ko ngayon. I'll try to update everyday :) Kamsa!

Meeting The Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon