"Alam ko hindi naman ako ganun kabait o kaperpekto para ipagkaloob niya saakin ang isang kahilingan na mabuhay ang babaeng mahal na mahal ko. But still, naniniwala ako na wala sa kabaitan o perpektong pagkatao nasusukat yan. Dahil naniniwala ako na once na ipinaubaya mo sakanya ang lahat maibibigay niya ang gusto mo. Yes, ipinapaubaya ko ang asawa at anak ko sakanya, but I'm hoping na ibabalik niya saakin ng buong buo ang mag ina ko pagkatapos ng laban na 'to.." Hindi ko na namalayan ang sunod sunod na pagtulo ng luha ko.

"I want her back. Pinapaubaya ko sa Diyos pero gusto kong ibalik din niya saakin ng buong buo.. Mahal na mahal ko ang babaeng yon at handa kong itama lahat ng maling nagawa ko h'wag lang siyang mawala saakin." Parang pinipiga ng kung ano ang puso ko, parang nakalagay sa squeezer at pilit inuubos ang bawat himaymay ng puso ko.

"Please..mahal na mahal ko siya." Gago man pakinggan pero para akong bata na humihikbi sa kawalan, puta daig ko pa ang naagawan ng candy sa bawat hagulgol ko. Hindi ko kasi talaga kakayanin kapag nawala siya.


"KUYA!" Lumingon ako sa tumawag saakin, si Miracle. Biglang nagwala ang puso ko nang makita ko ang pag aalala sa mukha niya.

"Si Ate Marie! Wala na siya.." Bulong lang yon, pero dinig na dinig ng dalawang tainga ko ang sinabi niya. Nanigas ako sa kinauupuan ko, hindi ko magawang maigalaw ang buong katawan ko, nakatitig lang ako sakanya at hinahayaang bumagsak ang luhang nag uunahan sa mga mata ko. Nang marinig ko yon parang nawalan na rin ng pintig yung puso ko, parang tumigil ang sariling mundo ko nang sabihing wala na siya. Wala na yung babaeng mahal na mahal ko.


"W-wala na siya Kuya..wala na siya." Humahagulgol na bulong ni Miracle.

"Kei Marie.." Bulong ko at para akong gago na hinang hinang tumayo para pumasok sa loob ng bahay, buhay siya. Naniniwala akong buhay siya, mahal ako nun. Hindi ako iiwanan nun. Pero may humila sa tshirt ko na naging dahilan ng paghinto ng paglalakad ko.

Nilingon ko siya, siya pa rin yung batang kausap ko kanina. Nginitian niya ako at tinapik tapik niya ang likod ko habang ang kaliwang kamay niya nakahawak sa isang kamay ko, hindi ko alam pero para akong nanigas sa kinatatayuan ko dahil sa hawak nitong batang lalaki na 'to.

"Ingatan mo ang lahat ng ibinibigay niya sayo. H'wag mong sayangin. At sana, hindi ka makalimot pagkatapos ng lahat ng ito.." Nakangiting sabi saakin ng batang lalaki.


"Drake.." Lumingon lingon ako nang marinig ko ang boses ng asawa ko. Pero patuloy ko pa ring nararamdaman ang pagtapik sa likod ko, para bang ginigising ako mula sa pagkakatulog ko.

"D-Drake.."

"KUYA!!"

"Drake..Sweetheart.."

"KUYA!!"

"D..Drake.." Parang isang musika kung tawagin niya ang pangalan ko, marahan kong iminulat ang mata ko at tumingala ako mula sa pagkakatungo ko sa tuhod ko, nasilaw ako mula sa sinag ng araw sa dulo ng beach. Isang panaginip? Napatingin ako sa hawak kong papel, ito yung sulat ng asawa ko saakin.


Just Fall In Love Again (Published under Pop Fiction/Summit Media)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon