chapter 8

133 11 1
                                    


yumi.




"ah.. kaye.. hindi pa ako ready" sagot ko kay kaye

"ok lang.. pero sana payagan mo akong ligawan ka mula ngayon" si kaye

"ahm.. ayaw kong mahirapan ka kaye"

"mas mahihirapan ako kung sa iba ka pa mapunta".. si kaye..

"ah.. kung yan ang gusto mo.. sige.." sabi ko nalang

"tara na sa ball" aya ni kaye at hinawakan na niya ang kamay ko papuntang ball

"uy! anong meron?!" gulat na tanong ni sebastian

"anong ibig niyong sab-" dun ko lang napagtanto na nakahawak pa din pala sa kamay ko si kaye

"bakit?" tanong ni kaye

"ah.. yung kamay ko.." sabi ko kay kaye habang tinuturo ang kamay ko na hawak niya.. binitawan naman niya ito agad

"ah.. kaye hiramin lang namin si yumi ah... kuha lang kaming foods" si macy.. di pa nakakasagot si kaye ay hinila na nila ako







"may dapat kang ipaliwanag samin girl..." panimula ni kath habang kumukuha ng pagkain

"anong ipapaliwanag ko?" tanong ko at sabay sabay pa silang lumingon sakin at tinaasan ako ng kilay

"oh? yang mga kilay niyo baka lumipad sa sobrang taas" biro ko sakanila pero wa effect

"ano nga?!" inis kong tanong

"bakit magka holding hands kayo ni kaye?" tanong ni macy na nakapamaywang pa

"ah.. ahm.. wala" sagot ko

"anong wala?! imposible girl!" si gizelle

"haaayst! alam ko naman na di niyo ako titigilan eh... si kaye kasi gustong m-" naputol ang sasabihin ko ng may biglang humila sa braso ko.. nilingon ko naman sina kath.. lahat sila laglag panga.. nilingon ko din ang humila sakin.. if hindi ako nagkakamali.. si leo 'to.. kasi naman damit palang eh.. leo na

"t-teka! masakit kang humila.. baka magka pasa ako" reklamo ko at tumigil na din kami sa gitna ng mga taong nagsasayaw ng sweet

"anong gagawin natin dito?" takang tanong ko.. tinanggal niya ang maskara ko at ganun din ang kanya

"t-teka!" utal ko ng bigla nalang niyang hawakan ang baywang ko.. ako naman napakapit sa balikat niya at ang isa naman ay hawak niya..

naiilang ako dahil magkalapit lang ang mukha namin ni leo.. nakatitig lang siya sakin tapos ako sa paligid lang ako naka tingin.. baka kasi pag humarap ako sakanya magkahalikan na kami

"konting luwag naman diyan leo oh" sabi ko

"bakit? may problema ba?" tanong niya

"baka kasi anu eh.. baka.. " salitang di ko matapos tapos

"baka magkahalikan tayo?" pagpapatuloy niya sa sinasabi ko.. tumango nalang ako bilang sagot

"haha.. pag  kay kaye ok lang kahit ilang beses.. tapos pag ako ewan!" inis na sambit ni leo..

"n-nakita mo?" tanong ko

"oo.. nakita ko... kamusta naman humalik ang kapwa babae ah?!" inis na tanong ulit ni leo.. di ko alam kung ano magiging reaksyon ko sa kinikilos niya ngayon.. di naman siya ganito lagi sakin eh.. ok naman kami kanina.. may problema ba siya kay.... kaye?

"good kisser ba? mainit ba mga yakap niya sayo? gusto mo ba ang pakiramdam na yun?! kaya ko naman ibigay yun ah!" galit na si leo..

"leo.. pls tama na.. masakit na" sabi ko sakanya dahil humihigpit ang yakap niya sakin at pati ang pagkakahawak niya sa kamay ko mahigpit na din..

that guy or that lesWhere stories live. Discover now