Iyak pa rin ako ng iyak.

Para na kong tanga.

“A-ano? Si Daniel? WHAT? TEKA! JULIA BARETTO? Bakit andito siya? Diba nasa america yun? Tsaka si DJ ba talaga nakita mo? Saan? Paano? Huy, hindi magagawa ni Daniel yun!” 

Tumayo ako tapos tinignan ko siya ng masama. “Mukha ba kong nagsisinungaling? Ayoko na dito. Umalis na tayo”

Kinuha ko na yung mga bag ko at dali-daling lumabas ng room.

“Teka kath! Teka” Rinig kong sigaw niya.

Kinalampag ko agad ang room nila Bea.

Pinigil ko na yung mga luha ko.

Bea: “Oh kath, bakit?” Inaantok antok pa siya nung binuksan niya yung pintuan.

“Sila Diego? Pakisabi sa kanilang lahat na uuwi na tayo. Tara na” Sabi ko agad.

Bea: “Ha? Ano?”

Julia: “Yan din una kong sinabi. May nangyare bea, mahabang kwento”

Bea: “Pero si Daniel? Nasan?”

Tumalikod na ko pagkabanggit niya ng pangalan na yan.

Parang may kumikirot sa puso ko kapag naririnig ko yun.

“Tara na, hihintayin ko kayo sa van”

Bea: “Pero kath! Ayusin niyo muna yan! Tsaka madaling araw pa lang! Ano ba”

“Kung ayaw niyo kong ihatid sa bahay, magta-taxi na lang ako” sabay naglakad na ko.

Hinabol agad ako ni Julia. “Sis, magusap muna kayo ni DJ”

Di ako nagsalita.

Magusap?

Para ano?

Para mapaikot niya ko?

Sobrang sakit ng ginawa niya.

Hindi ko alam kung kaya ko pang makipagusap sa kanya.

Baka mapatay ko siya.

Hindi.

Stuck Forever with You (Stuck Series Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon