Chapter 1

2 0 0
                                    

Xia's POV

"Hindi eh kanina kasi nagtext siya sakin na papunta na daw siya sa canteen tapos ilang oras na akong naghihintay doon pero hindi talaga siya dumating kaya nag-alala na ako dun." Dinig kong si Dyann

"Hindi mo talaga nakita kung sino ang tumulong sa kanya? Hindi man lang tayo nakapagpasalamat. " Ani Yntifar

Dumilat ako at nakita ko silang nagtatalo. Magsasalita na sana si Dyann kaso ay hindi niya naituloy dahil nakita niya akong nakikinig sa kanila.

"Xia buti naman at gising ka na. Pinag-alala mo kami naku naku."

Ngumiti na lamang ako sa kanila.

"Xia nakilala mo ba yung tumulong sayo kanina?" Tanong ni Dyann

"Malamang hindi, nahimatay nga diba?" Sambit naman ni Yntifar

"Aw edi sorry."

Tumawa na lamang ako. Oo nga naman, Sino yung tumulong sakin kanina? Hmm, bahala na nga.

"Okay na ako nuba. Oa niyo" nakangisi kong tugon.

"Sigurado ka ha baka mamaya makita ka nalang namin jan ng walang malay." Ani Dyann

"Pwede na ba akong umalis?" Tanong ko

"Oo naman ikaw lang talaga ang hinintay naming gumising."

"By the way, next time pag may period ka magsabi ka para naman mabantayan ka namin. Naku naku mahirap na." Pangaral pa ni Yntifar

"Jusko hindi na ako bata para bantayan. I can handle."

"Handle mo mukha mo kanina nga muntik ng mauntog ang ulo mo buti nga may superman na sumalo sayo tapos sasabihin mong 'I can handle' ampucha naman eh!" Inis na sabi ni Dyann

"Wag ng matigas ang ulo bes. Ha? Sadyang nag-alala lang talaga kami sayo okay?" Mas kalmadong tugon ni Yntifar

"I understand."

"Sige tara na lumabas na tayo."

Tumayo ako at pumirma doon sa table ng nurse. Pagkalabas namin dumeretso kami papuntang coffee shop.

Sa aming tatlo si Yntifar talaga ang pinaka kalmado. Hindi siya madaling magalit sa isang tao kumbaga madali siyang magpatawad. Siya rin ang tumatayong parang nanay namin. Lagi kasi siyang nagtatanong kung nakakain na ba kami o di kaya'y how's your day jusko parang fairy god mother ganun pero kapag tinamaan yan ng sakit niyang 'over over topak disease' sobra pa sa baliw ang utak niyan.

Si Dyann naman ay sobrang prangka pero masaya siyang kasama kasi walang araw na hindi mo siya makikita na tumawa ng napakalakas. Parang witch ganern. Minsan lang yan siya maging seryoso kasi parang lahat ng bagay sa kanya ay biro. Tss. Palibhasa parehong tatay at nanay niya ay kalog kaya saan ba naman magmamana yan?

At ako naman parang combination nilang dalawa, ganyang ganyan 'daw' ang ugali ko. Nagtaka nga ako eh kasi kung parang Yntifar lang din ako, bakit hindi ko mapatawad ng ganun kadali ang tatay ko?  Pero kahit na palatawa ako hinding-hindi pa rin mawawala ang sakit na nararamdaman ko dahil sa pang-iiwan sakin ng tatay ko. Si umma(nanay sa korean language) kasi pinalaki niya akong mabuting tao. Hindi niya ako pinapabayaan. Only child kasi eh charot lang. Haha. Nababadtrip lang talaga ako pag may lalaki akong nakikita haha

Nang makarating kami sa coffee shop. Umorder ako ng Chocolate Mocha Frappe.
Lagi kaming tambay dito. Food is Life eh. Sa matakaw eh paks mo?

