"Pano ako makakapagbihis eh nandito ka?" Tanong ko sa kanya.

"Nakita ko na naman yan." Nakasmirk niyang sabi sa akin na nakapagpalaki sa mata ko.

"Ano?!" Sigaw ko sa mukha niya.

"Hahaha. Nagbibiro lang ako! Babantayan ko na lang si Kysler sa may banyo. Baka biglang lumabas." Sabi niya habang naglalakad papuntang pintuan ng cr at tumalikod sa akin.

"Rivera siguraduhin mo lang na hindi ka titingin dito. Kapag ikaw tumingin dudukutin ko talaga yang mata mo." Nagbabanta kong sabi sa kanya.

Dahil sa pagmamadali ko, hindi ko na nalaman kung kaninong damit ba yung nakuha ko, basta kumuha na lang ako ng damit sa maletang malapit sa kinakatayuan ko, galing pa nga sa Royalty Ace yung damit eh.

Nakakaloka yung damit, dress ba 'to? Bat' ang laki sakin? Di ko expected na magmumukang dress sakin 'tong t-shirt. Kanino ba kasi to?

Nagsuot na lang din ako ng short na hindi namang ganung kaikli, pero dahil mahaba yung damit ko, halos hindi na din halata na may short ako, sana naman hindi ako mamanyak.

"Okay na." Sabi ko habang nagsusuot ng tsinelas.

"A-April, bat' mo suot t-shirt ko?" Nakangiting sabi sa akin ni Edward. What the? Ano bang meron ngayong araw? Bat puro kamalasan nangyayari sa akin ngayon?

"Okay! Dumampot na lang kasi ako ng damit dun sa maleta malapit sakin kanina. Malay ko bang sayo yun. Talikod. Magpapalit ako."

"Ready na ko. Tara na! Baka ma-default pa tayo." Sabi ni Kysler at nanakbo na palabas ng kwarto.

"Wait hindi pa ako bihis!" Reklamo ko pero nakalayo na yata siya.

"Halika na. Hayaan mo na." Seryosong sabi sa akin ni Edward. Pero hindi naman siya mukhang galit kaya tumango na lang ako sa kanya na parang bata. Nakakahiya kasi. Feeling ko napaka irresponsible ko.

Tinignan niya muna ako ng matagal saka umiling at lumapit sakin.

"Bat ka nakasimangot diyan?" Tanong niya sa akin ng nakangiti.

"Wala." Nakasimangot ko pa ding sabi sa kanya. "Papalitan ko na lang tong t-shirt mo. Hindi ko naman talaga alam na sayo pala yung maleta." Sincere kong sabi sa kanya.

"Ano ka ba. Wag na. At isa pa, ang hot mo tignan kapag suot mo damit ko." Kinindatan niya ako at saka hinila palabas ng kwarto.

Ang landi mo Rivera ha.

Pagkadating namin sa court ay pinagtitinginan kami. Ay hindi pala kami, ako pala. Dahil may suot ako ng t-shirt ng lalaki, hindi kita yung shorts ko, at may kasabay pa kong lalaki na pumasok dito sa court, holding hands pa! Hindi nga naman kami pagtitinginan nito diba?

Hinanap ko kaagad sila Angel at tumakbo na papunta sa kanila nang hindi man lang nililingon si Edward. Nahihiya pa din ako sa katangahan ko.

"Hoy. Kaninong t-shirt yang suot mo?" Nagtatakang sabi ni Angel sakin pero hindi ko siya sinagot. Napipikon ako sa sarili ko.

"First game, Dymetri Gang versus Wolf Gang." Pag-announce ni Dangerolf siya kasi ang Division leader na naka assign sa Basketball.

Pumwesto na sila Edward sa tamang pwesto nila, I have nothing to do with basketball. Wala akong ka alam-alam sa basketball. Badminton lang kasi talaga pinagtutuunan ko ng pansin.

Tatlong mapuputing poging lalaki versus tatlong mapuputing pangit na lalaki.

Siyempre sila Edward yung pogi.

Nagsimula na yung game at nakita kong tumingin sa akin si Edward, ngumiti siya sa akin pero seryoso lang akong tumingin sa kanya.

"Omg girl! Look at Edward Rivera! He's looking at me! Like omygod." Maarteng sabi nung babae sa likod ko kaya napaiwas ako ng tingin kay Edward. Baka nga hindi siya sakin nakatingin. Masyado akong nag-assume.

