Kabanata 1

242 8 1
                                    

"Grabe, beshie! Tignan mo si Brittany oh, grabe makalingkis kay Scott." Sabi ng bestfriend kong si Mia habang kumakain kami sa canteen.

Nagkataong nasa harapan ng table namin ang table ng ex kong magaling kasama ang malandi niyang girlfriend na ipinalit niya sa akin.

"Hindi ka pa ba nasanay?! Lagi naman silang naglalampungan." Malamig kong sabi.

"Hindi pa rin ako makapaniwala na pinagpalit ka niya kay Brit?! Like hello?! Ang landi kaya ng babaeng yun! Naalala mo ba noong---" Tinapunan ko siya ng masamang tingin at napatigil siya sa pagsasalita.

"Sorry, beshie." Sumimangot si Mia at alam kong alam niya na ayaw na ayaw kong pinag-uusapan si Scott matapos ang hiwalayan namin.

"Wala akong pake kung ang ipinalit niya sa akin ay malandi. Tandaan mo besh, ang paglalandi parang pagkain, kapag nasobrahan ay nakakalaki ng tyan." Sabi ko at nagpatuloy sa pagkain ng burger na inorder ko kanina.

Pinilit kong pigilan ang sarili ko pero napapatingin pa rin talaga ako kay Scott. Masaya siyang nakikipagusap sa mga tropa niya habang nakalingkis sa braso niya si Brittany. Hayup talaga tong lalaking to. Kumukulo ang dugo ko kapag nakikita ko sila.

Saktong pagkagat ko sa burger ko, nagtama ang tingin namin ni Brittany at ngumiti siya ng nakakaloko. This bitch is annoying the hell out of me. Lalo siyang lumingkis kay Scott at hinalikan niya ito sa pisngi. Eugh! Halos maisuka ko yung kinain kong burger. Sa tingin ba niya maiingit ako sa ginagawa niya? No freaking way.

* * *

Mabilis na natapos ang lunch break at ngayon ay bumalik na kami ni Mia sa classroom para sa afternoon class namin.

15 minutes na lang dadating na yung teacher namin for the next class, mabuti pa mag-CR na muna ako.

Nagpaalam ako kay Mia at sinabing magbabanyo lang ako saglit. Nang makarating ako sa girl's restroom, papalabas palang si Brittany. Ugh, kung siniswerte ka nga naman.

"Oh hello, my dear Heather! Kumusta ka? Mamamatay ka na ba sa inggit ngayon?" Maarteng tanong nito sa akin. Ang sarap dukutin ng mata niya. Tss.

"Excuse me? Bakit naman ako maiingit sayo?"

"Uhh... Because I am the new girlfriend of Scott and you are just a trash from his past?" Kung hindi lang talaga ako masususpend ay papatulan ko ang echuserang palakang to.

Tumawa ako out of disbelief.. "Do you really think na maiinggit ako sa isang insecure na babaeng tulad mo? You know what, insecurity is a disease and I hope you get well soon." Sabi ko at halos nanlaki ang mata niya. Hindi ko na siya pinansin at dumiretso na lang sa cubicle.

Bwisit talaga ang babaeng yun! Akala ko naman kung sinong maganda eh nakadapa naman ang ilong! Argh!!

Paglabas ko sa girl's restroom, nagmamadali akong bumalik sa room dahil ayokong ma-late pero dahil sobrang swerte ko ngayong araw ay may nakabangga sa akin at malakas na napaupo ako sa sahig. Plakda ang pwet.

"Pwede bang tumingin ka sa dinadaanan mo?!" Masungit na tugon sa akin nung lalaking nakabangga ko. Kapal ng face! Hindi man lang ako tinulungan makatayo.

Agad akong napatingala at bumungad sa akin ang isa sa mga tropa ni Scott na si Blake Henson. Kung hindi ako nagkakamali, siya yung tropa nila na tahimik pero presko.

Damn, bakit ba napakamalas ng araw na to?! Lahat na lang ng malapit kay Scott na-eencounter ko!

Hugot Queen | BOOK 1 | CompletedWhere stories live. Discover now