11- Savior?

215 8 0
                                    


'Sorry.'

Yun lang yung nakikita ko sa paper. There's no sign kung sino yung nag bigay nito. Well kung sino man 'to, thank you nalang. He or she made my day. "Whut's that?" tanong ni princess. Tinanggihan ko lang sya. "Ah wala 'to." i smiled at them "Tara na?" alok ni Jean. 

"Hi Abing!" saktong sakto pag dating ko sa canteen, andito nanaman silang lima. Yung limang bad boys. "Hi baron." i smiled at him. Bumati silang apat sakin maliban kay Christian. Tiningnan nya ako sa mata. Yung mga mata nyang cold. Bakit kaya sya ganyan? Anyare sakanya? Bahala nga sya lakas ng tama eh. Hinila naman ako ni Jean para bumili ng pagkain. "Libre ko nalang kayo!" alok ni Jean. Ang saya naman nitong si Princess ._. "Sige! Haha" napatawa nalang ako sa sagot ni Princess "Wao te ritz kid" tumawa kami.

Sa canteen nalang kami nag lunch. Marami yung napag-usapan naming tatlo. But then naisip ko kaagad yung nangyari kahapon sa mall. "Teka Jean, Alam na ba ni Princess?" natigilan sya sa tanong ko. Tiningnan naman ako ni Princess nag tataka yung mukha nya. "Ha? Anong alam?" nagpatuloy sya sa kinakain nya. "Sige patay malisya pa bes." sagot ko kay Jean. Tumawa lang sya. "Alam mo kasi Princess, yang si Jean may bf na pala." nanlaki yung mga mata ni Princess. "Talaga?! Bat di mo sinabi! Bad ka talaga." sinamaan nya ng tingin si Jean. Tumawa lang naman si Jean. Abno talaga ._. "At si Simon yun." nabulunan si Princess. Syempre unexpected masyado eh. "Simon Guenavada?!" napalakas ata yung pag salita ni Princess. Napansin kong napalingon sa direksyon namin yung lima. Tumawa lang yung lima. "Oo si Simon." sagot ni Jean. "Aba umiibig na ah." tumawa lang si Jean. Saktong sakto nag bell na. Afternoon session nanaman. 

Pumasok na kami sa mga room namin. Di kasi kami magkaklaseng tatlo. Umupo na ako sa pwesto ko. Napansin ko nanaman yung cold look ni christian. Aba talaga lang ah.

Lutang yung isip ko sa lahat ng mga subject. Ang dami ko kasing iniisip eh. Parang wala ako sa sarili ko. "Class dismissed." umingay nanaman yung klase. Aba last subject na pala. Finally, makaka-uwi na rin ako. Niligpit ko na yung mga gamit ko. Ang bilis naman nilang nawala. Ako nalang ata yung tao dito. Nilingon ko kung ako lang ba talaga pero nag kakamali ako. Andito pa pala si Christian. "Ano pang ginagawa mo dito?" tanong ko sakanya. Tiningnan nya lang ako tapos inalis naman nya kaagad yung tingin nya. "Bahala ka nga." pumunta na ako patungong door para maka alis. Bago pa man ako maka alis, naramdaman kong may humahawak sa pulso ko. "May meeting tayo." tiningnan ko sya. "Music Hall, now." napaka amo ng boses nya. The moment na binigkas nya yung mga salitang yun, tinalikuran nya ako tapos sumama na sya dun sa apat. Eh akala ko ba may meeting? Bakit sya sumama dun? Bahala nga sya. 

Dumeretso ako patungong Music Hall. Ako lang ata yung tao dito eh. Umupo ako sa isang bakanteng upuan. Pinagmasdan ko lang yung nasa paligid ko. Ang ganda dito. Tas ang bango-bango pala. Di nag tagal, bumukas na yung pinto at pumasok na yung mga members ng club at syempre andun din si Christian. Umupo na sila sa kanilang mga upuan habang si Christian naman nasa harapan. 