Nagpatuloy ang game, at bawat attempt ni Edward na magshoot ay hindi nash-shoot sa ring, minsan shoot, madalas sablay, kaya lamang ng 30 points ang kalaban and 30 minutes na lang tapos na ang laban.

"Okay. Let's have a break first." Nakangiting sabi ni Dangerolf. Nakatingin lang ako kay Edward at kitang-kita ko na naiinis siya. Kinausap siya ni Zack pero nilagpasan niya lang ito at lumabas na ng court. Ano ba nangyayari dito sa lalaking 'to?

Bumaba ako sa bleachers at sinundan siya palabas ng court, nakita ko siyang pinagdidiskitahan yung pader at pinagsusuntok ito.

"Edward ano bang ginagawa mo?" Naiinis kong tanong sa kanya. Bakit niya kasi kailangang saktan yung sarili niya? Hindi naman masasaktan yung pader sa ginagawa niya eh. Siya lang.

"Diba galit ka sakin? Bakit ka nandito?"

"Edward hindi ako galit sayo! Ano ba yang sinasabi mo?!" Medyo tumataas na yung boses ko dahil naiirita na ako. Ano ba kasi nangyayari dito sa lalaking 'to?

"April alam kong galit ka! Kasi tuwing titingin ako sayo iiwas ka ng tingin, tuwing titingin ako sayo sa iba ka nakatingin! Hindi ako manhid, April. Alam kong galit ka."

"Sa tingin mo anong dahilan ko para magalit? Wala diba?! Edward hindi ako katulad ng ibang babae na magagalit na lang basta-basta! Oo galit ako! Galit ako sa sarili ko. Pero hindi sayo. Galit ako kasi ang tanga tanga ko. Okay? Hindi ako galit sayo." Page-explain ko sa kanya. Yun na yata ang pinakamahabang salita ko sa kanya buong buhay ko.

"Bat' ka naman magagalit sa sarili mo?" Nakasimangot niya pa ding tanong. Pero hindi na tulad kanina na sumisigaw siya at mukha na siyang halimaw.

"Ang tanga ko para maisuot yung damit mo. Ang tanga ko kasi hindi ako nagdala ng damit ko sa banyo. Ang tanga ko kasi gumanti pa ako sayo kanina. Ang tanga ko para magquit sa gang, ang tanga ko. Ang tanga ko kasi hindi ko man lang namalayan na gusto na pala kita." Napatakip ako ng bibig ko dahil sa sinabi ko. Sinabi ko ba talaga yun? Ako ba talaga may sabi nun?

"Ano yung sinabi mo?" Ngayon naman ay nakangiti na niyang tanong.

"W-wala akong sinasabi. Halika na. Baka hinahanap ka na dun sa loob." Sabi ko at nanakbo na ko papasok ulit ng court. Ramdam na ramdam ko na ang init ng muka ko. APRIL ANG TANGA MO TALAGA!

Bumalik na ako sa pwesto ko kanina at pinipilit na saluhin nila Aira ang mata ko pero hindi ako tumitingin sa kanila. Dahil alam ko na kapag tumingin ako sa kanila malalaman na nila yung nangyari kanina sa labas.

Nagsimula na yung game at nakila Edward yung bola, nagulat ako dahil kahit ang layo niya sa ring nashoot niya padin yung bola at automatic three points.

Nasa kalaban na yung bola, tumakbo papalapit si Edward kay Lopez, yung lalaking may hawak nung bola. Nakalagay sa Jersey niya Lopez 17 eh. Pagkalagpas niya kay Lopez ay nasa kanya na yung bola at shinoot na naman niya sa ring at panibagong three points na naman. Seryoso ba tong si Edward?

Nakay Edward ang bola at last one minute na lang din, isang shoot na lang niya at mananalo na sila sa game.

Pero bago niya ishoot yung bola ay tumingin muna siya sa akin at ngumiti ako. Kinindatan niya ako at saka shinoot yung bola. Another three points.

Nice job, Rivera.

Naghiyawan lahat ng supporters nila Edward at siyempre kasama na ako dun dahil nanalo sila.

Badminton done, basket ball done, one more game to go at Dymetri na naman ang number one gang sa Pilipinas under Glaciefier Mafia.

"Congrats!" Sabi ko kay Edward habang naglalakad siya papalapit sa akin.

The Gangster's Princess (COMPLETED)Where stories live. Discover now