"Alam niyo ba si sir Horzon naku naku yung baklang yun jusko ang terror ha, mula kanina ako nalang nakikita sabog na nga ang kili kili pati ba naman ang hininga sabog?! Baka gusto niyang pasabugan ko rin ang pimples niya para sabog na sabog! Bwiset" si Dyann

"Haha napansin mo rin pala yun? Grabe parang gusto kong mamatay everytime na pumasok siya ampucha." Si Yntifar

Nagtawanan lang kami ng nagtawanan. Nang bigla kong nakita yung Liam daw kuno na yun may kausap na babae. Beastmode on

"Hahahahahahahah-- wooy anyare sa mukha mo? hahaha" sabay turo pa sakin

"Nakakita naman kasi ng GWAPONG lalaki yiee haha" si Yntifar

"Tangina niyo all." Ani ko sabay irap.

"At saka yan Gwapo?! Jusko don't me." Dagdag ko pa

"Palibhasa walang gwapo sa paningin mo haha magpacheck up ka nga baka may katarata na eh" ani Dyann

Suminghal nalang ako sa kanila. Kabwiset. Tadhana nga naman. Nakinig nalang ako sa mga biro nila.

"Tapos ito pa hindi niyo ba napansin bumagay ang apilyedo niya sa kanya?"

"Huh bakit?"

"Eh hindi ba Horzon? Kabayo siya diba kaya Horse-on? Hahaha" ani Dyann

"Jusko tama na masakit na ang tiyan ko hahaha." Ani ko

"Edi tumae ka dali!"

'Bwiset'

"Leche tara na nga may klase pa tayo." Sabi ko

"Babae wala ng klase suspended lahat ng klase this afternoon kasi may seminar daw lahat ng mga teachers."

Nagkatanginan kaming tatlo at...

"LET'S GO SHOPPING!"

Inubos agad namin ang drinks namin saka kami tumungo sa parking lot. Sumakay na rin ako sa Chevrolet ko. Yes, may sarili akong sasakyan. Ganun din kila Yntifar pati Dyann iba nga lang ang kulay. Blue for me, Green for Yntifar and Red for Dyann.

Nang makarating kami sa pinakamalapit na Mall ay pinark agad namin ang sasakyan. Sabay-sabay rin kaming pumasok sa mall. Lumingon lingon ako sa mga magagandang boutique.

Naglakad ako ng naglakad nang may nabangga ako.

"Oops, I'm sorry I didn't--" natigilan ako ng mapagtantong si Liam ang aking nabangga.

'Tadhana nga naman'

"Hey, I'm sorry." Si Liam

"No, it's not your fault. Kasalanan ko rin naman, hindi kasi ako tumitingin sa dinadaanan." Ewan ko ba kong sinsero yung pagkakasabi ko or what.

"That's not what I mean."

"Then what?" Pairap kong tanong

"Uhm about the debate thingy."

Nanliit ang mga mata ko.

"Oh! Is that so? I'm sorry I can't forgive you lalo nat fresh pa sa aking pandinig ang lahat ng hindi kaaya-aya mong mga salita. Bye." Ani sabay irap sa kanya.

Sabay-sabay namang lumapit ang mga kaibigan ko.

"Xia anong ginawa mo?"

"Nabibwisit ako sa kanya eh. Simula umaga siya lang yung sumisira sa mood ko. This is our time to be stress free tapos mambibwisit na naman." ani ko

Inakbayan ako ni Yntifar.
"Ikaw talaga. Bakit ba kasi inis na inis ka sa mga lalaki? patawarin mo nalang kaya yung tatay mo tutal parang wala ng problema yun sa nanay mo."

"You don't get it. Mas masahol pa sa break up ang ginawa ng tatay ko sa nanay ko kaya pwede ba?" sabi ko

"Kung maka break up naman ito kala mo naman kung naranasan mo HAHAHAHAHA" ani Dyann

tss

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 12, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

I'm Inlove With YouWhere stories live. Discover now