chapter 2

164 11 0
                                    

yumi.

1 week later.

isang linggo nang hindi sumasabay mag lunch samin si kaye simula ng mapikon siya sakin.. pero nakikita naman namin na pumapasok pa ito at kasama pa sina leo at ang grupo.. palihim akong lumilingon sakanya gamit ang salamin ko.. hindi pa naman niya ako nahuhuli..
at minsan naman nagkaka-salubong ang paningin namin at siya ang unang bumabawi..
minsan din naman mag isa ko itong makaka salubong sa parking lot at minsan sa gate.. pero di kami nagpapansinan.. snobers kami eh..



ginabi na ako ng uwi dahil kumain pa kami sa labas nina macy.. alam naman nina mama na gagabihin ako kaya ni wories..

pero sa kalagitnaan ng dilim na-flat ang kotse ko.. at walang gaanong sasakyan na dumadaan dito kasi walang street lights .. pero dito pa din ako dumadaan dahil may shortcut dito para mas mapadali ang pag uwi ko.. at nagayon.. mukhang uumagahin ako dito

tinatawagan ko sina papa pero cannot be reach at si macy naman hindi pwede dahil strict ang dad niya at ang iba naman nagri-ring lang ang phone walang sumasagot hanggang sa nag-shutdown na ang phone ko..
pumasok nalang ulit ako ng kotse at nag radio para may ingay naman akong marinig.. masyadong tahimik ang lugar na 'to.. maya maya pa ay bumuhos na ang malakas na ulan.. at nakakaramdam na ako ng takot at naiiyak na din ako pero pinipigilan ko lang.. di ako sanay mag isa.. sanay akong kasama ko lagi sina mama at papa..
di ko na napigilan ang luha ko.. umiyak na ako at napasandal nalang sa manubela ko.. pag ramdam kong mag isa lang ako sa isang lugar.. umiiyak talaga ako..

habang umiiyak ako biglang may kumatok ng mahina sa bintana ko.. hindi ako lumingon.. na-imagine ko kasi na may multo na akong kasama kaya mas lalo akong dumikit sa manubela ko..
lalong lumalakas ang katok nito sa bintana kaya kinuha ko ang rosary na naka sabit sa manubela ko at pag lingon ko nakita kong hindi ito multo.. isang lalaking naka jacket ang nakita ko.. di ko masyadong makita yung mukha niya kasi madilim kaya binuksan ko na yung bintana kahit malakas ang ulan..

"bakit ang tagal mong buksan? kanina pa ko basa oh!" sigaw sakin ng lalaki at parang pamilyar sakin yung boses.. ayaw ko man isipin pero si kaye talaga ang pumasok sa isip ko kahit isang beses ko palang nakakausap si kaye kilala ko na ang boses niya..

"wait! sino ka ba?" tanong ko

"tsk! ako to si kaye! kaya pwede ba bumaba kana at dun ka nalang sumakay sa kotse ko.. nilalamig na ako!" reklamo nito..
so tama pala ang nasa isip ko.. pero ang pinagtaka ko.. bakit siya nandito?

"bakit ka kasi nagpa ulan! wala ka bang payong?!" tanong ko

"kung meron edi sana gamit ko na yun! mag isip ka nga din" sabi niya.. nga naman.. bakit di ko naisip yon?

bumaba na ak ng kotse at ni-locked ko na ito.. at bigla nalang akong hinila ni kaye papasok.. at saka sya sumakay at nag drive..

wala kaming imikan ni kaye pareho kaming basa sa ulan.. pareho din kaming nilalamig.. di ko din alam kung pano ako magpapasalamat.. nahihiya ako dahil hindi maganda ang naging tagpo namin ni kaye nung una..

"nilalamig ka?" tanong niya..
di pa man ako nakaka sagot ay pinatay na niya ang aircon..
nakita kong namumutla si kaye dahil sa lamig.. pati yung mga kamay niya namumuti din.. at halatang giniginaw..

"kaye..." tawag ko sakanya.. lumingon lang to saglit sakin at binaling ulit ang paningin sa daan..

"kaye malapit na tayo.." una kong sabi

"oh tapos?" mahina niyang tanong pero may sounds of pagka masungit pa din..

"gusto mo bang mag kape muna sa bahay?" tanong ko

that guy or that lesWhere stories live. Discover now