Kabanata 22

95 2 0
                                    

| Heather's POV |

It was a regular school day, nakakatamad as usual.

Lunch ngayon at wala akong kasama dahil absent si Mia. Masama daw kasi ang pakiramdam niya tapos sina Tamara naman ay busy sa pag-aayos ng group presentation nila mamaya.

"Oh my gosh! Look who's here!" Agad akong napalingon nang marinig ang boses ng maarteng si Lily. Damn, kung siniswerte ka nga naman!

Lumapit siya sa akin pati na ang dalawa niyang alipores kaya napatigil ako sa paglalakad.

"Lily, wala ako sa mood makipagbangayan sa'yo. So please back off." Masungit na sabi ko pero tinawanan lang ako ng echuserang palakang 'to.

"C'mon, Heather. Don't play the victim card just yet. Kinakausap pa kita diba?! At kapag kinakausap kita, sumagot ka ng maayos!" Sabi nito at pinanlakihan pa ako ng mata. Tss. Sarap tusukin ng eyeballs niya!

"What do you want, Lily?!" Iritadong tanong ko para lang matapos na ang usapang to.

"I want to get rid of you! You know what, I can pay you as much as you want, umalis ka lang dito sa Frazer High." Maarteng sabi nito at nagpanting talaga ang tenga ko. Anong akala niya sa akin?! Bayaran?! Argh!

Natawa out of disbelief at saka nagsalita. "You know what, bakit hindi mo isaksak sa baga mo yang pera mo at ikaw ang umalis dito sa Frazer High?!" Sabi ko at inirapan siya.

I've had enough of her bullshits! Hindi na ako papayag this time na api-apihin niya ako! Hindi ako naging bida sa kwentong 'to para magpatalo sa isang echuserang palaka!

Hindi siya makapaniwalang tumingin sa akin at dali daling kinuha sa alipores niya ang iniinom nitong baso ng juice.

"God, you're such a pain in my ass!" Sigaw niya at sa sobrang bilis ng pangyayari, hindi ko na nailagan ang pagtapon niya ng juice sa mukha ko.

"Shit." Bulong ko dahil sumakit ang mata ko sa ginawa niya. Basang basa ang mukha ko pati na rin ang uniform ko. Goddamn it! Bwisit talaga ang babaeng 'to!!

Nang tuluyan ko nang mapunasan ang mukha ko ay tinignan ko siya at tinatawanan lang nila ako ng mga alipores niya. Napansin ko rin na pinagtitinginan na kami ng ibang estudyante na nasa quadrangle.

"I can't believe ganito ka ka-insecure, Lily." Sabi ko at akma na sanang aalis pero hinigit niya ang kamay ko.

"Me? Insecure?! Nagpapatawa ka ba talaga, Heather?! Bakit naman ako maiinsecure sa babaeng taga-kalye?! Sa babaeng mahirap na tulad mo?! Sa babaeng--"

"Lily? What the fuck are you doing?!" Sabay kaming napalingon ni Lily nang marinig si Blake. He was standing in front of the crowd at nagtataka itong nakatingin sa amin.

"B-Blake!" Halata sa mukha ni Lily ang pagkagulat. Buti nga! Huli ka ngayon!

Lumapit si Blake sa amin at nag-aalalang tumingin sa akin. "Basang-basa ka." Sabi nito at kinuha sa bulsa ang panyo niya at pinunasan ang mukha ko.

Tumingin rin siya kay Lily and by the looks of it, mukhang nabadtrip siya sa ginawa nito.

"I saw it, Lily! What do you think you're doing huh?! Hindi ka naman inaano ni Heather ah." Pagtatanggol ni Blake sa akin.

Nagtama ang tingin namin ni Lily, nawala ang usual bitch face niya at napalitan iyon ng nag-aalala at natatakot na itsura. Mukhang tumitiklop talaga siya pagdating kay Blake. I also saw sudden pain in her eyes nang sigawan siya ni Blake and for the first time, medyo naawa ako sa kanya.

