chapter 10- it hurts

Start from the beginning
                                    

nakatulog siya sa byahe kaya ang laki talaga ng problema ko ngayon.. kasing laki ng taong 'to.. haaay.. kung di lang ako maawain.. tinulak ko na 'to palabas ng kotse..

"you're a big fat.. stupid human!" sabi ko habang inaalalayan ko siya papunta sa kwarto niya

"i'm not a fat.." sambit niya na naka pikit pa din ang mata

"it's just an expression" sabi ko at binuksan na ang pinto ng kwarto niya

"maglakad ka na ng maayos ang sakit na sa paa leo" reklamo ko

"there.." turo niya sa sofa sa harap ng kama niya

"baliw ka ba?! ayun yung kama.. diyan ka sa sofa matutulog?" sabi ko at binagsak ko na siya sa higaan.. at sa di sinasadyang pangyayari.. naka patong ako sakanya..

tatayo na sana ako ng yakapin niya ako sa baywang

"masarap magpa init ngayon ah.." sabi ni leo..

"ang bastos mo!! kadiri ka! kung nangangati ka! wag kang magpapakamot sakin..! yuck!" sabi ko at buong lakas akong kumalas sa yakap niya

"yuck? kadiri?.. hahaha di ka na mabiro yumi.. masyado kang seryoso" sabi niya at bigla nalang akong tinulugan

"bahala ka diyan! ayusin mo mag isa yang sarili mo!" sabi ko sa sobrang inis at binagsak ko ang pagsara ng pinto.. tulog na din naman siya eh.. nakakadiri talaga ang isip ni leo.. nakakainis!

nasa parking lot na ako ng matanaw ko ang isang matangkad na lalaki na naka sandal sa pinto ng kotse ko naka cap at jacket siya kaya di ko makilala..

"ah.. sir.. excuse me lang po ah.. kasi aalis na po ako" mahinahong sabi ko dito na naka yuko pa din

"siya ba ang dahilan kung bakit iniiwasan mo na ako?" sabi nung lalaki.. famillar ang voice niya na parang umiiyak.. di ko alam kung tama ba kung sino nasa isip ko..

"sorry i don't know you" sabi ko sabay alis sa harap niya para pumunta sa kabilang pinto ng hawakan niya ang braso ko ng mahigpit..

"aray! masakit na ah! bitiwan mo nga ako!" sabi ko habang pinipilit kong kumawala sa hawak niya

"masakit? di mo ba alam na mas masakit ang ginagawa ko sakin?!" sabi niya

"kaye?.." wala sa loob kong sinabi.. at bigla siyang tumingin sakin na namumugto ang mata

"lagi kitang sinusundan yumi.. lagi kitang hinahanap at hinahabol pero bakit ba lagi mo akong iniiwasan?! dahil ba kayo na ni leo?! dahil ba sakanya mo nakukuha ang gusto mo?! nabibigay niya ba ang sarap na di ko mabigay sayo?! yun ba?!" malakas na sabi ni kaye.. pls kaye wag ngayon..

"magsalita ka yumi! sabihin mo sakin?!" sigaw sakin ni kaye

"kaye... ganyan ba ang iniisip mo? na malandi ako? na sarap lang ang hinahanap ko sa isang tao? ganun na ba ako kadumi sa isip mo kaye?" mahinang sabi ko..

"hindi naman sa ganun yumi.. sorry ok.. ayaw kong ipagpalit mo ako kay leo.. pls" pagmamakaawa ni kaye.. sorry kaye sa gabing 'to

"bakit kaye? may tayo ba?" sabi ko sakanya.. nakita kong pumatak ang isang butil sa mga mata niya.. kaya yumuko ako.. ayaw kong makita siyang umiiyak..

"pls kaye.. wag kang umiyak.. nakakahawa" sabi ko

"anong sabi mo?" takang tanong niya

"kaye aalis na ko sorry" sabi ko sabay alis sa harapan niya... iniwan ko siyang nakatulala.. alam kong nasaktan ko siya pero kailangan.. kailangan kong gawin.. di lang dahil kay papa.. dahil sa.. hindi pa ako handa..

that guy or that lesWhere stories live. Discover now