"Aba, ano 'to?! Utos ko, sunod ko?"

Nginitian lang ako ng tatlo at humarap ulit sa tv. Kaibigan ko ba talaga ang mga 'to?

No choice. Ako ang magbubukas.

"Hi -- " hindi ko pa natatapos ang sinabi ko when he kissed me.

Naging kissing monster ang boyfriend ko nang magcollege kami. Nag-aadik daw kasi siya sa lips ko. Pwede na rin 'yun kaysa sa ibang lips siya mag-adik.

"Namiss mo ko?" parang bata talaga.

Ginulo ko ang nakawax niyang buhok saka pumasok sa kotse. Nang makapasok din siya, tiningnan niya ako ng masama, "Namiss mo ko."

Unlike kanina, hindi na 'yun tanong, but a statement. Naiinis na rin siguro siya kasi ayaw na ayaw nyang ginugulo ko ang buhok niya lalo na kapag nakawax siya.

Inayos niya 'yung rear view mirror at humarap doon para ayusin ang buhok niya. Boys and their hair. Hay.

Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya saka iniharap sa akin, "Sorry na. Natutuwa kasi talaga akong guluhin ang buhok mo."

Inayos ko ang buhok niya kahit medyo mahirap pasunurin kasi nga may wax. Salita ako ng salita tulad ng, 'ang tigas ng buhok mo', 'wag ka na magwax', 'pagupit ka na' nang bigla na naman niya akong i-kiss dahilan para manahimik ako. Kissing monster.

"Ang cute mo, Ma. Hayaan na nga natin 'yang buhok mo. Sa'yo lang naman ako papapogi kaya ayos na 'yan. Ikaw naman umayos niyan.

Napangiti na lang ako, paano ang sweet sweet talaga ng taong ‘to. Ako ang babae pero siya ang mas sweet kesa sa aming dalawa.

Nagdate kami. Usual lang. Malling. Kakain kung saan saan. Magaarcade. Magwiwindowshopping. Paulit-ulit lang ang ginagawa namin pero hindi nakakasawa. Kailan ba ako magsasawa kasama si Xander? Never, forever.

Nang ihatid niya ako sa bahay, naisip kong itanong kung bakit ang sweet niya. Alam kong hindi naman dapat tinatanong ang ganung bagay, pero curious ako at baka hindi ako makatulog kung hindi ko ‘to matatanong.

“Da, why are you so sweet? Ako ang babae sa atin, ‘di ba ako ang dapat sweet? Pero bakit ikaw pa ang mas?"

He chuckled then hug me, “Nagsasawa ka ba sa kasweetan ko?” Nagsasawa? Hindi sabi ako masasawa sa kanya.

Pinalo ko siya sa likuran niya at bumitaw saka inistretch ang dalawa niyang pisngi, “Hindi ako masasawa sa’yo kahit kailan. Natanong ko lang kasi curious ako."

Teen Clash 2: Battle between Heart and MindWhere stories live. Discover now