"I was just... G-Gusto ko lang naman... Gusto ko lang naman ibalik yung dati, Blake! Hindi ko yun magagawa kung nandito siya." Paliwanag nito. Tila ba paiyak na si Lily sa itsura niya.

Napahilot ng sentido si Blake at saka ulit tumingin kay Lily. "Hindi ba nag-usap na tayo? I'm so sorry, Lily pero wala na talaga eh... I don't think maibabalik pa natin yung dati. So please, wag ka na sana mandamay ng ibang tao. Tigilan mo na si Heather." Pakiusap nito.

Nakita ko kung paano unti unting bumagsak ang luha ni Lily and it honestly broke my heart as well. Kung iisipin, medyo parehas din naman kasi kami ng sitwasyon eh.

May gusto kami sa isang tao pero hindi naman kami gusto. Saklap, bes!

Agad na tumakbo palayo si Lily at naiwan kaming dalawa ni Blake sa quadrangle. Unti-unti na ring nagdisperse ang mga tao sa paligid.

"Don't you think you're a little too harsh on her?" Tanong ko.

"Hindi ko naman ginawa yun para ipahiya siya. I did what I had to do kasi kung hindi, hindi ka rin niya titigilan." Sabi niya at napatingin sa akin. "I'm sorry din pala kung hindi agad ako naniwala sayo dati. Nagulat din ako na kaya palang gawin iyon ni Lily."

"Kalimutan mo na yun." Sabi ko at umupo kami sa isa sa mga bench.

"By the way, I was actually for you bago ko nakita yung commotion kanina." Sabi niya at tumingin ng diretso sa akin. He seemed tense.

"Ha? Bakit mo ko hinahanap?" Tanong ko at pinigilan kong mapangiti. Medyo kinilig ako na hinahanap niya ako eh. Hahaha! Bakit ba!!

"May ibibigay ako sa'yo." Sabi niya at kinuha ang isang box sa bulsa niya. Maliit lang ito at sa palagay ko ay nasa 3 by 3 inches lang ang laki. Iniabot niya ito sa akin at marahang ngumiti.

"Ano to?" Nagtatakang tanong ko.

"Uhh... Ano--wala lang. Nanalo kasi ako sa raffle sa mall eh hindi ko naman magagamit yan. I think necklace ata yan. Pambabae eh." Sabi niya at umiwas ng tingin sa akin.

"Ganon?" Sabi ko habang ipit na ipit ang kilig na naramdaman ko. Ano ba, Heather! Umayos ka nga! "Thank you ah." Pahabol ko.

"You're welcome. Uhm.. Buksan mo na lang kapag umalis na ako." Sabi niya at tumitig sa akin. Mga 5 seconds din ata siya nakatingin sa akin... Blake's getting weird again...

"Bakit hindi na lang ngayon?" Nagtataka kong tanong.

"Tss. Ang kulit mo rin eh no?" Iritadong sabi nito at inismiran ko lang siya. Pfft! Anong pinagkaiba kung ngayon o mamaya ko bubuksan?!

"Sige na, aalis na ako." Sabi nito at nagulat nalang ako nang bigla niyang hawakan ang kamay ko. "Take good care of yourself, Heather. Don't be reckless and hard-headed, okay? Accident prone ka pa naman! I can't afford na may mangyari na namang masama sayo." Sabi niya habang pinipisil ang kamay ko at ilang saglit lang ay naglakad na siya palayo sa kinauupuan ko. Sinundan ko lang siya ng tingin mula dito.

Now tell me... Paano hindi ako maiinlove sa kanya kung ganito siya sa akin?! Damn it!

I don't know why pero bigla akong kinabahan... Minsan talaga para kasing puzzle tong si Blake ehh. Hindi mo mafigure out ang mga actions at sinasabi niya. Nakakaloka!

At yung sinabi niya sa akin... Why is it that he sounded like he's saying goodbye again?

Hugot Queen | BOOK 1 | CompletedWhere stories live. Discover now