"Tayo yung na assign na mag provide ng entertainment during the Sport's day." nag simula na syang mag salita. "And the practice for our presentation will be tomorrow." seryoso nyang sabi. "Kapag may nag absent, i will disband the club. Understand?" nag nod lang yung mga members. Tiningnan nya ako ng masama pero di ko naman sya pinansin. "Bye." umalis na sya. Aba grabe napaka bait mo talaga eh. Lumabas na sila sa music hall at ganun din ako. 

Uuwi na sana ako kaso na alala ko nga palang mag kikita pa kami nina Jean at Princess sa Basketball Court. Napaka ano talaga nitong dalawa eh baka mamaya kung ano nalang yung gagawin sakin nito. 

Nang maka rating ako sa Court, sumalubong naman kaagad yung dalawa and they hugged me. "Ilang taon ba tayong hindi nagkita? Eh kakakita nga lang natin kanina eh." sabi ko sakanila. "Na miss ka lang namin wag ka nga!" tumawa lang sila. Abno talaga baka nahawa na kayo kay Christian haha. Ayan nanaman naiisipin ko nanaman sya, este yung ka abno-an nya. Hinila nanaman ako nila "Dun tayo oh!" sinunod ko nalang sila. Sa di kalayuan, napansin kong andun pala sila Ashton, Simon, Baron, Jhondrick and Christian. Nag ba-basketball sila. Aba natural ano pa ba yung gagawin sa basketball court? Alangan namang mag s-swimming haha. "Si fafa baron mo oh. Hahaha" pang aasar ni Jean. Abno na talaga to baka mahawa pa ako dito eh. Sinamaan ko lang sya ng tingin. Yung tipong pinapatay ko na sya sa tingin "Oh edi sorry na po." tumawa naman si Princess. "Ano ba kasing gagawin natin dito?" tanong ko kay Princess. "Gusto ko kasing pag masdan si fafa Christian eh." tumawa lang sya. Abno talaga. Inlove sa isang abno. Tambalang abno ganern? Hahaha. "Oo nga pala princess, may ipapakita akong picture sayo." hinanap ko yung picture sa bag ko. Andito lang yun eh. 

"ABBY!" nilingon ko kung sino yun. Pero yung mga nakita lang ng mga mata ko ay yung likod ni Christian. "Muntik ka ng matamaan ng bola. Di kasi nag iingat. Psh." umalis na sya. Ano daw? muntik na nga ba? "Bes okay ka lang?" pag aalalang tanong ni Princess at Jean. "Oo okay lang ako. Totoo ba yung sinasabi nya?" tinanong ko silang dalawa. "Oo bes. Muntik ka ng matamaan. Pero na protektahan ka naman ng A.K.A. knight in shining armor mo. Hahaha." patawang sabi ni Jean. Napansin ko naman kaagad na tumahimik si Princess. Problema ng babaeng to? "Oh? cess anyare?" tanong ko sakanya. "A-ah.. w-wala.." iniwasan nya yung mga tingin ko. "Aalis na ako ah. Kita nalang tayo bukas mga bes!" nag wave sya "Sige ingat!" sabay naming sabi ni Jean. "Anyare kaya dun?" tanong ni Jean sakin "Aba malay ko po?" bara ko sakanya. "Alam mo bagay kayo ni Christian." napaubo nalang ako sa nasabi nya. Sinamaan ko lang sya ng tingin. "Pareho kasi kayong abno. Hahaha" itong si jean talaga eh porket nagka lablayp lang eh. "Aba sa tingin mo kinababasawan ng pagka abno mo yang love life mo?" patawa kong sabi sakanya. Sinamaan nya lang ako ng tingin. Naisipan kong umuwi nalang muna ako. "Alis na ako, Jean." i smiled at her at ganun din sya. "Sige tamang tama mag kikita pa kasi kami ni Simon eh." nag wave sya sakin tapos umalis na sya.


Lumabas na ako ng campus. Nag antay nalang ako kay manong driver susunduin daw kasi ako ngayon eh. Umupo na lang ako sa bench. 

"Hatid na kita?" he offered his hand.


To be continued....


A/N

short update muna ako ngayon guys. Anyways sa mga silent readers jan, please vote for my story and follow me on wattpad :)

Meeting The Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon